Pagkatapos niyang magpacheck up ay nagtungo na siya agad sa parking lot, ayaw niyang magtagal sa ospital dahil baka makilala na siya ng mga tao roon, at pagkaguluhan pa siya. Kinuha niya ang cellphone niya ng tumunog iyon at rumihistro ang pangalan ni Zian. "Where are you?" Tanong nito sa kanya. Medyo nagulat naman siya dahil gising na ito sa ganitong kaagang oras. Usually kasi late ito maging ng weekend pag walang work. "St. Lukes Hospital, why?" Sagot niya naman habang naglalakad sa parking lot. "Actually paalis na ako ngayon at didiretso na ako sa isang restaurant para kumain." "Saan ka magbre-breakfast?" tanong nitong muli. "I don't know, maghahanap pa lang ako ng marasap na kainan." Parang lalo siyang nagutom ng pumasok sa isip niya ang pagkain. "Meron akong alam, sa Beichun. Ala

