TALA "NAPATAY mo ata, Smiley!" Bulalas ko habang tinitignan namin si Lolo na nakahiga sa sahig. Hindi na kasi ito gumagalaw. Tinignan naman ako ni Smiley na nakasalubong ang kilay. Parang naintindihan ko naman ito at ako na din ang muntik ng tumampal sa sarili ko ng marealize ko ang sinabi ko. "Sorry na. Oo na. Patay na nga pala sya. Sige na, bobo na ako minsan." Smiley just rolled his eyes on me. Hihirit pa sana ako ng salita ng marinig kong umungol si Lolo. Napatayo ako ng diretso samantalang si Smiley ay nakahandang pupukpok ulit ng ulo dahil nakataas na ang black and white na palayok nito. Hindi ko na tinanong kung saan galing ang palayok na yun. "Ahhh," ungol ulit ni Lolo at dahan-dahang umupo. Sapul nito ang ulo. Lumayo naman kami ng kaunti ni Smiley. "Ah, ang sakit ng ulo ko."

