ZAREH "PAANO kumalat ang isyu na 'to, Zareh?" Hindi mapakaling naglakad back and forth si Harvey habang nakatingin lang ako sa phone at binabasa ang isang post ng isang celebrity blog page. "Sigurado akong ikaw ang tinutukoy sa blind item na yan." Narinig kong sabi ni Harvey. Tahimik muna akong nagbabasa tsaka ko binasa ng malakas ang nakalagay sa celebrity blog page na yun. "Sino itong isang sikat na artista na tinatago ang tunay na s****l orientation? Hint: May isang malaking billboard sa kasagsagan ng Edsa." Tumaas lang ang kilay ko lalo na ng makita ang blurred na picture na kinunan sa edsa kung saan maraming billboards. "Naku. Naku. Ikaw talaga ang tinutukoy nyan." Worried na sabi ni Harvey. Binaba ko ang phone ko at nagpatuloy sa pagreretouch. On-going pa rin ang taping ko sa te

