Blaire's POV Maaga akong gumising ngayon dahil pupunta pa ako sa bahay namin (bahay ng parents ko) para ipakita yung parent consent kay mommy. It's thursday na kasi at kung walang signature ng parents ko, I'm not able to attend our school trip. Sayang naman kung hindi ako makakapunta. "Good morning maam" Bati nung isa sa mga katulong namin at ngitian ko nalang siya bilang sagot. "Ang aga mo ata Blaire iha!" Bungad sakin ni Manang Gina pagkapasok ko sa kitchen para uminom ng fresh milk. 5:30 pa kasi ng umaga nakabihis na ako. Eh, mamayang 7:30am pa naman yung start ng klase namin. "Pupunta ho kasi ako sa kila mommy" Sabi ko. "Pano ba yan, hindi pa luto yung sinaing ko" Sabi niya. "Doon nalang ako kakain manang sige ho manag, alis na ako" At kinuha ko yung susi ko sa loob ng bag ko at

