"Xianna!"umalingawngaw na boses ng kanyang tiyong mula sa likuran nila ang kanilang narinig.
"T-tiyong!"halos magimbal ang buong sistema ni Xianna nang makita niya ang nagpupuyos na galit ng kanyang tiyong.
"Hindi niyo ako matatakasan! Magkamatayan na muna tayo dito!"sigaw nito. Kitang-kita ng dalaga ang pagbunot nito ng baril mula sa likuran kaya mabilis niyang hinila si Riel at sa isang iglap ay nasa harapan na siya ng binata.
"Huwag tiyong!"sigaw ni Xianna kasunod nun ang alingawngaw ng putok ng baril.
Dalawang magkasunod na putok ng baril ang nagpabingi sa buong sistema ni Riel. Hindi siya makakilos sa kinatatayuan. Hindi rin siya makapagsalita. Hindi niya na alam kung ano ang nangyayari sa paligid dahil sa pamamanhid ng kanyang katawan. Ang lakas ng t***k ng kanyang puso ay halos nagpahirap sa kanyang paghinga. Hanggang sa maramdaman niya ang pamamasa ng magkabila niyang pisngi.
"X-Xianna..."bigkas niya sa pangalan ng taong pinakamamahal niya nang sa wakas ay matagpuan niya ang boses. Pero wala nang tumugon sa pagtawag niya.
Malinaw na malinaw sa kanyang paningin ang nakahandusay nitong katawan sa kanyang harapan. Naliligo ng sariling dugo at hindi na gumagalaw.
Unti-unti siyang napaluhod at pilit na inaabot ang prinsesa niya.
"Xianna, wake up..."halos bulong niyang sabi habang sapo ang nanglulupaypay na katawan nito.
"Please, open your eyes. Don't leave me."kandaiyak niyang pakiusap rito but it seems useless kasi hindi na siya naririnig nito.
"I love you, please, please, wake up. Don't you dare leave me."sabi niya habang hawak-hawak niya ang dalaga sa kanyang mga bisig while planting small kisses in her face.
"Riel!"napaangat siya ng mukha ng marinig niya ang boses ng kanyang ama.
"Please, dad. Save her! I need her! I really, really can't live without her. Maawa po kayo, dad. I love her so much. Please."pagmamakaawa niya sa ama.
"Yes, son! Gagawin natin ang lahat para iligtas siya. Hayaan na muna natin siyang bigyan ng first aid ng mga medic."mahinahong sabi nito sa anak.
Kaya hinayaan ni Riel ang mga doktor at nurse na bigyan ng first aid ang dalaga at isakay ito sa ambulansiya.
"Huwag kang panghinaan ng loob, Riel. Matapang si Xianna kaya lalaban siya. Hindi niya tayo iiwanan."wika ng kanyang ama na tinulungan siyang makatayo.
"D-dad...kasalanan ko na naman po ang lahat."
"No, this is not your fault."
"It's my fault. Kung nakinig lang sana ako sa kanya hindi sana umabot sa ganito."
"Hindi anak, ginawa mo lang ang dapat mong gawin."tugon ng ama niya na niyakap siya upang aluin.
Pero natigilan silang pareho nang biglang magkagulo sa loob ng ambulansiya kaya napalapit siya roon.
Kitang-kita niya ang pagpa-pump ng mga doktor sa dalaga. Ang tunog ng mga nakakabit na aparatus sa katawan nito ay mas lalong nagpabingi sa kanya.
"Xianna!"halos bulong na lang niyang sigaw nang makita ang paglupaypay ng kamay ng dalaga mula sa stretcher na animo wala ng buhay.
Kasunod nun ang pamamanhid ng katawan ni Riel at ang paghabol niya sa kanyang hininga. Bigla kasing nagsikip ang kanyang dibdib at tuluyan na ngang nagdilim ang buo niyang paligid.
Huling narinig niya ang boses ng ama na tinatawag siya.
...
Ang maingay na tunog ng orasan na nasa kanyang ulunan ang tila ba pumukaw sa natutulog niyang diwa.
Dahan-dahan niyang iminulat ang mga mata. Napakatahimik ng buong paligid at nalaman niyang nasa isang banyaga siyang silid.
May kung anu-ano ring nakakabit sa kanyang katawan kaya isa-isa niya iyong tinanggal saka siya bumangon. Nagtungo siya sa pintuan at bubuksan na sana niya iyon nang kusa iyong bumukas. And there in front of him is his ever worried mother.
"M-ma..."nanulas sa kanyang bibig. Mahigpit siyang niyakap ng ina habang sumisinghot ito. He felt her gentle touch in his back.
"Mabuti naman at gising ka na. Hindi ko kakayanin kung pati ikaw mawawala rin, baby."sabi nito. Talagang tinatawag siya ng ina na 'baby' kapag naglalambing ito sa kanya kaya gumanti na rin siya ng mahigpit na yakap sa ina. Hinaplos niya rin ang likuran nito to keep her calm.
"Ma, s-si Xianna po?"maya-maya ay tanong niya sa ina. Matagal na hindi ito nakaimik tila ba pinag-aaralan kung ano ang sasabihin. Kaya naman kinabahan siya. Nawa'y hindi sana magkatotoo ang masama niyang panaginip.
"Dalawang araw ka ring nakatulog, Riel. A-at sa mga araw na iyon..."halos hindi niya na rin marinig ang huling sinabi nito. Tinambol na naman ng napakalakas ang kanyang dibdib. Parang ayaw niyang marinig pa ang susunod na sasabihin ng ina. Parang ayaw niyang malaman ang katotohanan dahil natatakot siya. Takot siyang malaman na wala na ang babaeng pinakamamahal niya.
"Hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa'yo na hindi ka mabibigla at hindi masasaktan..."patuloy pa nito sa nais na sabihin sa kanya. Mas hinigpitan pa lalo ang pagyakap nito sa kanya.
"S-stop it, ma. All I need to know is where she is?"pigil niya sa anupamang nais sabihin ng ina.
"Nasa ICU siya."sagot nito na sa ngayon ay pinakawalan na siya at inaaninag ang walang emosyon niyang mukha.
Mabilis na humakbang ang kanyang mga paa patungo sa lugar na tinutukoy nito. Humabol naman sa kanyang likuran ang mama Aya niya.
Alam niyang kalunos-lunos ngayon ang sitwasyon ng dalaga dahil nasa ICU ito pero di niya akalain na parang magugunaw na naman ang kanyang mundo nang buksan niya ang pintuan na 'yon.
Ang maingay na tunog ng iba't-ibang aparato na nakakabit sa katawan ng dalaga ang unang sumalubong sa kanya.
Nanghina na ng tuluyan ang kanyang mga tuhod nang tulueyan niyang makita ang halos wala ng buhay nitong katawan. Her pale skin and lifeless body made his heart to ache again.
"She's in coma, Riel. Hindi pa natin alam kung kailan siya magigising. Natanggal na ang bala na tumama malapit sa puso niya pero hindi pa rin nila natatanggal ang bala na tumama sa kanyang ulo.
Hindi pa kasi stable ang kalagayan niya para sa ikalawang operation. Baka kasi...hindi niya kayanin."naiiyak na naman na sambit ng mama niya.
Kahit na naninikip na naman ang kanyang dibdib ay pilit siyang humakbang palapit sa dalaga. Nanginginig ang kanyang mga kamay na umangat sa ere upang haplusin ang maputla nitong mga pisngi.
Kusa ng tumakas ang mga luha niya sa gilid ng kanyang mga mata.
Para na namang madudurog ang kanyang puso nang hawakan niya ang walang lakas na nitong mga kamay.
"Riel.."dinig niyang tawag ng mama niya sa kanya.
"Ma, k-kasalanan ko po."naiiyak niyang turan sa ina.
"No! Hindi mo to kasalanan, Riel. Kasalanan to ng mga kriminal na 'yon!"
"K-Kung nakinig lang sana ako sa sinabi ni Xianna, hindi siguro aabot sa ganito."
"Huwag mong sisihin ang sarili mo, anak. Hindi matutuwa si Xianna kapag narinig iyan sa'yo."
"Pero mom."tanggi pa niya. Pero pareho silang natigilan nang biglang naging abnormal ang bilis ng t***k ng puso ni Xianna at tumaas ang blood pressure nito.
"Xianna!"sigaw ni Riel na agad dinaluhan ang dalaga samantalang tumawag naman ng doktor ang mama niya.
Doktor siya pero tila nablangko ang lahat sa kanya when he saw her having seizures. Namanhid na naman ang buo niyang katawan at biglang nagsikip ang kanyang dibdib. Napahawak siya sa gilid ng hospital bed ni Xianna habang sapo-sapo ang dibdib.
"Riel, ano'ng nangyayari sayo?"nagpapanic ng sigaw ng mama niya nang makitang napaluhod na siya sa sahig.
"Riel! Riel!"dinig niyang paulit-ulit na sigaw ng kanyang ina bago pa siya masadlak pabalik sa kadilimang iyon.
.
.
.
.
After 1 and half years...
.
Mabilis ang kanyang hakbang na naglalakad sa pasilyo ng ospital habang hawak naman niya ang bungkos ng iba't-ibang kulay ng bulaklak sa kanan niyang kamay.
Tinungo niya ang elevator para sa mga employee. Alam niyang pinagtitinginan siya ng ilang nurse na kasabay niya sa elevator kaya tumikhim siya.
Magiging laman na naman siya mamaya ng mga tsismisan nito dahil sa taglay niyang kaguwapuhan kaya nginitian na lang niya ang mga kasabay na nurse. Animo kinilig naman ang mga ito sa ngiti niya.
Nang bumukas ang elevator sa fourth floor ay agad na sumalubong sa kanya ang nakakunot-noong si Riel.
"You're ten minutes late!"pasupladong turan ni Riel sa kanya na walang anu-ano'y inagaw ang hawak niyang boquet.
"Sorry na. Pinabili mo pa kasi ako ng bulaklak kaya-"
"Shut up, Riu!"sansala nito sa nais pa niyang sabihin at binirahan na siya patalikod. Kaya naman sumunod siya sa likuran nito pero sadyang masungit lang talaga ang kanyang kaibigan dahil binagsakan siya ng pintuan na ikinagulat niya. Kaya nganga talaga siya. Inutusan na nga siya nito, siya pa ang binagsakan ng pintuan, eh sa gusto lang naman niyang sumilip sa natutulog na si Xianna. Ang sama talaga nito. Pero maya-maya ay bumukas ito at sumilip sa siwang si Riel para lang ipamukha sa kanya ito.
"Remember! This is our day and you are not allowed to enter her room! Understood!"madiin nitong bigkas tapos ay pinagsarhan na naman siya. Napakamot na lang siya sa batok. Mukhang excited lang itong makasama ang dalaga kaya nalimutan man lang nitong magpasalamat sa binili niyang bulaklak. Ang lamig pa naman sa labas.
Naiiling na umalis na lang siya sa private room na inookupa ni Xianna ngayon at mahinang naglakad papunta sa elevator.
Habang ngayon sa loob ng silid ni Xianna ay isa-isang inilagay ni Riel ang bulaklak na ipinabili niya kanina kay Riu. Nakagawian niya na ang pagdadala ng bulaklak tuwing bumibisita siya kay Xianna.
Mahigit isa at kalahating taon na rin ang nakalipas pero hanggang ngayon ay hindi pa rin nagkakamalay ang dalaga. Six months ago ay naging successful ang operasyon nito sa pagtanggal ng bala na tumama sa ulo nito. Isa siya sa anim na doktor na gumawa ng operasyon kaya ganun na lang ang takot niyang hindi iyon maging successful. Kaya ngayon ang hinihintay niya ay ang tuluyang paggising nito. Stable na kasi ang vital signs nito at unti-unti na ring bumabalik ang dati nitong kulay.
"Princess, kumusta ka na?"kausap niya rito habang hawak-hawak niya ang kanang kamay ni Xianna.
Hinawi niya ang ilang hibla ng buhok nito sa mukha bago hagkan ang noo nito.
"Pasensya na kung madalang na lang kitang madalaw nitong mga buwan na 'to. Alam mo kasi marami silang ibinigay na schedule for operation kaya sana huwag kang magtampo sa akin kung paminsan-minsan mo na lang akong makakasama dito."litanya niya na animo gising at nakikinig lang sa kanya ang kausap.
"Miss na miss na kita, alam mo ba? Gumising ka na, pangako ipapasyal kita sa lugar na gusto mong puntahan. Hindi na rin ako magpapasaway sa'yo. Susundin ko na lahat ng sasabihin mo kaya sana bukas o sa sunod na araw gumising ka na. Gusto ko nang marinig ulit ang boses mo, princess."
Maya-maya pa ay tumayo siya mula sa pagkakaupo at lumapit sa may bintana. Hinawi niya ang kurtinang naroon.
"Sigurado akong matutuwa ka kapag nalaman mo kung nasa'n ka ngayon."pilit ang ngiting sabi niya na nilingon ang dalaga na mahimbing pa rin ang pagkakatulog.
Maya-maya ay lumapit siya rito at naupo sa may tabi nito. Pinagsalikop niya ang kanilang mga palad at muli ay pinakatitigan niya na naman ang mukha ng dalaga.
Ang pilit niyang ngiti ay unti-unting nawala at napalitan iyon ng pangungulila.
He kissed her hand tenderly. Kahit sa ganun man lang na paraan ay mabawasan ang pangungulila niya rito.
"Mahal kita, Xianna. Sana naririnig mo ako ngayon."sambit niya bago tuluyang mahimbing sa tabi nito. Kagagaling lang niya kasi sa operasyon at napagod siya ng husto at nakakatulog lang siya ng mahimbing kapag katabi niya at hawak ang kamay ni Xianna. Sa pamamagitan n'un ay nawawala lahat ang pagod na nararamdaman niya ngayon.