NAKATITIG lang si Aloha kay Dra. Delgado. Gano'n din ang babaeng doktor sa kaniya. Kung hindi pa nagsalita ang sekretarya nito ay hindi pa sila matitinag sa pagkakatitig sa isa't isa. "Uh, Doktora, gusto ka raw niyang makausap." Narinig niyang sabi ng secretary nito. Tumango lang si Dra. Delgado, pagkuwan ay tumuloy na ito sa opisina nito. Sininyasan naman siya ng secretary na sumunod siya kay Dra. Delgado na ginawa naman niya. "Have a seat, Miss Sandoval." sabi ni ni Dra. Delgado sa kaniya. Iminuwestra pa nito ang upuang para sa bisita nito. "Salamat," aniya at agad na naupo. Naupo rin ito sa swivel chair nito na nasa likod ng lamesa na yari sa mamahaling muwebles at siyang nakapagitan lang sa kanilang dalawa. "I heard, nahanap ka na ng asawa mo." anito na ikinatango lang niya. "So,

