Bigla siyang napatayo at naghalughog sa nawawala niyang phone, medyo magulo ang bahay niya ngayon dahil wala siyang oras para maglinis. May naglilinis naman sa bahay niya twice a week kaya lang pagnasa bahay siya at natitiming na ngayon maglilinis ay hindi na niya paglilinisin ang katagalinis. Ayaw niya kasing may ibang tao sa loob ng condo niya pagnagpapahinga siya. "Nasaan ba iyon?" Ilang minuto na din siyang napabalik-balik sa sala at kwarto niya. Lumuhod siya at kinapkap ang ilalim ng kama. Napangiti siya ng mahawakan ang phone niya. "60 miss calls and 50 messages! Urghhh." Nag-scan siya sa mga missed calls at mainly galing iyon kina Ate Che, Zian at Ivy. Ganoon din ang mga text, hindi niya na binasa ang mga iyon. Mabilis niyang tinawagan ang number ni Ivy, alam niyang siya ang may k

