"Xianna, mahal kita. Bumalik ka na please..."ang boses na iyon ang paulit-ulit niyang naririnig habang naroon siya sa kawalan ng kadilimang iyon.
Pamilyar sa kanya ang boses at para bang nakaramdam siya ng pangungulila sa nagmamay-ari ng boses na iyon.
Matagal nang naroon ang lalaki sa kanyang panaginip pero ni minsan ay 'di pa niya naaaninag ang mukha nito. Tanging boses lang ng binata ang kanyang naririnig. Kaya ngayong nasa panaginip na naman niya ito ay pipilitin niyang kilalanin ang nagmamay-ari sa malambing na boses na 'yon.
"Teka, s-sandali..."pigil niya sa papalayong lalaki. Huminto lang ito saglit pero 'di siya nilingon nito.
"S-sino ka ba?"naiusal niya. Ngayon ay lumingon na ang lalaki sa kanya pero 'di pa rin niya maaninag ng husto ang pagmumukha nito. Tanging ang malungkot lang nitong ngiti ang naaaninag niya.
"Sa pagbabalik mo, ako ay magpapakilala sa'yo."tanging sambit nito at nagpatuloy sa kanyang paglayo.
"T-Teka, sandali!"habol niya pa sa lalaki. Pero unti-unti ng nilamon ang pigura nito ng kadiliman.
"Sino ka bang talaga?"sigaw niya pero tuluyan na itong naglaho sa dilim.
"Sino ka ba?!"muli niya pang sigaw at sa pagmulat ng kanyang mga mata ay sumalubong sa kanya ang puting kapaligiran. Dinig niya rin ang ginagawang tunog ng mga aparatong nakakabit sa kanya.
Muli siyang napapikit nang masilaw sa liwanag na nagmumula sa bintana. Habol niya rin ang kanyang paghinga.
"Hey, are you okay, miss?"dinig niyang may tumawag sa kanya. Nang muli niyang imulat ang kanyang mga mata ay nakita niya ang isang babaeng nakauniporme ng puti na lumapit sa kanya.
Maya-maya ay chineck nito ang pulses niya pati ang ibang nakakabit sa kanya and then she saw her walked to the corner and dialed a phone. Hindi niya maintindihan kung ano ang pinagsasabi nito. Mukhang alien language yata ang narinig niyang lumabas mula sa bibig nito o baka hallucination niya lang iyon.
Pero, teka? Nasaan nga ba siya?
Kahit mahilo-hilo pa siya ay pilit siyang bumangon. Natataranta namang lumapit sa kanya ang babae.
"Are you okay?"muli ay tanong na naman nito sa kanya sa slang na tono.
"N-nasa'n ba ako?"naitanong niya sa babae.
"Ye?"tanging nasambit ng babae at nagtatanong pa ang mga matang nakatitig sa kanya. At nang igala niya ang paningin at muling ituon ang atensyon sa babaeng kaharap ay tila para bang sumakit ang kanyang ulo sa pag-iisip. Wala siyang maintindihan sa nangyayari at mukhang 'di niya rin makausap ng maayos ang babaeng kaharap.
Anghel ba ito? Nasa langit na ba siya? Pero mukhang malabo naman iyon, kontra ng isipan niya. Mukhang malabo talaga iyon. Napahawak siya ng mahigpit sa kumot. At saka lang nagsink-in sa kanyang utak na hindi pa nga talaga siya patay nang mabasa ang mga letrang ito sa kumot.
T A E S A N H O S P I T A L
Kung ganun nasa isang hospital nga siya at di niya malaman kung saan. At sa palagay niya ay hindi rin ito hospital na pagmamay-ari ng tita Venice niya. Muli ay napabaling siya sa babae at nakita ang pagngiti nito sa kanya. Ngayon niya lang rin napansin ang features ng mukha nito. Ang sobrang puting balat nito, ang medyo half-moon nitong mga mata at may pagka-blonde na buhok na halatang kinulayan. Ang pagsasalita at kilos nito ay halatang isa nga itong alien.
"Ahm , I already called Dr. Nagishima."turan nito sa kanya na mukhang alanganin pa sa sinabi nito.
"N-Nagishima?"ulit pa niya sa pangalang binanggit nito. Nasa Japan ba siya? Pero sarili niya na ang kumontra sa isiping iyon. Napailing na lang siya. Malinaw pa rin kasi sa kanyang utak ang eksenang nangyari sa lumang bahay na hideout ng tiyong Ricardo niya. At sa isiping iyon ay biglang sumagi sa kanyang isipan ang imahe ni Riel.
Tama nga, nasaan si Riel? Alam niyang kasama niya ito kanina lang. Binalot na naman ng kakaibang takot ang pagkatao niya. At kasabay nun ang pagsakit ng kanyang ulo at dibdib dahil sa hindi mapigilang emosyon na lumulukob sa kanya.
"Argh!"daing niya at napahawak sa sariling ulo at doon pa niya nalaman na nakabenda pala siya.
"Wait, miss. Are you okay? Are you hurt?"tanong ng babae na dinaluhan siya.
"You should take a rest first."wika pa nitong iginiya na siya pabalik sa paghiga. And then the door suddenly open.
"Xianna!"a familiar voice came to her rescue.
Napaangat ang mukha niya at nagtatakang tumitig sa kaharap.
"Sshh...don't cry please."alo nito sa kanya and wipe her tears. Nagtaka pa siya sa sinabi nito. Umiiyak siya, that was definitely what he said. And she has no idea that she's crying right now.
A moment later she felt his warm embrace.
"It's okay, Ms. Yoon. I can handle her."nakangiting turan ng binata sa nurse.
"Ye."tanging tugon ng babae bago tuluyang lumabas.
Nanatili siyang nakayakap sa lalaki ng ilang segundo bago niya ito marahang itulak and look at his face.
"I am very happy seeing you now awake, Xianna. So please don't cry. It's not good for your health."she heard him say while looking deeply into her eyes.
"R-Riu..."halos hindi pa niya mabigkas ng maayos ang pangalan nito dahil sa bikig sa lalamunan niya.
"Xianna."
"R-Riu..."muli na namang dumaloy ang kanyang hindi mapigilang mga luha.
"Yes? Why are you crying? May masakit ba sayo? Saan?"sunud-sunod na tanong nito pero umiling lang siya and wipe her own tears.
"Then, what's wrong, Xianna?"
"H-hindi ko siya... makita rito. D-does it mean, he's already gone?"iyak na naman niyang tanong sa kaharap.
"Huh?"tila naguluhan pa si Riu sa sinasabi niya.
"Iniwan na ba niya talaga ako, Riu?"nagsusumamong tanong niya rito.
"Did you mean about, Riel?"hula pa ng binata sa kasagutan ng tanong niya. Tumangu-tango naman si Xianna bilang pagsang-ayon na ikinangiti ng malawak ni Riu.
"B-Bakit ka nakangiti dyan?"tanong niya sa pagitan ng paghikbi.
"Gusto mo ba siyang makita?"tanong pa nito sa kanya.
"Oo."mabilis niyang sagot.
"Kung ganu'n magpahinga ka muna sa ngayon. At bukas ay dadalhin kita sa kinaroroonan niya."
"P-pero...hindi ba siya pwede nating puntahan ngayon?"
"Nope...kagigising mo lang. And from what I see you need to take a rest first. Namamanhid pa nga yang paa mo dyan eh?"
"Ha?"sa sinabi nito ay ngayon niya lang napansin na hindi nga niya maikilos ang katawan ng maayos.
"He will not be happy, seeing you like this. Dapat presentable ka, kapag nagpunta ka sa kanya."
Hindi na naman niya maiwasang malungkot dahil sa sinabi ni Riu.
Tama, hindi matutuwa si Riel kapag nakita siyang ganito ang kalagayan. Magpapakatatag siya para rito.
Saglit lang na nanatili si Riu sa tabi niya ng araw na iyon. Ang sabi kasi nito sa kanya ay marami pa itong ibang pasyente na aasikasuhin kaya 'di niya na ito napigilang umalis. Marami pa sana siyang itatanong rito pero umalis na ito kaya sa susunod na lang. Baka bukas sa pagdalaw nila kay Riel ay doon na lang siya magtatanong. Sa ngayon ay magpapahinga muna siya.
Kinabukasan nga, tulad ng sinabi ni Riu ay pinuntahan siya nito sa kanyang room.
Nakasuot pa rin ito ng white coat ng doktor na ipinagtaka niya. Tulak-tulak rin nito ang isang wheelchair na pumasok sa kanyang silid.
"R-Riu...bakit may dala kang wheelchair?" nagtatakang tanong niya sa kaibigan.
"Cause you need this."ikling sagot nito na ngayon ay walang sabi-sabing binuhat siya mula sa kanyang kinauupuan at isinakay siya sa wheelchair. Yumuko pa ito upang ayusin ang pagkakapatong ng kanyang mga paa.
"So, here we go."sabi pa nito bago itulak ang wheelchair palabas ng kanyang room.
Pagtataka ang unang rumehistro sa mukha ni Xianna nang makalabas siya sa kanyang silid. Kakaibang kapaligiran kasi ang sumalubong sa kanya. Bakit mukhang Hapon yata ang halos lahat ng taong nasasalubong nila. And the way they speak, mukhang alien language sa kanyang pandinig. Namangha rin siya sa malaking Christmas tree na nasa lobby ng ospital nang makababa na sila.
Malamig na simoy ng hangin ang dumampi sa kanyang katawan nang itulak na ni Riu ang kanyang wheelchair palabas ng ospital.
Dinala siya nito sa isang napakakulay na parke. Tila gusto niyang tumayo at maglakad sa ibabaw ng mga tuyong dahon ng ginkgo tree. Pero, sadyang nanginginig pa ang kanyang paa at natatakot siyang mawalan ng balanse.
Parang isang panaginip lang ang nasasaksihan niya ngayon. Sa tv lang kasi niya nakikita ang ganitong tanawin kaya naman nagtatanong ang kanyang mga matang nilingon si Riu.
"Hey? Maganda ba?"nakangiting turan nito sa kanya.
"Oo. Pero may tanong lang ako sa'yo?"
"Ano 'yon?"
"Nasa'n na ba tayo? Ito ba ay bagong themed park ngayon sa Pilipinas?" Sadyang napatawa naman si Riu sa sinabi niya.
"Bakit ka natatawa?"medyo inis niyang pakli rito.
"Kasi po mukhang malabong magkaroon ng ginkgo trees at maple trees sa Pilipinas."
"Ganun? So, nasaan pala tayo?"
"So, we're here. We're here in the Land of the Morning Calm."saad nito.
"Ha?"naguguluhan pa rin siyang nakatingala rito.
"Gets mo na?"
"Land of the morning calm?"ulit niya pa habang inaayos ang bungkos ng bulaklak na hawak-hawak niya. Nakita niya kasi iyon kanina sa room niya at bigla na lang pumasok sa kanyang isipan na dalhin iyon. Wala man lang kasi siyang madala para kay Riel.
"S-sa Korea ba tayo?"
"Wow, mabuti naman at nakinig ka pala sa history teacher mo."
"Huh? Teka, bakit tayo nandito? Di ba't parang noong isang araw lang ay nangyari ang...tra-trahedya na iyon."may lungkot at sakit na naman ang gumuhit sa kanyang mukha at mababakas iyon sa gumagaralgal niyang boses. Nakayuko siya at pinagmasdan ang medyo nalalanta nang bulaklak na hawak.
"Para sa kaalaman mo, aming sleeping beauty humigit isang taon na ang nakalilipas nang mangyari 'yon."sabi nito na ngayon ay nakaligid na sa kanyang harapan.
"Ha? I-isang taon na mahigit?"
"Oo, Xianna. Isang taon ka ng natutulog. At nagpapasalamat kami dahil naging matapang ka at hindi bumitiw. At ngayon, nagbalik ka na nga mula sa napakatagal mong pagkakahimbing."litanya nito sa kanya.
"Pero, paano ba tayo napunta rito?"
"Isang napakahabang istorya. But to make it short, nandito ka ngayon dahil kinuha ka ng tunay mong ama."
"T-tunay kong ama?"tila mas lalo yata siyang nalito sa naging paliwanag nito.
"Yes, your own biological father. His name is Jung Jin Woo. The parents of your father which is your grandparents is a pure Korean while his mother is a Filipina. And half of the share of this hospital is owned by your father, that's why you're here."walang gatol na namang paliwanag nito.
Mas lalo siyang naguluhan.
"Matagal ka ng hinahanap ng ama mo, Xianna. Nakakalungkot lang isipin na sa araw na natagpuan ka niya ay wala ka ng malay. Lahat ginawa niya, mabuhay ka lang. Even bringing you here and giving you the best medical care he had."
"S-si mom at dad. N-nasa'n sila?"tukoy niya sa mga magulang ni Riel na itinuring niya na ring mga magulang magmula ng ampunin siya ng mga ito.
"The day before you wake up ay nagbalik sila ng Pilipinas. Alam mo na, business matters."
"I-ikaw, ano ang ginagawa mo rito? Dito ka na ba nagtatrabaho?"
"Yup. Isa akong intern ngayon dito. Alam mo na, nagpapakadalubhasa sa larangan ng medisina para sa future ko."nakangiting wika nito.
Napatangu-tango na lang siya rito.
Hindi siya halos makapaniwala sa lahat ng nalaman. Pero kung nasaan siya ngayon ay siyang magpapatunay mismo ng katotohanan.
Nalaman niya rin na namatay pala ang tiyong Ricardo niya ng araw na iyon at nakulong naman ang tiyang niya pati ang iba pang tauhan ng kanyang tiyong na sumuko sa otoridad.
Ngayon wala na sila. Malaya na siya sa kung ano'ng buhay ang gustuhin niya. Pero tila iba ang kahungkagan na nararamdaman niya sa kanyang kaloob-looban. Wala na si Riel, iyon ang buong akala niya.
"Tayo na. Puntahan na natin siya."masiglang untag sa kanya ni Riu na nakapagpagising sa kanyang diwa. Itinulak na nito pabalik ang kanyang wheelchair sa loob ng hospital na ipinagtaka niya.
Naroon sila ngayon sa labas ng quarters ng mga surgeon ayon kay Riu. Wala kasi siyang maintindihan sa mga nakasulat roon.
"B-bakit tayo narito?"naguguluhan pa rin niyang tanong. Ang buong akala niya ay pupunta sila ng sementeryo.
"Ha? Di ba gusto mong makita si Riel? Dito na lang siya natin hintayin, dahil may meeting ngayon ang mga surgeons sa conference."
"K-kung ganun...b-buhay siya."hindi na naman niya mapigilan ang pagbaha ng samu't-saring emosyon sa kanyang dibdib.
"Syempre naman. Buhay na buhay siya. Hindi ko ba nasabi sa'yo?"tila lito ring sabi ni Riu sa kanya. Hindi nga talaga sila nagkaintindihan.
"Sira ka! Halos himatayin na ako sa kaiiyak kagabi sa pag-aakalang wala na siya. Di mo man lang sinabi sa akin."naiiyak at natatawang turan niya sa naka-peace sign na ngayong si Riu sa kanyang harapan.
"Lumapit ka nga rito at makutusan kita."inis niyang wika. Umiyak lang pala siya ng walang dahilan kagabi.
"Teka, narito na siya."bigla ay sambit ni Riu na nakapagpabilis ng husto sa kanyang puso.
Ngayon ay nakaramdam siya ng mga yabag papalapit sa kanyang likuran. Habang tuwang-tuwa namang kumakaway sa kanyang harapan si Riu.
"Riel!"tawag pa ni Riu dito.
"Bakit ba ang ingay mo?"dinig niyang yamot na wika ni Riel. Habang siya naman ay napahigpit ang hawak niya sa bulaklak.
Ang boses na iyon. Ngayon alam niya na kung sino ang lalaking iyon sa kanyang panaginip.
Gusto niya nang lingunin ito pero nagtatalo ang kalooban niya.
"Tss! Ang sungit nito. May bisita ka, kaya narito ako."sabi ni Riu. Nangunot naman ang noo ni Riel na tila tinatantiya ang katotohanan sa sinasabi niya.
"Sino?"tanong nito. Hindi man lang siya nito napansin nang dumaan ito sa kanyang gilid. Nilampasan lang siya nito.
"Nasa likuran mo."sagot naman ng binata. At sa pagkakataong ito ay pumihit na si Riel paharap sa kanya.
Parang tumigil ang mundo ni Xianna nang tuluyan niya ng masilayan ang guwapong mukha ng taong pinakamahalaga sa kanya.
"R-Riel..."halos isang bulong na lang ang namutawi sa kanyang bibig nang magtama ang kanilang mga mata. Gusto niyang tumayo at yakapin ito ng mahigpit pero nanginginig ang mga tuhod niya.
"K-kumusta ka na?"sa halip ay naging tanong niya sa walang emosyong mukha nito.
"I'm fine."malamig pa sa yelong tugon nito na nakapagpalambot lalo ng mga tuhod niya.
"I...I see."ikling sagot na lang din niya.
"Riel, ba't di mo ako hinintay?"ang wika ng boses ng babaeng biglang lumapit kay Riel at pumulupot sa mga braso nito. Pero halos manlaki ang mga mata nito nang malingunan siya.
"My God, Xianna! Kung ganun totoo ngang gising ka na."tuwa pang sambit nito na niyakap pa siya.
"Oo."tanging tugon niya.
"Hey? Hindi mo ba kami iti-treat ng lunch ngayon, Riel?"untag naman ni Riu upang gumaan ng konti ang tensyon sa paligid.
"May trabaho pa ako, Riu. Sige, iwan ko na kayo."paalam nito na pumasok na sa quarters ng mga surgeon. Ni hindi man lang siya nito nilingon bago tuluyang pumasok sa loob. Hindi man lang siya nito kung kumusta na ang pakiramdam. All she can see is the coldness in his eyes. At ayaw niya ang ganoong kalamig na pagtitig ni Riel.
Nakakapanghina, nakapanlulumo. Iyon ang nararamdaman niya. Tila iba ang pakitungo nito sa realidad at kanyang panaginip. His sweet voice in her dreams gives her hope to survive. Pero ngayong gising na siya. Ibang-iba na ang Riel na kanyang nakilala. Hindi niya maintindihan kung bakit pero kahit gayunpaman ay iintindihan niya ito. Pipilitin niya, iyon ang kanyang napagdesisyunang gagawin.
"Sige, Xianna. Mamaya na lang tayo mag-usap."nakangiting saad sa kanya ni Elise bago pumasok sa loob.
"Teka lang."pigil naman ni Riu sa kanila.
"T-Tayo na, Riu."tanging sambit niya. Kagat-kagat niya ang pang-ibabang labi upang pigilin ang kanyang pag-iyak.
"Pero..."protesta din ni Riu sa kanya pero nginitian niya na lang ito ng pilit.
"Ayos lang ako, Riu. Ang mahalaga nakita ko siyang ayos lang. Kaya tayo na at bumalik sa room ko."kausap niya sa kaibigan.
"Tss. Hindi ko talaga maintindihan minsan ang pag-uugali ni Riel."tanging sambit na lang nito bago tuluyang itulak ang kanyang wheelchair pabalik.
Tahimik ang buong paligid ng kanyang silid. Nanatili siyang nakamasid sa may kawalan at malalim ang kanyang iniisip. Ang kalungkutang kanyang nadarama ay malapit na siyang igupo pero magpapakatatag siya.
Ilang araw na kasi ang lumipas pero ni minsan ay 'di siya dinalaw ni Riel. Nakilala na nga niya ang ama at nakausap ito. Nakilala na rin niya ang lolo't lola niya pati ilang pinsan sa mga nagdaang araw. Nag-a-undergo na rin siya ng therapy session para manumbalik kaagad ang lakas niya pero wala pa rin siyang balita kay Riel.
Nalulungkot siya at para bang nasa isang hawla siya na di makawala sa bigat ng kanyang nararamdaman.
Dumaan pa ang ilang mga araw at nakausap na rin niya ang mama Aya at daddy Ash niya. Tuwang-tuwa pa siya sa pagdalaw ng mga ito.
Marami silang napagkwentuhan at nang araw na 'yon ay umasa siyang si Riel ay darating at sasamahan sila.
"Mukhang malalim yata ang iniisip mo, Xianna?"puna ng kanyang mama Aya sa kanya kaya napaangat ang mukha niya at tiningnan ito. Isang malumanay naman na ngiti ang iginanti nito sa kanya.
"May bumabagabag ba sayo?"umiling-iling siya.
"Wala po ito, mom."ikling tugon niya.
"Si Riel ba ang iniisip mo?" Kahit pangalan pa lang nito ang narinig niya ay ganun na lang ang pagbilis ng kanyang puso.
"Hinihintay mo ba siya?"dagdag pang saad nito. Napayuko na lang siya at tinititigan ang magkasalikop na palad.
"Ang sabi niya sa akin, hindi siya makakapunta. May ooperahan daw kasi siya."ang paliwanag naman ng daddy Ash niya na nasa kabilang gilid ng kanyang hospital bed at kasalukuyang nagbabalat ng mansanas.
"A-Ayos lang po 'yon, dad. Alam ko namang busy siya. Maraming mas nangangailangan sa kanya. At alam kong sa propesyon niya ay nahihirapan din siya. Ayoko na siyang bigyan ng alalahanin pa."litanya niya at bukal iyon sa kalooban niya.
Maya-maya pa ay naramdaman niya ang mahinang tapik ng mama niya.
Nang mag-angat siya ng mukha ay nakita niya ang nakangiting ina.
"Hayaan mo, hindi ka rin niya matitiis.Higit sa kanino man dito sa amin, siya ang mas nag-aalala sayo. At alam namin kung gaano ka niya na-miss at gustong yakapin. Nag-iinarte lang iyon. Naku, kung alam mo lang kung gaano iyon kamiserable habang nasa coma ka ay-"
"Baby, sshh... your mouth."saway naman ni Ash sa asawa.
"Oops..oo nga pala secret 'yon."nakahagikhik pang sabi nito sa kanya.
Nagtatanong naman ang kanyang mga mata na nakatitig sa mama Aya niya. Habang alanganin naman itong ngumiti lang sa kanya and gesture herself to zip her own mouth.
Dahil sa sunud-sunod na session ay mabilis lang siyang nakarecover. Ngayon nga ay nakakalakad na siya ng maayos. Ang sabi ng doktor sa kanya ay kailangan na lang niya ng ilang araw na pahinga upang tuluyan nang makabalik sa normal.
Natutuwa siya dahil sa balitang iyon.
Nang umagang iyon habang busy siya sa pagbabasa ng language translation ay dumating si Elise. Tuwang-tuwa itong binati siya. Alam niyang naging magkaibigan naman sila noon kahit konting panahon lang ang pinagsamahan nila. Ang di niya lang maintindihan ay kung bakit ito ganito kagiliw sa kanya. Siguro sa panahong wala siya ay marami na ngang nagbago. Dalawang taon siyang nawala at mahigit isang taon siyang nakatulog. Siguro sapat na iyon upang ang isang munting bagay kahit papa'no ay nagbago na. Gaya nang nararamdaman ni Riel sa kanya.
Dahil nakakalakad na naman siya ng maayos ay magiliw siyang isinama ni Elise sa cafeteria ng hospital. Kahit na medyo nakakaramdam siya ng pagkailang ay pinagbigyan niya ito.
"Mabuti naman at medyo okay ka na ngayon, Xianna."umpisa nito nang mailapag na sa kanyang harapan ang inorder na pagkain.
"Oo. At maraming salamat sa lahat at nariyan ka-yo para sa akin."simpleng tugon niya.
"Nope. Mas higit kang magpasalamat kay Riel dahil imbes na pediatric surgeon ang major niya ay nagshift siya into neuro. Alam mo na, para sa'yo."wika nito habang sumisipsip sa straw.
"G-ganun ba."di makapaniwalang sabi niya.
"Oo, isa nga siya sa mga doktor na nag-opera diyan sa ulo mo. Natakot talaga ako that time na inoperahan ka, alam mo na. Kung hindi iyon naging successful, sigurado akong made-depressed siya ng husto at hindi ko ma-imagine kung ano ang magagawa niya sa sarili pag nangyari 'yon. Pero mabuti na lang at naging okay ang lahat. "Mahabang litanya nito. Samantalang hindi naman siya mapalagay sa sinabi nito. Sa kung ano ang kanyang iisipin kung hindi nga nagtagumpay ang operasyon sa kanya.
Tumangu-tango na lang siya at pasimpleng ngumiti kay Elise.
"Heto, try mo, masarap 'to."sabi nitong inabot sa kanya ang isang cup. Hindi niya alam kung ano 'yon basta tinanggap na lang niya.
Habang sumisimsim siya sa straw ay napansin niya ang magandang singsing na suot nito.
"E-Engage ka na ba?"bigla ay tanong niya.
"Huh?"
"Ang ganda ng singsing mo? Sino? Doktor din ba siya?"magkasunod niyang tanong kay Elise. Siguro mahabang panahon na nga ang pagkawala niya dahil engaged na nga si Elise.
Ang pagguhit ng magandang ngiti nito sa mukha ay patunay na masaya nga ito sa kung sino man ang maswerteng lalaking nakapagpatibok sa puso nito.
"Y-yes. He's a doctor too. And you knew him very well."tugon nito sa kanya na nakapagpakunot ng kanyang noo. Paano niya naman makikilala ang fiance nito? Schoolmate ba nila ito dati? O baka naman si Riu? Doctor din iyon eh?
"Eh, sino ba siya? Kailan ang kasal?"
"He's none other than but your foster brother."wika nito na tila nakapagpabingi sa kanya.
"Ha?"para siyang naparalisa sa narinig. Di nga? Baka mali lang siya ng pandinig.
"Yes, Xianna. Three weeks ago ay nagpropose na siya sa akin. Si Riel. "dagdag pang sabi nito.
"S-si Riel?"tila may bumara na naman sa kanyang lalamunan nang banggitin niya ang pangalan nito. Kaya ganun na lang ito ka-attached kay Elise dahil may relasyon pala ang dalawa? Parang ayaw magsink-in sa utak niya ang katotohanang iyon kaya bigla siyang napatayo.
"Xianna!"gulat namang sambit ni Elise na nabigla sa pagtayo niya.
"I...I think, I have to go. Baka hinihintay na ako ng therapist ko."
"Ha? Pero?"pigil nito sa kanya.
"S-sige, Elise maraming salamat sa pagdalaw sa akin."sabi niya at pilit na nginitian ang dalaga. Sinuklian din naman siya nito ng alanganing ngiti.
"Ihahatid na kita."prisinta nito but she just refuse.
"No. Kaya ko ng bumalik, Elise. Just finish your food."tugon niya na tumalikod kaagad at mabibilis ang hakbang na umalis siya ng cafeteria. Kailangan niya ng makalayo sa lugar na 'yon bago pa man lumabas ang nagbabadya niyang mga luha.