Hindi niya alam kung paano niya nagawang maligo ng sobrang bilis, siguro limang minuto lang siya sa loob ng banyo at lumabas agad siya habang nakabathrobe lang dahil nakalimutan niyang dalhin na ang idadamit niya. Napatingin siya kay Ivy na nakaupo lang sa may couch at inip na inip na naglilipat ng channel. Nakasuot ito ng white t-shirt at green jacket, naka-fitted faded denim jeans din ito, at white snickers. Napaka-fresh talaga tiganan, siguro maaga itong naligo dahil ang tagal niyang gumising. Naramdaman ata nitong nakatingin siya kaya naman ay lumingon ito sa direksyon niya, agad niyang kinuha ang mga susuotin niya at muling bumalik sa banyo para magpalit. Nagpalit siya ay isang fitted black jeans partnered with baggy black jacket at white sneakers. Pag may pagkakataon ay ang mga kom

