Bumaba na sila ng eroplano, isang oras ang stopover nila sa San Francisco kaya ibig sabihin ay isang oras niyang makakasama ang lalaking nasa harapan niya ngayon. Nandito sila ngayon sa isang cafe sa loob ng airport, hindi sila pwede lumayo dahil limited nga lang ang oras nila dito. Nakatitig lang sa kanya ang lalaking laman ng utak niya simula ng tumakas siya rito. Hindi siya komportable sa pagkakatitig nito kaya tumingin na lang siya sa ibang direksyon. Stop staring! damn it! Napakagat siya sa labi habang nag-iisip ng kung anong pwedeng sabihin rito. Masyado siyang kinakabahan sa titig na binibigay ng lalaking ito sa kanya, hindi talaga siya handa na makita ito. Alam ko naman kasing magkikita talaga kami pero masyado naman atang mabilis, 13 hours pa lang ang lumilipas! Ano bang pw

