Chapter 3

1252 Words
Blaire's POV Nandito ako ngayon sa mall habang nakasuot pa ng school uniform. Dumaan muna ako sa isang sikat na boutique at bumili ng mga damit. Pumunta ako isang store na puno ng mga teddy bear at stuff toys. Binili ko yung teddy bear na kulay blue. Dahil ang cute niyang tignan. Nakaramdam naman ako ng pagkauhaw kaya bumili ako ng dalandan juice at humanap ng mauupuan, dahil ang sakit na ng paa ko. Kanina pa kasi ako naglalakad. Pagkatapos kong magpahinga saglit, tumayo na ako upang maglibot ulit. Naglibot lang ako ng naglibot dito sa loob ng mall na para bang naaliw ako sa bawat nadadaanan kong store. Kakatapos ko lang manood ng sine at enjoy din pala kahit wala kang kasama. Napagdesisyonan ko na kumain nalang muna, dahil saktong alas syete na ng gabi at nagugutom na ako. Kasalukuyan akong naglalakad habang may hinahanap sa loob ng bag ko kaya hindi ko namalayang may nakabunggo na pala ako. Dahil sa lakas ng impact nito, muntik na akong matumba. Buti nalang nahawakan ako nung nakabunggo ko.   "Oh my God! I'm sorry!" Paumanhin ko sa nakabunggo ko.   "It's okay." Nakangiti niyang sabi. Napatitig naman ako dahil sa ganda ng ngiti niya at yung mga mata niyang singkit ay mas lumiit dahil sa ginawa niyang pag ngiti. "Are you alone?" Tanong niya sakin kaya napabalik diwa ako nung napagtanto ko kung gaano na ako katagal na nakatitig sakanya. "Y-yeah" Nahihiya kong sabi. Yan tuloy sa sobrang ka-cutan niya nauutal na ako. "I'm alone too. Mind if I join you?" Ilang sandali muna bago ako tumango dahil tila ba napipi ako at walang lumalabas na salita sa bibig ko.  Nakakaspeechless pala pag ganito ang eksena. Kinuha niya naman agad yung mga pinamili ko at kahit anong tanggi ko sadyang mapilit talaga siya kaya hinayaan ko nalang. Natuturn-on tuloy ako dahil sa ginagawa niya. Napakagentleman niya. hindi katulad kay Zac na puno ng kahanginan naku!  Bakit ko ba siya  iniisip? Sabay kaming naglakad at sinabi niya sakin na saktong kakain na din daw sya nung nagkabunggo kami, kaya sabay nalang daw kaming kumain. Tutal, wala naman akong kasama at wala din siyang  kasama.  Lihim naman akong kinilig dahil sa ginagawa namin. Alam ko namang may asawa na ako pero duh! Sa papel lang kami mag-asawa, at ni minsan nga hindi ko naramdaman yung feeling na may asawa. "Kanina pa tayo magkasama pero 'di ko parin alam yung pangalan mo..." Bahagya naman kaming napatawa dahil sa sinabi niya. Inilahad ko naman yung kamay ko sakanya. "Blaire Nashi..." Sabi ko ko na may ngiti sa labi. "Keith Salvador!" Sabi niya sabay  abot niya sa nakalahad kong kamay, at nagshake hands kami. "Nice to meet you Kieth..." At pinagpatuloy na namin yung pagkain namin. Nagkaroon din kami ng konting kwentuhan, dahilan para mas makilala namin ang isa’t-sa. Ewan ko ba, kung bakit parang komportable akong kasama siya. Siguro dahil  ang bait-bait niya at napakagentleman pa.  Naiintindihan niyo ba yung nararamdaman ko? Yung feeling na kahit sandali lang kayo nagkakilala, parang matagal mo na siyang kilala dahil sa pagiging komportable mo sakanya. Nasabi niya rin na kakadating niya lang pala galing New York at dito na raw siya magpapatuloy ng pag-aaral. "Saang school ka naman mag-aaral?" Tanong ko sakanya. "Saan ka ba nag-aaral?" Pabalik niyang tanong sakin. Uminom muna ako ng juice bago siya sinagot. "Sa Jt University." Sagot ko. "Doon ako mag-aaral." Napatigil naman ako sa pagsubo at napatingin sakanya. "Sigurado ka? Bakit?" Sabi ko at saka sinubo ko yung pagkain na nasa kutsara ko. "Kasi dun ka nag-aaral hahaha..." Inis ko naman siya tinignan pero yung tipong birong inis lang. "Totoo nga kasi hahaha! Para araw-araw kitang makita..." Muntik naman akong mabulunan dahil sa sinabi niya. Natataranta ko namang ininom yung juice ko at tinignan siya. "Ikaw bahala. Osiya! Tapos na akong kumain!" At saka tinignan ko yung plato niyang wala ng pagkain.Gulat naman akong napabaling sakanya kasabay ang pagkagat ko sa ibaba kong labi dahil sa hiya. "Ikaw nalang kaya yung hinihintay ko..." Napatawa nalang ako dahil sa hiya.Tinawag niya na yung waiter. Akmang iaabot ko na sana yung credit card ko para bayaran yung inorder ko pero pinigilan niya ako at sinabi niyang treat nalang daw niya yun kasi nag enjoy siyang kasama ako. Loko talaga ng lalakeng 'yon. Hindi lang naman siya yung nag-enjoy, pati din naman ako. "May sundo ka ba?" Tanong niya habang papalabas na kami sa restaurant na pinagkainan namin. "I have my car," Nakangiti kong sabi sakanya. "Okay then ihahatid nalang kita dun." Tumango nalang ako bilang sagot at sabay kaming pumunta sa parking lot. "Nandito na yung kotse ko." Sabi ko at kinuha ko na yung mga pinamili ko sa kamay niya at saka nagpasalamat ako sakanya. "Thank you nga pala sa libreng dinner mo at sa pagbitbit ng mga pinamili ko." Nakangiti kong sabi.  "May kapalit 'yon noh!" Sabi niya habang tumatawa kaya mahina ko siyang hinampas sa balikat niya.  "Napaloko mo! Hahaha. Osige!  Mauna na ako." Paalam ko sakanya. "Drive safely..." Paalala niya sakin. Nginitian ko naman siya at saka pumasok na ako sa loob ng kotse at pinaandar ito. Nakita ko naman sa side mirror ko, na papunta narin siya sa sasakyan niya kaya binilisan ko na yung pagpapatakbo ko kasi pasado alas otso na ng gabi, at nakauniform pa ako. ---- Pagkadating ko sa bahay ay naka-on pa lahat ng lights. Pinark ko na yung kotse ko sa kabilang parking space, dahil baka isipin na naman niyang nagpapapansin ako sakanya dahil magkatabi yung kotse naming dalawa tsk.  Pumasok na kaagad ako sa loob dahil hindi pa naman ito nailolock. Nakita ko siyang nasa living room at nanonood ng tv kaya nilagpasan ko nalang siya. Nagshower na ako kaagad pagkadating ko sa kwarto, at nagbihis ng oversized white polo. Nakaramdam naman ako ng pagkauhaw kaya bumaba ako papuntang kitchen. Alam kong nandun pa siya sa living room, dahil nakabukas pa yung tv. Bahagya naman akong nagulat  ng makita siya sa kitchen pero nakabawi naman agad ako at hindi nalang pinasin ang presensya niya. Dahil sa nauuhaw na  talaga ako, kinuha ko yung glass pitcher na puno ng tubig sa loob ng fridge at saka nagsalin  ako sa baso. Nakita ko sa peripheral view ko na nakatingin siya sakin habang nagtitimpla siya ng juice niya. Hindi ko nalang iyon pinansin. "San ka galing." Malamig niyang sabi. Oo 'sabi' dahil iba yung tono ng patanong. "Diyan lang." Sagot ko at saka binalik ko na yung pitcher sa loob ng ref. "Anong diyan lang? Paano kong may mangayaring masama sayo? Babae ka pa naman!" Nag-init naman bigla yung ulo ko dahil sa mga pinagsasabi niya. Kailan pa siyang nagging concern sakin? "Pwede ba Zac!  Wag ka ngang umaktong parang nag-aalala ka sakin! Diba nga sabi mo sakin, wag kitang kausapin o lapitan man lang! Pero ano ‘tong ginagawa mo?  Alam naman nating pareho na wala kang nararamdaman at pakealam sakin!  Kaya pwede ba! Wag kang umaktong nag-aalala ka sakin!"  Ano ba kasing pinaglihi ni Tita Mia sa lalakeng to? Napakaunpredictable talaga ng pag-iisip! Kung pwede lang tumutol sa kasalang naganap sa amin gagawin ko talaga! Dahil ayokong magkaroon ng asawang may turnilyo sa utak! "Blaire asawa kita! Natural lang na mag-alala ako sayo!" Ano raw? Asawa?! Wow! Big word yun ah! "Putragis naman Zac oh! Oo! Mag-asawa nga tayo, pero ni minsan hindi ko naramdamang naging asawa kita. Diba nga sabi mo sa papel lang tayo mag-asawa. Lintek naman Zac! Panindigan mo nga yung mga pinagsasabi mo sakin! Wag mo na akong paasahin na meron akong puwang diyan sa puso mo!" Hindi naman agad siya nakapagsalita kaya iniwan ko siyang nakatayo dun na mag-isa at dali-dali akong pumasok sa kwarto ko. Ang problema kasi sakanya, hindi niya pinapanindigan yung mga salitang binibitawan niya!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD