Chapter 1

1375 Words
Blaire's POV "Hey Girls!" Bati ni Aya na siyang kadadating lang. Kanina pa kasi kaming tatlo naghihintay sa kanya dito sa cafeteria. Dahil ang sabi niya, mauna na daw kaming pumunta dito dahil may kukunin pa siya sa locker niya. "What took you so long?" Sabi ng kakambal niya na si Aeya.  Aya and Aeya are fraternal twins but still, they are both gorgeous even though they are not even look alike. Nasa lahi na kasi nila 'yan. "Oh! Let me guess it! Naharangan ka na naman no?" Aya just rolled her eyes dahil sa sinabi ni Alex. Napuno naman ng tawanan yung table namin dahil sa pagmemake face ni Aya. "Absolutely!" Hindi na bago sa amin kapag ang isa sa amin ay matagal dumating sa lugar kung saan kami magkikita-kita. Knowing that we are part of the Campus Royalties, sa araw-araw ba namang pagpasok namin at pagtapak sa skwelahang ito, nasanay na kami sa mga kalalakihan na nagkakandarapa sa amin. "Ako nalang mag-oorder" Presinta ni Aeya.   "C1 sakin at isang burger saka iced tea" I said. "Ganun na din yun sakin" Alex said. "Sakin din" Aya said.  Napailing nalang ako dahil sa kanilang dalawa. Halata talagang tinamad mag-isip ang mga ito dahil kung ano ang o-orderin ko ganun din yung sakanila. Naramdaman ko namang nagvibrate yung phone ko, parati kasi itong nasa bulsa ko lang.. Tinignan ko naman kung sino yung nagtext.   1 new message From: King (Blankspace)   Napakunot noo naman ako dahil sa walang laman yung text niya. As in blanko talaga!  Wag na kayong magtaka kung 'King' yung nakaphonebook.  Sadyang pakialamero lang talaga ang lalakeng 'yon. Hindi naman talaga ako magkakaroon ng number niya kung 'di niya lang pinakialaman yung phone ko. Ewan ko ba sa lalakeng yun!  Ang hirap niyang intindihin! Pero pag yung gamit niya yung pinakealaman mo, parang wala ng bukas kung makapagsalita.   Speaking of.....   "Ang tagal naman ni Aeya. Nagugutom na ako!" Reklamo ni Alex at kasabay nun ay ang biglaang pag-ingay ng buong cafeteria. "Kyaaaaaaaaaaah!"   "ZAAAAAC! ANG GWAPO MO!"   "NATHAAAAAAAN! AKIN KANA LANG!"   "TOBYYYYYYYY! ANG CUTE MO!"   "NICCCCCCCK MYLAAABS!"   Napuno na naman ng tilian ang buong cafeteria dahil sa apat na Campus Royalties. Pinangungunahan naman ito ni Zac na kilala bilang King.  Mahahalata mo talaga sa mga galaw nila na nag-eenjoy sila sa mga tilian ng mga estudyante. Parang F4 lang ang datingan nila habang papasok sila dito sa loob ng cafeteria.   "Oh! Nandiyan na pala yung mga prinsepe kasama yung hari nila." Mapait na sabi ni Aeya na kakadating lang at kasunod niya naman yung lalake na dala-dala yung mga order namin. "Tsk. Ano naman ngayon?" Asik ko at asar ko namang tinignan yung lalaking nasa gitna.  Sino pa ba?  Walang iba kundi ang Zac na yun!  Nagtama naman ang tingin namin sa isa’t-isa. Inirapan ko nalang siya baka kung ano pang isipin niya.   "Akala mo kung sinong gwapo psh!" Inis na bulong ni Aya. She’s referring to  Nathan. "Oo nga!" Alex said. She’s referring to Toby.   Ba't ba kasi sa tuwing nakikita sila ng estudyante, e todo tili ang mga ito!  Nakakabingi na ah!  Hindi nalang namin sila pinansin at nagpatuloy nalang kami sa pagkain.  Zac and I are secretly married at ang tanging nakakaalam lang nito ay yung mga kamag-anak lang namin. Dahil sa kagustuhan namin na i-sekreto muna kung ano man ang meron samin. Pumayag naman yung mga magulang namin sa gusto naming mangyari.  Isa lang naman yung dahilan kung bakit inis na inis kami sakanila. Sobrang hangin kasi at sobrang itim ng mga ugali at budhi!  Napakayabang pa. Nangigil ako! Sarap nilang ibaon sa lupa, 'di joke lang! Hindi naman ganun kasama.  Lalo na yang hari nila na dinaig pa ang babaeng may regla sa mood swings! Saktong pagkaupo nila, lumapit ro'n yung grupo ni Jane at agad siyang kumandong  kay Zac. Inis ko naman silang tinignan. Hindi dahil sa nagseselos ako kundi dahil sa ginawa niyang  pagtingin sa gawi ko, na halatang pinapaselos ako.  Asa naman siyang magseselos ako no!  Napangiwi nalang ako dahil sa kalaswaang nasaksihan ko. Pinalo niya yung legs ni Jane na siyang pinagtawanan naman agad nung tatlo niyang kaibigan, dahil sa ginawa niyang ito. Kitang-kita ko mula dito yung mga pinaggagawa nila. Dahil nasa harapan namin sila. Matagal-tagal pa bago kami lumabas ng cafeteria dahil alam naming dudumugin na naman kami ng mga kalalakihan sa labas.  Hangang sa napansin naming kakaunti nalang yung mga estudyante, kaya nagpasya na kaming lumabas. Saktong pagtayo namin, tumayo din sila. Kaya ang kinalabasan, sabay-sabay kaming naglakad na tila ba, magkasundo yung grupo namin. Agad namang nagbigay daan ang mga estudyante sa amin at taas noo kaming naglakad sa harapan nilang lahat.  Nasa gitna kami pareho ni Zac dahil sa tinagurian kaming Campus King At Campus Queen. Nasa kanan ko naman sina Aya, Aeya, at Alex na mga Campus Princesses. Nasa kaliwa naman ni Zac sina Nathan, Nick, at Toby na campus Princes. Nakarating na kami sa classroom na hindi man lang kami nag-uusap. Agad na kaming umupo sa assigned seats namin. Katabi ko si Alex at nasa unahan naman namin si Aeya at Aya. Magkahiwalay kasi ng upuan ang boys at girls kaya mas pabor sa amin 'yon, dahil hindi namin makakatabi ang isa sakanila. Dumating naman agad si sir at nakinig nalang kami sa discussion niya.  Sulat, kinig, participate. Yan lang yung ginawa namin buong klase at hanggang sa uwian na. Sabay-sabay kaming apat papuntang parking lot at sumakay sa kanya-kanya naming sasakyan saka nagpaalam na sa isa't-isa. Naisipan kong dumaan muna ako sa 7/11 dito sa loob ng subdivision namin para bumili ng loaf bread. Pagkadating ko ng bahay, napansin ko na wala pa yung sasakyan ni Zac.  You read it right?  Magkasama kami sa iisang bubong dahil ito yung kapalit sa hiniling namin na i-sekreto ang relasyon namin. Pinark ko na yung kotse ko at dumiretso naman kaagad ako sa kwarto ko para makapagbihis na. Nadatnan ko naman sa kusina si Manang Gina na nag-aayos ng mga gamit pang kusina. Isa siya sa pinagkakatiwalaan ng pamilya namin at siya din yung nag-alaga sa akin simula nung bata pa ako. Kinuha ko yung loaf bread na binili ko dahil gagawa ako ng egg sandwich. Kinuha ko yung mayonaise na may nakahalo na itlog sa loob ng ref na ginawa ko kaninang umaga. Kumuha ako ng limang piraso ng egg sandwich at dinala ko ito sa living room dahil naisipan kong manonood ng tv.  Eto lang naman kasi yung ginagawa ko kapag nandito lang ako sa bahay. Agad naman akong napatingin sa labas dahil narinig ko yung tunog ng makina ng kotse ni Zac. Hindi ko na ito pinagtuonan pa ng pansin baka isipin niyang hinihintay ko siya. Agad ko din binalik yung atensyon ko sa pinapanood ko. Mahangin pa naman ang isang iyon.  Naramdaman ko na pumasok na siya dahil narinig ko yung pagbukas at sara ng main door. Nanatiling nasa tv parin yung buong atensyon ko. Hanggang sa nakita ko sa peripheral view ko na umakyat na siya papuntang kwarto niya. Maya-maya ay nakarinig ako ng yapak ng mga paa niya na animo'y pababa na siya ng hagdan. Hanggang sa napagtanto ko na patungo yung mga yapak niya dito sa living room. Nakita ko naman siyang umupo sa kabilang sofa na siyang katabi lang ng sofa na kung saan ako nakaupo.   "What's that?" Tanong niya habang nakataas ang isa niyang kilay. Ang arte ah! May gana pa talaga siyang tarayan ako.   "Egg sandwich." Simpleng sabi ko at saka kinagat yung sandwich na hawak ko. "You made it?" Tanong niya. Tinanguan ko nalang siya bilang sagot. Nakita kong kumuha siya dun sa plato na pinaglagyan ko ng sandwich. Hinayaan ko nalang siyang kumuha at pinakiramdaman ko kung ano ang magiging reaksyon niya habang kinakain niya ito nang nakahiga. Napailing nalang ako habang pinagmamasdan siya. Ni-isa sa amin ay walang umiimik, nakapokus kasi yung atensyon ko sa pinapanood ko.  Minsan napapasulyap ako sakanya at napansin ko na isang piraso nalang pala yung natira sa inihanda kong sandwich. Hinayaan ko nalang siyang kainin yung natitirang sandwich na ginawa ko. Hindi na ako nag abala pang kumuha ulit, tutal ilang minuto nalang kakain na kami ng hapunan. At kung gusto niya pang kumain, edi gumawa siya ng sa kanya nang makakain siya. Hanggang sa hapag-kainan ay wala kaming imikan. Kaming dalawa lang yung kumakain kasi si Manang Gina sumasabay siya sa mga katulong namin dito sa bahay. Nauna akong natapos at inilagay ko ang pinagkainan ko sa sink at saka umakyat na papuntang kwarto. Naglinis naman agad ako ng katawan at saka nagsuot ng oversized white polo. Komportable kasi ako kapag ito yung sinusuot kong pantulog. Nagbasa muna ako ng paborito kong libro, hanggang sa dinalaw na ako ng antok
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD