Chapter Nine

2452 Words
Sa gitna ng malamlam na liwanag na nagmumula sa poste ng ilaw sa labas ng bahay ng mga dela Merced ay mababanaag mo ang isang anino na maingat na pumasok sa loob. "Hello, Xianna. Nakapasok ka na?"dinig ni Xianna mula sa device na nakakabit sa kanyang teynga. Ang tiyong Ricardo niya iyon na atat na atat ng maisakatuparan ang nais nito. "Oo."tanging tipid niyang sagot. Dumaan siya sa may veranda sa likuran ng bahay. Napansin niyang hindi nakasindi ang ilaw sa loob ng kabahayan. Talagang wala ngang tao sa bahay. Habang dahan-dahan siyang naglalakad sa gitna ng sala ay naiisip niya si Riel kung kumusta na kaya ang kalagayan nito? Hindi na kasi siya nagkaroon pa ng pagkakataon na masilip ito sa ospital. Dahil na rin sa mahigpit na pagbabantay sa kanya ng tiyong Ricardo niya. Pinapanatag na lang niya ang kalooban at iniisip na ayos nga lang si Riel. Iyon na lang ang konsolasyon niya sa sarili upang hindi siya tuluyang mabaliw sa pag-iisip ng kung anu-ano. Napahinto siya saglit bago tuluyang pinihit ang seradura ng pintuan ng silid ng mga magulang ni Riel. Ang mag-asawang itinuring siyang higit pa sa tunay na anak. Ang nagpalaki at nag-aruga sa kanya. Ang nagbigay sa kanya ng kahulugan ng salitang pamilya. Bigla ay naramdaman niya ang pangangatal ng mga labi at ang sunud-sunod na pagpatak ng kanyang mga luha. "Xianna, ano na? Nakapasok ka na ba?"tila inip namang tanong ni Ricardo sa kanya. Sa inis niya ay hindi niya ito sinagot. Sa halip ay tinanggal niya ang device sa kanyang teynga na nagkokonekta sa komunikasyon nila. Naroon lang kasi ang tiyong niya sa hideout nila kasama ang mga tauhan nito. Narinig pa niya ang pagmumura ng tiyong niya bago niya tuluyang natanggal ang device na 'yon. Wala siyang pakialam kung magwala man ito sa galit. Basta gagawin niya ang trabaho niya para matapos na ang lahat. Agad niyang nakita ang vault na sinasabi ng kanyang tiyong. Lumapit agad siya roon at sinubukan iyong buksan pero naka-password ito kaya di niya magawa. Halos dalawang oras na ang lumilipas sa pagpipipindot niya ng combination ng mga numero ay wala pa ring nangyayari. Tumatagaktak na ang pawis mula sa kanyang noo pero wala pa ring nangyayari. Napahiga na lang siya sa sahig. Napagod na kasi siya sa kapipindot ng mga numero. Pipikit na sana siya nang may biglang tumunog sa loob ng silid na ikinabangon niya ng mabilis. Napahugot siya ng malalim na hininga nang mapagtanto niyang ang alarm clock lang pala ng mama Aya niya ang tumunog. Pinatay niya na lang iyon saka siya huminga ng maluwang. Ibabalik na sana niya ang alarm clock sa ibabaw ng tokador nang mahagip ng kanyang paningin ang oras doon. Halos mapamura siya sa sarili dahil nalimutan niyang malapit na palang mag-umaga. Binilisan niya ang kilos at tumalilis na ng alis sa bahay na iyon at sa likurang bahagi siya dumaan kung saan hindi siya mahahagip ng cctv nila. Nang sumunod na gabi ay bumalik na naman siya ng bahay upang subukan ang ginawa niyang pattern ng numero pati lahat ng birthday ng pamilya nila. Pero bigo pa rin siya. "Punyeta! Bakit hindi mo pa rin magawang buksan iyon, Xianna!"galit na sigaw ng tiyong niya sa kanya. Narito sila ngayon sa sala ng hideout nila. "Gusto mo ba talagang buksan? O baka ayaw mo lang? Kami ba ay pinagloloko mo talagang, babae ka?"nanggagalaiti na talaga ito sa galit. Sa katunayan ay nanlilisik na ang mga mata nito at namumula na ang mukha. "Hindi po, tiyong. Talagang mahirap lang mahulaan ang password dahil sa dami ng kombinasyon ng numero." "Kung ganun, bakit hindi ka na lang magdala dun ng lagari at maso para pwersahan mo na lang iyong buksan. Mas mapapadali siguro kapag ganun!" "Pero, boss. Bago pa man magawa iyon ni Xianna sigurado akong mapapalibutan na siya ng mga pulis. May nakakabit kasing alarm yung vault ng mag-asawa na may direktang koneksyon sa headquarter ng mga pulis!"mabilis naman na sabat ng lalaking katabi ni Ricardo. Sa palagay ni Xianna, ang lalaking iyong ang nagsisilbing kanang kamay ng kanyang tiyong at may mas malawak na pang-unawa sa salitang I.T. Pero sa halip na maintindihan iyon ng tiyong niya ay sinigawan nito ang lalaking iyon. "Tumahimik ka! Mga walang-kwenta!"singhal nito bago tuluyang umalis sa kanilang harapan. Tinadyakan pa nito ang ilang tauhang nakaharang sa kanyang daraanan. Nang gabing iyon ay hindi muna bumalik si Xianna sa bahay nina Riel. Pagod na pagod siya kaya ginusto niyang makapagpahinga muna. Nasa kalagitnaan na siya ng pagkakahimbing nang may maramdaman siyang mga palad na naglalakbay mula sa kanyang mga paa paakyat sa kaniyang mga hita. Naalimpungatan siya at napabangon. Nanginig ang kanyang kalamnan nang mabungaran niya ang nakangising mukha ng kanyang tiyong at ang pangangamoy alak nito. Agad siyang napasiksik sa headboard ng kanyang kama. "Saglit lang naman to, Xianna..."tila hibang pang sambit nito. Sa palagay niya ay bangag na naman ito ng droga. Mabuti na lang pala talaga at nakasuot siya ng pantalon. Lumapit pa ang matanda sa kanya at aktong hahawakan siya pero agad siyang umiwas. "Lumabas na po kayo, tiyong. Isusumbong ko po kayo kay tita Helen kapag ipinagpatuloy niyo pa ito."banta niya rito. Subalit tila wala pa rin itong narinig at nagpumilit pa ring lumapit sa kanya. Marahas nitong hinawakan ang kanyang pisngi. "Huwag mo akong tinatakot, Xianna. Dahil dito sa pamamahay ko, ako ang masusunod!"gigil nitong sigaw sa kanya. Mas inilapit pa nito ang mukha sa kanya at hahalikan na sana siya ng matanda pero bago pa man mangyari 'yun ay natadyakan niya na ito sa ibabang bahagi. Gumulong ang matanda sa sahig at namilipit sa sakit. Naiiyak siyang kinuha ang kutsilyong nakatago sa ilalim ng kanyang unan at itinutok sa matanda. "Walanghiya ka!"daing at galit na mura ng kanyang tiyong sa kanya. Muli itong tumayo at lumapit sa kanya pero agad din niyang itinutok ang patalim rito. "Huwag po kayong lumapit." "At kung lalapit ako sa'yo? Papatayin mo ba ako, ha?!" "Oo!"matapang na sagot ni Xianna. Ngumisi lang at humalakhak ang kanyang tiyong sa kanya. "Sige, subukan mo at nang pare-pareho na tayong mamamatay tao. At para hindi ka na rin maiba sa amin. At maging katulad ka na rin sa walang kwenta mong ina!" "Aahh!!!"frustrated ng sigaw ni Xianna. "Huwag niyong isasali dito ang mama ko!" "At bakit hindi? Siya ang dahilan kung bakit ganito ang buhay mo ngayon?! Sana hindi ka na lang niya ipinilit na isilang, hindi mo sana mararanasan ang ganito?" "Tumigil na kayo!" "Kaya huwag ka ng mag-inarte, Xianna. Patikimin mo na kasi ako. Saglit lang naman, to." tila pakiusap nito na lumapit na naman sa dalaga. Pero bago pa man siya makalapit ay binato na siya ni Xianna ng lampshade. "Talagang matigas, ka ha!? Tingnan natin ngayon ang tapang mo." "Sige, subukan mo at talagang magpapakamatay ako ngayon! Hindi mo na makukuha ang perang gusto mo?"banta niya rito na idiniin ang kutsilyong hawak sa sariling leeg. Natigilan naman ang tiyong niya sa balak gawin pero maya-maya pa ay humakbang ito palapit sa kanya. "Tigil! Talagang magpapakamatay ako!"sigaw niya sa matanda at mas lalo pang idiniin ang kutsilyong nasa leeg dahilan para magkasugat siya. She felt the hot liquid dripping out from her neck. "Xianna! Ric! Ano'ng kaguluhan ito?" bungad ng kanyang tiyang Helen sa kanila kasama nito ang ibang tauhan ng kanyang tiyong. Hindi naman agad nakaimik ang kanyang tiyong. "Pangaralan niyo po ang manyak niyong asawa, tiyang!"sigaw niya sabay tapon ng kutsilyo sa may tabi at tumakbo palabas. Naglakad siya ng naglakad. Sumakay siya ng jeep ng tricycle at taxi hanggang sa matagpuan niya ang sariling nakatayo sa harapan ng bahay nina Riel. Naiiyak siyang nakatitig doon. Hanggang sa humakbang ang kanyang mga paa papasok sa loob ng bahay. Madilim pa rin ang paligid at ang guwardiyang nakabantay sa front gate ay tulog na naman kaya malaya siyang nakapasok sa loob ng bahay. Tinalunton ng kanyang mga paa ang dati niyang silid at inaninag ng kanyang mga mata ang paligid. Napansin niyang ganoon pa rin ang ayos nito. Naroon pa rin ang teddy bear na bigay sa kanya ni Riel. Ang mga gamit niya sa school at kanyang mga damit. Ang family picture nila ay naroon pa rin sa ibabaw ng side table. Naiiyak siyang kinuha iyon at unti-unting napaupo sa sahig. She cries a lot. Hanggang ngayon hindi pa rin niya lubos maisip na magiging baligtad ang mundong ginagalawan niya. Maya-maya ay bigla siyang napatayo. Kailangan niya na sigurong tapusin ang trabaho niya at nang tuluyan na siyang makalayo sa mga kamay ng tiyong Ricardo niya. Mabilis siyang bumangon at pinahid ang kanyang mga luha. Lumabas siya sa kanyang silid at naglakad papuntang master's bedroom. Pero bago pa man niya mapihit ang seradura ay isang pamilyar na boses ang nagpayanig sa kanya. "Who are you?"dinig niya sa malamig at pamilyar na boses mula sa kaniyang likuran? Nanigas siya mula sa kinatatayuan at lihim na napamura. Akala niya dalawang linggo ang bakasyon nina Riel sa probinsya? Pero bakit narito ito ngayon. Kung minsan talaga palpak rin ang impormasyon ng tiyong niya. "I said, who are you?"dinig niyang tanong nito ulit sa malamig at mariin na boses. Humarap siya dito at halos magpanic siya nang akmang bubuksan na nito ang switch ng ilaw. Para siyang kidlat sa bilis na lumapit dito at pinigilan ang pagsindi ng ilaw. Hinila niya ang isang kamay nito and pinned him on the other side of the wall. Tila nagulat ito sa kanyang ginawa pero natauhan rin nang magsalita ito ulit. "I said, who are you? Pa'no ka nakapasok dito?"he asked her again. Hindi siya nagsalita dahil ayaw niyang mabuko sa halip ay tinalikuran ito. "Where the hell are you going, lady?"galit nitong sigaw. At ang sumunod na mga nangyari ang siyang nakapagpatigil sa t***k ng kanyang mga puso. Hindi naman kasi niya inaasahan na hihilahin siya nito at siya naman ang isasandal sa labas ng pintuan ng silid nito habang mahigpit na nakapulupot ang isang braso nito sa kanyang beywang. While their faces are just an inch away. Napasinghap siya when she smelled his familiar scent. Nagpumiglas siya nang mas lalo pa nitong pagdikitin ang mga katawan nila. "You can't run away from me again, Xianna."mas lalo pang nanlaki ang kanyang mga mata sa sinabi nito. Pa'no kaya nito nalaman na siya iyon. "Please...let me go, Riel."she pleaded. "Sa wakas, nagsalita ka rin." "Riel, please..."halos maiiyak niya ng pakiusap dito. "I'm sorry. But I won't really want you to slipped on my hands this time, Xianna." "Riel..." "Just keep on saying my name, Xianna. For I have been missing your voice for two long years. I have missed you so much that I think I would be gone crazy thinking what happened to you." "Riel, kailangan ko ng umalis." "No! I said no! At hindi ko na hahayaang iwan mo pa ako ngayon! Please s-stop torturing me, Xianna."dinig niyang wika sa gumagaralgal nitong boses. At ang kanina pa niyang pinipigilang luha ay tuluyan ng kumawala. "Riel, hindi mo naiintindihan ang sitwasyon." "Then explain it to me! Para maintindihan ko." "Hindi iyon ganun kadali sa akala mo?" "At ano ba ang mas madali sayo? Ang hayaan kitang umalis ganun ba?" "Oo. Dahil iyon ang mas tama." "Arrghh!!"di mapigilang sigaw ng binata. "Bakit ba iyon ang naging tama para sa'yo, Xianna? Wala na ba kaming halaga sa'yo?" "Balang araw maiintindihan mo rin iyon." "I'm sorry pero hindi ko maiintindihan kailanman ang bagay na nais mong ipaintindi sa akin." "Just let me go. Pakawalan mo na ako. Hayaan mo na akong makaalis, Riel." "I won't!"matigas nitong sagot sa kanya. Mas lalo pang nagrigodon sa kaba ang kanyang dibdib nang itulak nito ang pintuan at hilahin siya papasok d'un. Ini-lock pa nito iyon upang hindi talaga siya makalabas. Hindi pa rin nito binibitiwan ang kanyang kamay. "Riel, aalis na ako. Wala akong intensyong magtagal pa-" "Come here."nagulat pa siya nang bigla itong umupo sa ibabaw ng kama at hilahin siya sa kandungan nito. She's now sitting on his lap facing him. Mula sa malamlam na liwanag ng lampshade ay naaninag niya ang nagsusumamo nitong mukha. She just lowered her eyes. Hindi niya kasi kayang salubungin pa ang mga mata nito. "I..."tila utal pa nitong umpisa sa nais na sabihin. "Xian...na. Please, huwag mo na akong-"she cut him from his speech with a sweet kiss on his lips na ikinagulat nito. Yes, hindi na napigilan pa ni Xianna ang sariling damdamin. Tuluyan na siyang ipinagkanulo nito when she initiated the kiss. Alam niyang nagulat si Riel sa bigla niyang ginawa kaya nahihiya siyang tumigil sa paghalik sa mga labi nito. But Riel never allowed it to stop what she had started. Mas hinapit pa siya nito at sinabasib ng halik ang kanyang mga labi. He even bit her lips so she could open her mouth and so he can enter his tongue. Napasinghap siya sa ginawa ng binata. They're gone too far from their wild kissing scene. Habol nila pareho ang kanilang hininga when he stop the kiss and hugged her tightly. She had felt his small sweet kisses on the top of her head. Napaluha na naman siya sa gesture na iyon ni Riel sa kanya. If only she could chose to be in his arms forever, maybe she could be the happiest woman on earth. Pero hanggang pangarap na lang niya iyon. "I missed you...and I love you so much, Xianna."dinig niyang sambit nito sa kanyang punong-teynga. Napaiyak siya lalo sa dibdib nito. Gustung-gusto niyang sabihin rin sa binata kung gaano niya ito kamahal pero nagpigil siya para na rin sa ikabubuti nito. "Do you hear me? I said I love you."wika nito na ngayon naman ay bahagya siyang inilayo at inaninag ang kanyang mukha. "W-why are you c-crying? Did I say, something wrong?"tila nag-alala naman ito sa kanya at sunud-sunod na pinahid ang kanyang mga luha. "I'm sorry, princess. It's not my intention to make you cry."umiling-iling lang siya sa sinabi nito. "It's not your fault, Riel." "I'm sorry..." Napatitig na lang si Xianna sa mukha ng binata and started to touch his face. Napapapikit naman si Riel sa kanyang ginagawa. Pinakatitigan niya ng mabuti ang binata and touch his forehead down to his nosebridge, to his eyes and to his red lips. Ninanamnam naman iyon ng binata ang bawat haplos niya. Gusto niyang memoryahin ang bawat sulok ng mukha nito dahil baka ito na ang huling pagkakataong mahawakan niya ito. And in an instant she kissed him again. She wanted to taste his sweet lips again. She deepened the kiss and become more aggressive. Wala na siyang pag-aalinlangan ngayon. Gusto niyang bigyan ang binata ng pinakamatamis niyang halik. The memory they could share for the last time...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD