Diretso siyang humiga sa kama pagkatapos niyang tinapon sa kung saan ang jacket niya at heels na suot-suot niya. Dahil sa sobra niyang katamaran ay tinapon niya sa lahat ng gamit niya dito sa hotel room, dumiretso siyang higa sa kama ng naka undies na lang. Nakahinga siya ng maluwang, masarap talaga sa pakiramdam na walang damit habang nakahiga. Sobra kasing nadrain ang energy niya kasi kagagaling niya lang sa isang fashion show dito sa Singapore. Stressed na siya masyado ngayon na hindi na niya kayang maligo, mabuti na lang ay tinanggal niya na nga kanina sa kotse ang make up niya, hindi na rin siya umattend sa after party ng fashion show kahit ilang beses siya pinilit ni Ate Che dahil nandoon daw ang mga sikat na internation fashion designers, malaki ang tiyansang makilala siya at lalo

