Blaire's POV
It was a tiring day! Ke aga-aga sira na agad yung araw ko! Leche! Ano na naman ba kasing pumasok sa kukuti ng Zac na 'yoqn! Nakakagigil talaga ang lalakeng 'yun! Ubod ng kahanginan ang nasa katawan niya!
Flashback...
Kumakain na kami ngayon ng almusal, binagalan ko lang yung pagkain ko, tutal 'di pa naman ako late at ang sarap kaya ng ulam namin ngayon. Kaya pinili ko na bagalan yung bawat pagnguya ko para mas ma-enjoy ko pa yung food ko.
"Hindi pa ba sapat na magkasama na nga tayo sa iisang bubong at hanggang sa school ba naman sinusundan mo parin ako." May halong diin niyang sabi.
Napatigil naman ako sa pagsubo ng kanin dahil sa sinabi niya. Ano bang pinagsasabi ng lalakeng 'to? Ako? Sinusundan siya? Asa!
"What?" Nakakunot noo kong sabi sakanya. Eh, sa wala talaga akong kaalam-alam sa pinagsasabi niya. Napaka-story maker naman ng lalakeng ‘to!
"Stop following me! Pwede bang huwag mo akong kakausapin o lapitan man lang. Baka makahalata sila." Napahigpit naman ako ng hawak sa kubyertosko dahil sa sinabi niya. Ganun na ba talaga kababa ang tingin niya sa 'kin?
Hindi ko na binalak pang sagutin siya sa maling paratang niya sa 'kin. Baka magbangayan lang kami sa harap ng hapag-kainan. Pabagsak kong binitawan ang mga kubyertos ko at tumayo. Kahit gusto ko pang kumain, tila ba nawalan na ako ng gana dahil sa mga binibintang niya sa 'kin. Ang kapal din naman ng mukha niya para pagbintangan ako ng ganun! Agad naman akong nag-inhale exhale upang pakalmahin ang sarili ko.
"Mauna na ako..." Sambit ko. Hindi ko na hinintay pa na sumagot siya, kahit alam kong wala naman talaga akong makukuhang sagot mula sakanya tsk!
Pabagsak kong isanara yung pinto ng bahay sa sobrang inis ko. Napakahangin talaga ng lalakeng 'yon!
Putcha! I don’t fuckin’ care kung magcause yun ng damage! Siya naman yung magpapaayos kung may sira yung mga gamit namin dito sa bahay.
"Arghh! Bwiset nakakainis kang lalake ka!" Sabi ko habang nagpapadyak dahil sa inis. Napahawak nalang ako sa sintido ko dahil sa labis na pagkainis ko sa lalakeng 'yon.
Dumiretso na ako sa kotse ko ng mapansin kong magkatabi pala yung kotse namin. Napairap nalang ako dahil sa inis at pinaandar yung kotse ko. Hindi naman kalayuan yung bahay namin sa school kaya nakarating agad ako. Pinark ko na yung kotse ko sa parking space na para sa akin. Hanep din kasi itong school nato, talagang mas priority nila yung mas mayayaman at yung nasa pwesto ng campus royalties.
Nakasalubong ko naman agad sila Alex kaya sabay-sabay na kaming naglakad. Yung tipong wala naman kaming ginagawa katulad ng mga artista pero parang artista nila kami kung ituring. Tili dito, tili doon hays.
"Bro ang hot talaga ni Blaire!"
"Ate blaire ang ganda mo!"
"A sisters! Ang cute niyo!"
"Alex ang cool mo!"
"Ang ganda talaga nilang apat!"
"Sinabi mo pa! Nakakainggit ang kagandahan nila!"
Napansin naming nandito na pala ang apat na lalake, dahil mas lalo pang lumakas ang tilian ng mga estudyante. Pero imbes na huminto at tingnan namin sila, diretso lang kami sa paglalakad. Kami lang yata siguro ang inis na inis sa apat na lalake na 'yan. Dumiretso na kaagad kami sa room at umupo sa mga upuan namin.
Maya-maya ay dumating na din yung apat at todo tili na naman yung mga kaklase namin at kami naman heto, nakatingin lang sa harapan. Sakto namang dumaan sila sa harapan namin at nagtagpo yung mga mata namin. I just stared at him coldly. Buti naman umupo kaagad sila dahil nakakasawa yung mga pagmumukha nila. Dumating na yung adviser namin at may sasabihin daw siya sa amin.
"Okay class, let change your seating arrangement...."
Oh! WHAT?!
Kanya-kanya naman yung naging reaksyon namin dahil sa sinabi ni maam. Yung iba kinikilig kasi baka daw isa sa campus royalties yung makatabi nila at kami naman heto, nanlulumo dahil baka isa saamin e makatabi ang isa sa apat na 'yon. Kung sila nasisiyahan, pwes kami...
Hindi!
"Kainis! Okay naman yung seating plan natin ah!" Pagmamaktol ni Alex.
"Ba't kasi kailangan pang ibahin!" Aeya said sabay sipa nung upuang nasa harapan niya. Gulat naman na napatingin yung kaklase naming nakaupo roon. Pinagtaasan naman siya ng kilay ni Aeya.
"What?" Natatarantang umiling naman yung kaklase namin at ibinalik sa harapan yung tingin niya.
"Disaster ‘to pag nagkataon!" Aya said habang nilulukot yung hawak niyang papel.
Pinatayo na kaming lahat at pinapunta sa gilid habang dala-dala yung mga gamit namin. Tinawag na yung iba naming kaklase at kaming apat naman ay hindi parin tinatawag.
"Toby Rodriguez do'n ka sa gitna..." At yung isa naman naming kaklase kinilig dahil katabi niya si Toby. Napairap nalang kami dahil umiral na naman ang kalandiang taglay ng isang ‘to.
"Zac Santiago dun ka sa may hulihan..." Sunod-sunod namang tinawag yung iba pa at makikita mong halos magkakatabi lang silang apat.
"Aya Martin sa tabi ka ni Nathan at Aeya Martin dun ka sa tabi ni Nick..." Inis namang lumakad yung dalawa dahil sa katabi nila yung taong ayaw nilang maging katabi.
"Alex Luarte seat beside Toby at Blaire Nashi seat beside Zac Santiago." Expected ko naman na kaming dalawa talaga ang magkakatabi kaya umupo na kaagad ako at pinaglaruan yung ballpen na hawak ko.
Relax ka lang Blaire. H'wag mo nalang siya tignan. Nagsimula na magdiscuss si maam at buti nalang ang isa sa amin ay walang naging kasagutan dun sa apat na lalake. Last subject na namin eto, at kahit nabobored na ako, pinipilit ko parin making. Wala eh, responsable akong estudyante.
"Ano ba Toby! Ibalik mo nga yang ballpen ko!" Pabulong na sabi ni Alex pero rinig na rinig namin kasi magkalapit lang kami ng pwesto.
"Why would I?"
Knowing Alex?
Alex has the most short temper in our group. Kaya ayun, hinampas niya lang naman si Toby. Napa-aray naman si Toby dahil sa ginawa ni Alex. Nakuha naman agad ni Alex yung ballpen niya sa kamay ni Toby habang namimilipit ito sa sakit.
"Umusog ka nga dun!" Sabi nitong katabi ko .Tinignan ko naman yung spacing ng upuan namin. Ang laki nanga ng space pinapausog niya pa ako!
"Hindi naman ako nakadikit sayo ah!" Sabi ko pero sadyang maarte lang talaga ang lalakeng ‘to. Ang sarap hambalusin.
"Basta umusog ka!" Napanguso nalang ako dahil sa inis. At dahil ayoko ng gulo umusog nalang ako. Nagbell na kaya pumunta na kami sa cafeteria. Sabi ko na nga ba, wala talagang magandang maidudulot sa amin ang pagtabi sakanila dahil sa mga pinagsasabi nila.
"May araw rin sakin 'yang Nathan na 'yan! Argh!" Inis na sigaw ni Aya habang naglalakad kami.
"Bakit? Ano bang ginawa niya sayo?" Tanong ng kakambal niya.
"Lagyan daw ba ng scratch paper yung bag ko! Lintek!" Inis na sabi niya habang magkasalubong ang dalawang kilay niya. Pabagsak naman niyang inilagay sa upuan yung bag niya. Nagsign naman yung tiga-serve samin kung same order lang ba, tumango naman ako bilang sagot.
"Iyan naman si Nick, napakalandi! Kung makachansing bwiset! 'Di porket pare-pareho tayong campus royalties eh, aasta na siya ng ganyan! Anong akala niya sakin? Cheap? Kaloka!" Pagmamaktol ni Aeya habang nakayukom ang kanyang kamao.
"Iyang si Toby naman, napaka argh! Basta! Nakakabwiset yung pagmumukha niya!" Alex said.
Pagkatapos kong marinig ang hinanaing nila do'n sa tatlong lalake, napagtanto ko na hindi lang pala ako ang nakaramdam ng inis.
"Yung katabi ko naman napaka arte! Akalain niyo, tama naman yung spacing ng upuan namin! Alam niyo ba kung ano ang ginawa niya? Pinausog niya parin ako taena!" Sa tuwing naalala ko talaga yun, parang gusto ko siyang itapon sa ilog dahil sa kaartehan niya! Argh! Bwiset siya!
Hindi na nasundan pa yung mga hinanaing namin dahil dumating na kaagad yung order namin at agad naman na kaming kumain dahil nagugutom na kami. Baka kasi makasabay na naman namin yung apat na lalake, lalo lang masisira yung araw namin.
Ganoon parin yung nangyari, todo asar sila sa amin at todo inis naman kami dahil sa mga pinaggagawa nilang kalokohan. Wala namang hangganan ang nis na nararamdaman ko dahil sa katabi ko na dinaig pa ang tornado sa sobrang hangin. Kesyo daw, tinitignan ko siya!
Tangina. Napakahangin niya talaga!
Gwapo nga, masama naman ang ugali at napakahangin pa!
Bakit ba ako pinakasal sa lalakeng 'to?! Ubod lang naman siya ng kahanginan. Pagkatapos magdismiss ng subject teacher namin dali-dali naman kaming nagligpit ng mga gamit namin, at pumunta na kaagad sa parking lot. Dahil sa inis na nararamdaman namin dahil sa mga kalokohang pinaggagawa nila. At napapansin din namin na hindi talaga nila kami titigilan kaya kami nalang ang iiwas. Dahil maaga kaming dinismiss, naisipan kong h’wag na munang umuwi. Pumasok na ako sa kotse ko saka pinaanadar ito at pinaharurot palabas ng campus.