TALA "ANO?" ANG hindi makapaniwalang litanya ng Tiya Ling ko ng magkwento si Zareh tungkol sa nangyari sa akin. "Totoo ba ang lahat ng ito, Tala?" Sa akin na sya nakabaling. Tango lamang ang aking naisagot. "Kung ganun, nakakakita ka nga ng multong bata ka?" Muling tanong ni Tiya. Tumango lang ulit ako. Katahimikan. Siguro naman ngayon, na si Zareh na din ang nagsabi kay Tiya, maniniwala na ito sa akin. Paniniwalaan na nya ang mga sinasabi ko sa kanya noon at hindi ng ibang taong ang alam lamang ay siraan ako. "Kaya nga po, kung papayag kayo..." si Zareh, "sa akin na muna tumira si Tala. Mas safe po kasi sya pagkasama po nya ako." Sabay pa kaming napatingin ng Tiya Ling ko sa kanya. Nakwento na din nya kasing, ito lamang ang parang escape ko sa mga multo. Na hindi ako nagagalaw ng

