Nang makarating na siya sa bahay ay wala ng tao roon, siguro nakauwi na si sila Manang Celi at Mang Julio, wala din doon si Ivy dahil malamang ay kasama pa din nito ang lintang kasama nito kanina sa hotel. Binagsak niya ang sarili sa higaan habang mainit pa din ang ulo niya, paulit-ulit sa utak niya ang eksena na nasaksihan kanina. Kinuha niya ang unan at napasigaw roon sa sobrang frustration. Gustong niyang matanggal sa utak niya iyon ngunit kahit anong gawin niya ay hindi pa rin iyon maalis sa isipan niya. Bakit niya ba iniisip pa? Napabuntong hininga na lang siya ng maisip na niya ang baby na nasa sinapupunan niya ngayon. Hindi naman sa ayaw niya sa baby niya pero hindi niya talaga inakala na darating sa buhay niya ang baby niya, kung sakali man na maghiwalay na sila ni Ivy ay sisigur

