"Do you need a ride?" Napalingon ako sa sinabi nito. Napatingin siya rito na may halong pagkabigla kasi naman sa buong biyahe nila ay ni hindi na siya nito pinansin at nakatutok lang ang buong atensyon nito sa laptop. He barely looked at her, tapos sabi niya pa kanina na mag-uusap sila tungkol sa nangyari at kung anong gagawin nila pero ang nangyari ay nagtrabaho lang talaga ito at siya ay natulog lang.
Ano bang pakialam mo kung hindi ka pinansin ng taong iyan? atleast nakatulog ka at nakabawi ng lakas
"What's with that look?" Taanong nito na winalang kibit niya lang. Naglalakas na sila sa hallway ng airport, kakarating lang nila ng Pilipinas, at talagang nasa bansa na siya dahil ramdam na niya ang init sa balat niya.
"Thanks but no thanks." Sabi niya habang nakatutok ang atensyon sa cell phone niya na kaka-on ko lang. After a week, She finally got to check her phone and she is 100% sure that her inbox contained deadly message from her pissed manager.
I'm really back to reality.
Napabuntong hininga na lang siya habang hindi pa din tumitigil sa kakabeep ang phone which mean sobrang rami ng messages sa inbox niya, Yes, flooded messages, great -- just great. Hindi na ito bago considering ang biglang pagkawala niya. Ayaw na niyang isipin kung anong gagawin sa kanya ng butihing manager niya.
"A lot of messages eh.." He said in a sarcastic tone while I scowled at him. "I'm thinking your trip was unannounced." Hindi niya na ito pinansin pa dahil biglang nagring ang phone niya na kinabigla niya at muntik pang mahulog sa kamay niya.. Bumungtong hininga uli siya bago sinagot ang cellphone.
"Hello---" mabilis niyang nilayo ang tenga niya ang cellphone dahil sa pagsigaw ng pangalan niya sa kabilang linya. Siguro umuusok na ang tenga at ilong ni Ate Chen ngayon, ang manager niya.
"Dominique! Nasaan kang babae ka?! Oh my Goodness alam mo bang muntikan na akong mamatay ng di kita mahanap. Kulang na lang tawagan ko ang NBI para gumawa ng search and rescue party para lang sayo. Mabuti na lang tinawagan ko muna si Director na nawawala ka, tapos malaman laman ko na lang sa kanya na nasa Las Vegas ka bruha ka! Gusto mo bang mamatay ako ngayon ha?!" Napangiwi siya sa boses nito. Lalo siyang napangiwi ng tinawag siya nito sa buo niyang pangalan kanina. Tinatawag lang siya nito kung galit na ito at kung galit na galit na ito sa kanya.
Tinignan niya ng masama si Ivy ng mapansing nakatingin ito sa kanya. Lumapit ito sa kanya at inayos ang buhok niyang nakatabing sa mukha niya, inipit nito iyon sa kanyang tenga. Pinanlakihan niya ito ng mata na para bang tinanong niya kung anong ginagwa nito.
"Perfect." Sambit nito habang nakatingin pa rin sa kanya, agad naman namula ang mukha niya at tinanggal ang kamay nitong nakahawak sa pasngi niya,
"Landi." She mouthed at him. At muling binalik ang atensyon sa kausap sa telepono.
"Ate che naman..." Ginamit niya ang malambing niyang boses dito. Nakatingin pa rin sa kanya si Ivy na ngumiti na parang nang-uuyam. Siguro narinig nito ang boses ng manager niya sa phone dahil sobrang lakas ba naman.
"Nako Dominique ha! Nasaan ka na ngayon? Bilisan mo! Nakalimutan mo na ba kung anong araw ngayon?!" Tumaas na naman ang boses nito na kinangiwi niya. Ano bang araw ngayon? Biglang nanlaki ang kanyang mga mata ng maalala kung anong araw ngayon.
"Oh shit." Mabilis niyang pinatay ang tawag sa cellphone at hindi na hinayang makasagot sa manager niya. Press conference nga pala ng movie nila ngayon muntikan na niyang nakalimutan kung anong schedule niya. Humarap siya kay Ivy sabay hila rito, narinig niya ang pagtawag nito sa pangalan niya habang akay-akay niya ito.
"What the-- Dominique what the hell am I doing infront of a comfort room?" Nakakunot ang noo nito habang nakatingin sa kanya. Ngumiti siya rito sabay bigay ng shades at hubad ng sumbrero, at pinahawak rito.
"Do me a favor, can you please stay here for a while and block the way. Mabilis na mabilis lang ito, kailangan ko magpalit ng damit." I didn't give him a chance to reply and slammed the door in his face. Hindi siya pwedeng malate dahil babalatan na siya ng buhay ng manager niya,
Mabilis niyang binuksan ang bagahe niya at hinanap na nakaplano niyang isuot para sa press con. Hindi niya alam kung paano niya nagawang magpalit sa loob ng limang minuto at paano niya nalagyan ng kolorete ang mukha niya. Hindi naman niya talaga kailangan ng makapal na make up since maputi siya at mamula mula din ang mukha niya.
Tumingin siya sa salamin at ngumiti sa kanyang sarili. She is wearing a lace top paired with a red fitted skirt. Nilugay niya lang ang mahaba niyang buhok. Satisfied siyang ngumiti sa sarili dahil kahit mabilis nagpalit at nag make up ay maganda pa din ang kinalabasan niya. Nasanay na rin kasi siyang mag ayos ng sarili kaya ang ganitong set up ay di na masyadong problema. She packed her things back and hurriedly got out.
Napatingin siya kay Ivy na nakatitig lang sa kaynya mula ulo hanggang paa. She smirks looking at him, desire and lust are plastered in his face. "Hey dude, you can stare all you want but we gotta get moving." I winked at him, parang bigla itong nagising at biglang naging blanko muli ang mukha nito. Pero meron pa ring iba sa tingin nito na hindi niya mabasa basa.
Kinuha niya ang shades at muling sinuot, pinagsalikop niya ang mga kamay nilang dalawa sabay hatak rito. Nabigla ito kaya wala na itong nagawa kundi sundin ako habang hila hila ang bagahe nito.
"Nauubusan na akong oras kaya babawiin ko na iyong paghindi ko sa offer mo. Saan ang kotse mo?" Mabilis niyang tanong rito habang hila-hila niya pa rin ito. Lumabas na sila ng aiport, bigla siyang humarap rito.
"You!" Sabay turo sa kanya. Nagpeace sign siya kay Ivy at ngumiti. "What's going on? Bakit mo ba ako hinihila?" He sounded really irritated at the moment. Siguro ayaw ng lalaking ito na napapangunahan siya.
"I don't really have time for this. Please pahatid na lang ako sa Wayne hotel, malapit lang naman iyon dito." Wala na siyang magawa kundi ang magmakaawa dahil hindi siya aabot sa press conference niya kung mag aantay pa siya ng taxi. Paniguradong matraffuc siya sa daan at malalagot siya sa manager niya..
"Fine." Napangiti siya sa sinabi nito, mabait naman pala.. Huminga ito ng malalim at kinuha ang phone nito sa bulsa ng kanyang pantalon. Nkatangin siya sa bawat galaw nito, may tinawagan siya at maya maya ay may pumaradang sasakyan sa harap nila. Habang siya ay nakatunganga lang ay napasok na pala lahat ng bagahe nila sa kotse,
"What are you waiting for?" Iritado nitong sambit sa kanya.
She scowl at him, naupo na rin siya sa tabi nito. Sinara niya ang mata niya ng marinig ang sunod sunod na beep ng cellphone niya. Pinapaulanan na naman kasi siya ng text ni ate che, nasaan na daw ba kasi siya, kesyo sino kasama niya, anong oras daw ba siya makakarating. Gusto na lang niyang matawa sa manager niya, masyadong kabado, hindi naman siya magpapalate sa press conference, e kung malalate atleast makakrating siya.
"By the way why are you going to Wayne hotel?" Narinig niyang sabi ni Ivy.
"Work." Simpleng sagot niya rito habang sinasagot niya ang text ni Ate Chen. Ayaw niya munang sabihin kung anong klase ng trabaho niya rito, hindi niya alam kung bakit hindi man lang siya kilala ng lalaking ito, hindi ba ito nanonood ng telebesyon o kaya tumitingin sa paligid man lang? Hindi sa pagmamayabang pero marami kaya siyang billboards at ads.
"Ohh, a meeting then?" Sabi nito, napaisip muna siya habang tumango. Well malapit na din naman ang press con sa meeting, parang pareho lang naman iyon.
"Sort of." Hindi na ito muling nagsalita pa kaya naman ay nabalot kami sa katahimikan. Ilang minuto lang ang lumipas ay nakarating na din sila sa hotel.
"Thanks, Ivy," hindi niya na ito hinintay sumagot at mabilis siyang bumaba ng kotse. Inabot na din sa kanya ng driver ang bagahe niya na agad naman niyang kinuha rito at nagpasalamat. I practically ran towards my manager and the staff.
Sinamaan siya ng tingin ni Ate Chen at tinitigan lang naman siya mula ulo hanggang paa. "Mabuti naman naisipan mong pumunta dito ng nakaayos na kundi hindi ko talaga alam kong anong gagawin ko sayo." Mainit talaga ang ulo ni Ate Chen kaya naman nag peace sign lang siya rito.
Bigla siyang nabigla ng niyakap siya ng kung sino ngunit agad niyang nakilala ang amoy ni Zian. Gusto niyang kumawala sa yakap nito ngunit masyado mahigpit ang pagkakahawak nito sa kanya.
"The heck Dominique, pinag-alala mo ako." Unti-unti siyang napangiti habang nakatitig sa mukha nito. He was really worried, it was written all over his face while looking at her.
"Hi Z!" Piningot nito ang pisngi niya at sinamaan niya ito ng tingin.
Ngumiti lang ito lalo sa kanya, ZIan is one of her closest friends in the industry. Maingay na maingay ang pnagalan nito sa showbiz dahil may mataas itong katungkulan sa network company nila na may hawak sa kanya at bukod roon ay isa irn itong sikat na direktor. Papasa ring artista ang isang ito, mas mukha pa ngang artista at model ang lalaking ito kesa sa pagiging direktor.
"Really Zian? Sinisira mo mukha ko." Tinampal niya ang dalawang kamay nito. Ngumiti na si Zian sa kanya at tinignan din siya mula ulo hanggang paa. Bakit ba ganyan sila makatingin?
"Atleast you look fine. Hindi na dapat ako nag-alala." Sabi muli nito ngunit napalingon siya sa likuran ng marinig niya ang pag tikhim ng kung sino man.
"You left your phone." Inabot ni Ivy sa kanya ang cellphone niya na kinangit naman niya ngunit nakabusangot ang mukha nito na parang may nagawa siyang mali. Tinignan lang siya nito at lumipat ang tingin nito kay Zian,
"Thanks." Mahina niyang sabi rito sabay kuha sa phone na nasa kamay nito.
"The pleasure is mine babe." Nanlaki ang mga mata niya ng dumikit ang labi nito sa pisngi niya. Sa sobrang bilis ng pangyayari ay hindi na siya nakahuma. Naramdaman niya na nag-init ang kanyang pisngi at siguro namumula na din sa ginawa nito. Ngumiti ito sa kanya ng nkakaloko at tumalikod na,
Bakit ganon? parang siyang kinikilig? Urghhh stop thinking Dominique.
"Who was that? At bakit mo naiwan ang phone mo sa kotse ng lalaking iyon?" Napatingin siya kay Zian at hindi alam ang isasagot. "And did he just call you babe?"
Seriously Dominique! Kinikilig? Dahil sa simpleng halik sa pisngi? Tsaka halik ba iyon? Urghh
"Tara na Niq, nakakakuha na kayo ng atensyon dito." Sabi ni Ate Chen. Napalingon naman siya sa paligid, marami na ngang nakatingin sa kanila lalo na sa kanya iyong iba kumukuha pa ng litrato niya gamit ang mga cellphones nila.
Nauna na siyang maglakad para makaiwas sa dalawang taong nasa likuran niya na malamng sa malang ay maraming tanong.
Damn you Ivy, kinikilig? pwe binigyan mo lang ako ng problema. Tsk.
.