Binuksan ni Anne ang pintuan ng van para sa kanya, si Anne ang personal assistant niya. Ito ang palagi niyang kasama sa kung saan man siya pumunta kaya naman ng mawala siya ay maiyak-iyak na itong si Anne dahil ito ang malalagot kay Ate Che. Sumakay na rin ito sa tabi niya habang si Ate che ay naupo sa passenger seat katabi ng driver. "What's next?" Kinuha niya ang inabot ni Anne na bottled water sa kanya. Agad siyang lumagok ng malalig na tubig, agad siyang naging komportable sa kinakaupan at sinara ang mga mata. "Photo shoot for Rage Magazine." Naranig niyang sabi ni Ate Che. "Akala ko wala ng kasunod ng taping? Urgh." Sabay buka ng mga mata, napahawak siya sa kanyang sentido. Alam niyang wala siyang karapatan para magreklamo dahil kasalanan niya naman bakit nausog ang photo shoot at

