TALA ANG TAHIMIK ni Zareh ngayon. Nasa BAU (Business As Usual) mode ata sya. When I say BAU sya ngayon, concentrate ang buong atensyon nito sa shooting at pictorials nya today. Hindi naman ako nagreklamo at sumunod lang sa mga utos nito kasi alam ko kung gaano sya kabusy. Habang nag-aassist ako sa mga kailangan ni Zareh ay minsan napapatingin din ako sa aking phone dahil nagtetext si Silver. Nangungumusta ito at nag-aayang manood ng movie pagkatapos daw ng trabaho ko. Napakatempting na offer. Ang tagal ko na ring hindi nakapasok sa sinehan. Simula ng nakakakita ako ng multo, isa yun sa mga lugar na iniwasan kong puntahan. Kasi naman, madilim ang sinehan at siguradong maraming multong kumakalat dun. Ayokong maatake sa puso sa loob ng sinehan at of course, mapahiya sa kasama ko. Madadagd

