Chapter Eight

3120 Words
Mula sa salamin na dingding ng cafeteria ay tanaw na tanaw ni Xianna ang bawat kilos ni Riel. Mula sa pag-upo nito, pag-iling ng ulo at pangalumbaba nito sa mesa. Sa tingin niya mukhang pagod na naman ito sa duty hours ng pagiging intern. Maya-maya pa ay tanaw niya ang pagdating ni Elise na may dalang tray ng pagkain. Nakangiti itong umupo kaharap ang nanlalatang si Riel habang inaayos ang pagkain sa mesa. Gayunpaman, matamis pa rin nitong nginitian si Elise. Napangiti siya ng mapait. Hanggang ngayon naiisip niya pa rin kung hindi sana nangyari ang kamalasan sa buhay niya siguro masaya siyang kasama ito ngayon. Habang nanatili siyang nakamasid sa dalawa ay 'di niya na namalayan ang pagdaloy ng maiinit na likido mula sa kanyang magkabilang pisngi. Saglit niyang pinahid iyon at pinakalma ang sarili. She missed him so much. Iyon ang matindi niyang nararamdaman ngayon kaya kahit pinagbawalan na siya ni Ricardo na puntahan si Riel sa ospital ay lumabag pa rin siya sa utos. Nais ng kanyang puso na ihakbang ang kanyang mga paa subalit kumokontra naman ang isipan niya na hanggang doon na lang dapat siya . Ang tanawin na lamang ang binata mula sa malayo habang nakangiti itong kumakain kasama ang iba. Ang malakas na patak ng ulan na kaninang maaga pa nag-umpisa sa pagbuhos ay tila ba nakikidalamhati sa kasawian niyang nararanasan. Mariin siyang napapikit at muling sinulyapan ang mukha ni Riel na nakangiti. Maayos na naman ang buhay nito at sa tingin niya masaya na rin ito kaya siguro dapat masaya na rin siya para sa binata. "Xianna!"isang napakatinis na sigaw ng babae ang tila ba nagpagising sa kanya mula sa malalim na pagmumuni-muni. Nalingunan niya si Helen ang siyang kapatid ng mama niya at asawa ni Ricardo. Nanggagalaiti ito sa galit na sumugod sa kanya habang nakasukob sa payong. Para siyang napatda sa kinatatayuan nang bigla siyang sampalin nito nang makalapit sa kanya tapos ay marahas siyang hinila sa braso dahilan upang malaglag ang hawak niyang payong. Hindi niya na alintana ang malakas na buhos ng ulan at ang marahas na pagkakahila sa kanya ng tiyahin. Tahimik na lang siyang napaiyak habang basang-basa na. "Ilang beses bang dapat sabihin ko sayo na hindi ka na dapat nagpupupunta dito! Paano kung nakita ka niya? Ano ang gagawin mo, aber?"nanggagalaiti pa rin sa galit na wika ng tiyahin niya matapos siyang pabalyang ipasok sa loob ng van. Sumenyas naman ang ginang sa driver na paandarin na ang sasakyan. "Gusto mo ba talagang mapahamak siya, ha?" Nagyuko na lang ng ulo si Xianna habang hawak-hawak ang laylayan ng t-shirt. Patuloy pa rin sa pag-agos ang kanyang mga luha. "Na...nami-miss ko lang po siya, tiyang."nasambit niya. "Bullshit! Xianna! Ang pesteng pag-ibig na yan ang dahilan kung bakit namatay ang kaisa-isa kong kapatid! At kung bakit wala ka ng ina ngayon! Itigil mo na 'yan!"galit pa rin itong hinarap siya. "I...I'll s-stop."nauutal niyang sambit. "Dapat lang! Hindi mo ba nakikita na hindi naman talaga kayo nababagay? Mga santo ang pamilya nila, Xianna. Samantalang ang pamilya mo, ay mga kriminal! Isa tayong mga kriminal! Kaya pakatandaan mo 'yan! Walang lugar sa atin ang pag-ibig! Isipin mo na lang ang nangyari sa iyong ina." "Alam ko. I just want to see him for the last time."naiusal niya na ngayon ay nakatuon na sa labas ang paningin. Nakatanaw sa cafeteria kung saan masayang kumakain ang binata. Hindi na naman maampat sa pagpatak ang kanyang mga luha. "T-titigilan ko na ang, mahalin siya."mapait na ngiti ang gumuhit sa kanyang mga labi. Susubukan niya, susubukan niya na kumbinsihin ang sarili to stop loving Riel. Habang papalabas ng cafeteria si Riel ay di niya mapigilang huminto at masdan ang pagpatak ng ulan. Nakuyom niya ang kamao. Di pa rin niya maiwasan na kahit anong baling niya ng atensyon sa ibang bagay ay naaalala pa rin niya si Xianna. Naaalala pa rin niya ang gabing nawala ito sa kanya at wala man lang siyang nagawa upang matulungan ang dalaga. He still felt the guilt deep inside his heart. Hindi pa rin niya makalimutan ang napakalungkot nitong mga mata at kung gaano ito katapang na ipagtanggol siya sa mga kumidnap sa kanila. Hanggang ngayon hindi pa rin niya maunawaan kung paano nga ba napapayag ng dalaga na pakawalan siya. Kung bakit matapos ang gabing iyon at hanggang ngayon ay wala man lang tumawag sa mama at papa niya na humingi ng ransom. Nalilito siya at sa tuwing iisipin niya iyon ay sumasakit lang ang kanyang ulo. "Riel!"biglang pukaw sa kanya ni Elise sa kalaliman ng kanyang pag-iisip. "Elise."nasambit niya nang biglang kumawit ang dalaga sa kanyang braso. "Tayo na."nakangiti nitong sambit sa kanya na ngayon ay pinayungan na siya. Naipilig niya ang ulo nang si Xianna ang nakikita niyang nakangiti sa kanya ngayon. Alam niyang nahihibang lang siya dahil napaka-imposible nun. ... Isa na namang malakas na sampal at sabunot ang sumalubong sa kanya nang makarating siya sa hideout na tinutuluyan nila. Halos ingudngod na siya ni Ricardo sa sahig at wala man lang pakialam ang tiyahin niya. "Akala mo ba talaga hindi ko 'yun gagawin, ha?! Huwag mo talaga akong susubukan, Xianna!"galit na wika ni Ricardo na ngayon ay hinila siya sa buhok at itinuon ang kanyang mukha sa isang napakalaking screen. Nanlaki ang kanyang mga mata at nanginig ang kanyang mga tuhod sa nakita. Nakikita niya kasi ngayon si Riel sa malaking screen. Para itong naka-live sa screen na minomonitor ang bawat kilos nito. "Isang tawag ko lang, sigurado akong putok ang ulo ng lalaking iyan!"galit na singhal sa kanya ni Ricardo. Pakiramdam niya nanginig ang kanyang kalamnan sa sinabi nito. Hinila na naman siya sa buhok ng matanda pero di niya na alintana ang sakit na dulot nun. "Magbihis ka! Gawin mo na ngayon ang pinagagawa ko!" Napahumindig siya sa utos nito. "Tayo na dyan, Xianna!"bulyaw naman ng tiyahin niya na ngayon ito na naman ang humila sa kanya. Hindi niya alam kung ano ang gagawin. Natatakot siya sa kung ano man ang mangyayari. Ilang oras pa ang lumipas at ngayon di niya na namalayan na nandito na pala siya sa harapan ng bahay kung saan naging malaking parte na ng kanyang buhay. Kung saan saglit siyang naging masaya at nalimutan kung ano talaga siya. Kung anong pamilya ang meron siya. Gabi na at ang malakas na buhos na ulan kaninang umaga ay naging paambon-ambon na lang ngayon. Itinulak siya ng kanyang tiyuhin palabas ng sasakyan. "Pasukin mo na, habang wala pa sila. Pinatulog na namin ang guwardiya kaya bilisan mo na ang kilos."wika ni Ricardo mula sa kanyang likuran. Natigilan siya habang pinagmamasdan ang kabuuan ng bahay. Talaga bang magagawa niyang pagnakawan ang pamilyang itinuring siyang tunay na anak? Binihisan, pinakain pinag-aral at minahal katulad ng totoong anak nila? Pakiramdam niya namanhid ang kanyang mga paa at napako na lang siya mula sa kinatatayuan. Napayuko siya at di mapigilan ang pagpatak ng kanyang mga luha. Hindi. Hindi niya ito kayang gawin. "A-ano ba, Xianna? Gagawin mo ba o hindi?!"nanggigigil na ang tiyong Ricardo niya sa kanya at dalawang kasamahan nito. Bumaling siya sa tiyuhin na umiiyak. "Punyeta, Xianna! Hindi tayo pumunta dito para mag-iiyak ka dyan!" "H-hin...di... ko po..."utal niyang sambit. Hindi pa niya natatapos ang sasabihin ay marahas na siyang hinablot ng matanda pabalik sa loob ng sasakyan. "Bullshit! Gusto mo talaga ng sample, ha! Ibibigay ko sayo ang hinihiling mo!"galit pa ring bulalas nito sa kanyang tabi. Kinabahan na si Xianna sa sinabi nito lalo na nang tahakin nila ang pamilyar na daan. "Nasa'n na siya?"biglang tanong ni Ricardo sa kausap nito sa cellphone. "O, sige. Malapit na kami."and he ended the call. Nanlaki ang kanyang mga mata nang matanaw na ang ospital sa di kalayuan. "Ti-tiyong, ano'ng binabalak niyo?"napahumindig na siya sa takot mula sa kinauupuan. "Ito ang gusto mong mangyari di ba? Kaya ibibigay ko?"nakangisi nitong tugon. "N-no! Palabasin niyo ako!"sigaw niya nang huminto ang sasakyan nila ilang metro sa ospital. Kinalampag niya na ang pintuan ng sasakyan nang makita ang papalabas na kotse ni Riel. Muli na namang umandar ang sasakyan nila tailing the car of Riel. "A-ano ba ang binabalak niyong gawin?" "Binalaan na kita, Xianna kaya huwag mo akong sisisihin! Kung ano man ang mangyari sa kanya ngayon, iyon ang naging desisyon mo! Kaya sisihin mo ang sarili mo."sagot nito na nagdial na naman sa hawak nitong cellphone. "Hindi! Hindi. Itigil mo 'to! Gagawin ko na! Gagawin ko na, tiyong!" pagmamakaawa niya sa tiyuhin pero hindi na siya pinakinggan. "Gawin mo na!"dinig niyang utos nito. At mula sa labas ng sasakyan ay kita niya ang nakakasilaw na ilaw kasunod ang nakabibinging ingay ng gulong at salpukan ng dalawang sasakyan. Napatakip siya sa teynga at pagmulat ng kanyang mga mata ay nakita niya ang sasakyan ni Riel na nakasalpok na sa poste. "Hindi!"sigaw niya na kinalampag ang pinto at nang mabuksan iyon ay agad siyang tumakbo palabas. "Boss!"sambit ng driver. Sumenyas lang si Ricardo sa driver. "Hayaan mo siya! Sigurado akong matututo na siya ngayon."nakangisi pa ito habang pinagmamasdan ang nagkukumahog na dalaga. "Riel!"sambit ni Xianna na agad lumigid sa driver's seat. Mas lalo pa siyang nahintakutan nang makita ang dumudugo nitong kamay at noo. Binuksan niya ang pinto ng sasakyan at agad tiningnan ang kalagayan nito. "R-Riel..."naiiyak niya ng sambit. "Please wake up. Gumising ka. Gumising ka."iyak niyang sambit habang kinakalong ang ulo nito. "I'm sorry. I'm sorry for doing this to you."sunud-sunod niyang sambit. Napapitlag siya nang gumalaw ang kamay nito at bahagyang umungol. "Riel."nasambit niya. "X-Xian...na..."dinig niyang usal nito. "I...I'm...here... Huwag kang mag-alala, I will protect you, no matter what."she said habang hinahaplos ang pisngi ng binata. Nakita niya ang paggalaw ng talukap nito kasunod ng paggalaw ng isa nitong kamay na humawak sa kanya. "I...missed...you..." dinig niyang pautal-utal nitong sambit sa kanya na mas lalong ikinaiyak niya. "I...love...you..." nakagat na lang ni Xianna ang pang-ibabang labi sa narinig. Naramdaman na lang niya ang pagsiksik ng ulo nito sa kanya, tapos ay wala na siyang narinig. Kasunod naman nun ang pagdating ng ambulansiya. "Xianna! Xianna!"paulit-ulit na tawag ni Riel sa papalayong dalaga hanggang sa unti-unti na itong naglalaho sa kanyang paningin. He saw her smiling pero kitang-kita niya ang kalungkutan sa mga mata nito. "Please don't leave me..."halos paos niya ng bulong sa hangin. Wala na si Xianna at hindi niya ito mahanap sa kadilimang kinaroroonan nila. "Xianna please...come back to me. Xianna..."iyak niya ng sambit ng paulit-ulit sa pangalan nito. "Riel, gising. Wake up, baby please..."naiiyak na siyang ginising ni Aya. Nagpabiling-biling pa ang kanyang ulo mula sa higaan at ang kanyang kamay ay nakataas pa sa ere na wari may nais pigilan na umalis. Hinawakan iyon ng mama Aya niya at ginising na siya mula sa bangungot. Hanggang sa unti-unti na siyang magmulat ng kanyang mga mata. And he just saw his mother crying beside him. Naroon din ang papa niya na nakaalalay sa likuran ng kanyang ina. "It's okay, Riel. It's just a dream."consoled by his mother. Umiling-iling siya at pilit na bumangon mula sa pagkakahiga. "Take a rest. Baka bumuka pa ang ilang sugat mo."pigil ng mama niya. At nang tingnan niya ang sarili, narealize niyang nakabenda pala ang ibang bahagi ng kanyang katawan. Napangiwi siya nang maramdaman ang kirot dulot ng kanyang sugat sa ulo. At napagtanto niyang hindi lang basta panaginip ang nangyari. Totoong naroon nga sa kanyang tabi si Xianna, umiiyak at pilit siyang ginigising. Sa isiping iyon ay napabalikwas siya ng bangon at mabilis na tinanggal ang nakasaksak na dextrose sa kanya. "What are you doing, Riel?"gitlang tanong ng mama niya. "Ano ba ang nangyayari sayo, anak?"tanong naman ng papa niya na pinigilan siyang makababa sa hospital bed. "Just let me go, dad."naiiyak niya ng pakiusap sa ama. "Then answer me first." "Ano ba ang nangyayari sayo, Riel. Kailangan mo ng pahinga."ang mama niya na pilit siyang niyayakap. "Ano ba talaga ang nangyari, Riel?"mahinahong tanong ng kanyang ama. "Si Xianna, kailangan ko siyang puntahan."bulalas niya. "Saan?"gulat na tanong ng kanyang ina. "Hindi niyo ba siya nakita? Naroon siya, ma, dad. Naroon siya nang maaksidente ako. Naroon siya sa tabi ko ma. Umiiyak siya at pilit akong ginigising." "Papaanong?" naguguluhan pa ring turan ng kanyang ina. Malaking katanungan na ngayon ang bumabagabag sa kanilang isipan. "I need to find her, dad. Baka narito lang siya ngayon sa paligid."giit niya sa ama na pilit pa ring bumaba sa hospital bed. "Panaginip lang iyon Riel. Alam kong nami-miss mo na siya ng sobra kaya siguro hindi mapigilan ng imahinasyon mo-" "No, ma! It's real! Alam kong hindi lang iyon basta imahinasyon ko lang. She's real! I even hold her hand. I heard her voice and I have never forget her scent. Alam kong siya iyon!"giit niya sa mga magulang. "Riel."tanging nasambit ng mga magulang niya habang nakatitig ang mga ito sa kanya na nawawala na sa huwisyo. Alam nilang hanggang ngayon sinisisi pa rin ng anak nila ang sarili kung bakit nawala si Xianna. He still felt the pain. And they never heard him say that he was okay, 'cause he never will. Alam nilang magpapatuloy lang ang bangungot na nararanasan nito hangga't hindi pa rin nila natatagpuan si Xianna. "Ma, please... Gusto ko pong lumabas. Baka narito lang siya tinitingnan ako sa malayo, ma."muling pakiusap niya. "Kung totoo mang naroon siya. Kahit na siguro hanapin mo siya ngayon sa ospital ay di mo rin siya makikita kung ayaw niya ng magpakita sayo."ang papa niya. Mas lalo siyang napaiyak sa sinabi ng ama. "W-why would she d-do that?"nauutal niyang bigkas hindi makapaniwalang gagawin iyon ng dalaga. "Baka may dahilan siya, Riel. Hindi natin alam kung ano ba talaga ang totoong nangyari sa kanya." "N-no..."halos hindi iyon matanggap ng sistema niya ang isiping ayaw nang magpakita sa kanya ni Xianna. Ano ba ang nagawa niyang mali? Ano nga ba talaga ang totoong nangyari dito the night when she was gone? Sumasakit na naman ang ulo niya at puso sa matinding pag-iisip. "Arrgghh!"ungol niya na napasabunot pa sa ulong may benda out of frustration. "Riel! Huwag mong saktan ang sarili mo."wika ng mama niya na pilit siyang niyayakap at pinapakalma. Sumenyas naman si Aya sa asawa na tawagin na ang doktor para mapakalma ito. ... "Halikana! Ano pa ang hinihintay mo!"sigaw sa kanya ng tiyong Ricardo niya. Halos mag-dadalawang minuto na kasi siyang nakatayo at nakatitig sa labas ng ospital. Nanginginig pa rin ang kalamnan niya dahil sa takot at sobrang pag-aalala. She can't still believe na sinubukan talaga itong patayin ng tiyong Ricardo niya. Napakademonyo talaga nito. Nanlilisik ang mga matang binalingan niya ang lalaki na parang wala itong masamang ginagawa. "Sakay na!"wika nito. Padabog na siyang naglakad papasok ng van habang pinapahid ang ilang butil ng luha. Pagdating niya sa hideout nila ay nagulat pa ang tiyang Helen niya sa kanyang itsura. May mga dugo kasi ang kanyang mga kamay at damit. Magtatanong pa sana ito nang lagpasan niya at nabitin na lang sa ere ang katanungan ng ginang. Mabilis siyang pumasok ng kanyang silid at nagkulong sa banyo. Doon niya ibinuhos ang hindi pa rin maampat-ampat na luha na dumadaloy sa kanyang mga mata. Binuksan niya ang shower at hinayaang dumaloy lang ang tubig sa nanlalata niyang katawan. Talagang napakasakim ng tiyong Ricardo niya. Wala itong hindi gagawin sa ngalan ng pera. Napakagahaman talaga ng mag-asawa. Hindi niya alam kung aling sindikato miyembro ang mag-asawa dahil marami itong galamay at malaya nitong nagagawa ang gusto. Mariin na lang siyang napapikit. Hanggang namulatan niya ang tiyang Helen niyang naroon sa kanyang tabi at pilit siyang ginigising. Maingay ang paligid at tila ba nagkakagulo ang lahat. May lalaking nagbuhat sa kanya at dinala siya sa kanyang higaan. Naroon pa rin ang tiyang Helen niya at isinara ang pinto nang makalabas ang lalaki. May kung ano'ng pinagsasabi ang tiyang niya sa kanya pero di niya na ito maintindihan hanggang sa tuluyan na ngang magdilim ang kanyang paningin. "I...missed...you..." "I...love...you..." Ang mga katagang iyon ang paulit-ulit na nagbabalik sa isipan ni Xianna hanggang sa magising siya. Ang mga katagang iyon na binigkas ni Riel sa kanya. Nasapo niya ang noo nang matinding kirot sa ulo ang kanyang naramdaman nang bumangon siya. Hindi niya alam kung ilang araw siyang nakatulog dahil sobrang namamanhid na ang katawan niya ngayon. "Mabuti naman at gising ka na rin!"mataray na bungad sa kanya ng tiyang niya. Inisa-isa nitong binuksan ang bintana sa kanyang silid kaya para siyang nasisilaw sa liwanag. "Sa susunod huwag mo ng uulitin, 'yon!"galit nitong baling sa kanya. "A-ang alin?"tanong niya. "Hindi mo ba alam na nagka-hypothermia ka dahil sa paglulunod mo ng iyong sarili sa shower ha? Tatlong araw kang tulog dyan. Akala nga namin ayaw mo ng gumising."litanya ng tiyang niya. Napatitig na lang siya sa kawalan sa sinabi nito. "Hoy!"biglang sigaw nito kaya napabaling siya sa inis na mukha ng tiyang Helen niya. "Tututunganga ka na lang ba d'yan? May trabaho ka pang hindi natatapos kaya lumabas ka na dito sa lungga mo bago pa mag-init ng tuluyan ang ulo ni Ric." "Ang walanghiya mong asawa."dugtong pa niya sa sinabi nito na ikinalaki ng mata ng kanyang tiyang. "Oo, mga walanghiya naman talaga tayo. Ganoon tayo, Xianna."dagdag naman ng ginang bago lumabas. Napailing na lang siya. Natanong niya tuloy sa sarili kung bakit ba napabilang pa siya sa ganitong pamilya? Ano kaya ang naging buhay niya kung nabubuhay lang sana ang totoo niyang ina ngayon at kung hinahanap ba siya ng totoo niyang ama? Nananatili na lang iyong katanungan sa kanya. Ilang araw pa ang lumipas na nagkulong siya sa kanyang silid bago siya nakapagdesisyon sa nais mangyari ng tiyong Ricardo niya. Gagawin niya na para sa kapakanan ng mga taong mahal niya. Ayaw niya ng may masama pang mangyari kay Riel kaya napagdesisyunanniyang gagawin niya na ang pagnanakaw sa mga alahas at pagdecode ng password sa vault na meron ang pamilya dela Merced. Hindi niya alam ang bagay na iyon. Tanging ang tiyong Ricardo niya lang ang nagsabi na naroon itinatago ng mag-asawa ang ilang koleksyon ng diamonds nito, mga alahas at pera. At iyon ang gustong makuha ng tiyong niya. Gusto nitong nakawin niya iyon bago pa man ito hihingi ng ransom sa mag-asawa kapalit ang buhay niya. Talagang napakasakim lang nito. Matalim ang mga tinging ipinupukol niya rito habang nag-uusap sila sa mini office nito. "Sa makalawa ay gagawin mo na, Xianna. Timing lang dahil nabalitaan kong magbabakasyon ang mag-asawa at anak nila sa probinsya."napailing na lang siya sa sinabi nito. Paano kaya nito nalalaman ang bawat kilos ng mag-asawa? "This time, huwag ka ng ulit papalpak! Naintindihan mo? Kundi alam mo na ang mangyayari?"tumango lang siya sa sinabi nito dahil napapagod na rin siyang makipagtalo lalo na't siya rin lang naman ang talo sa huli.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD