bc

His Stepbrother's Wife

book_age18+
6.1K
FOLLOW
25.7K
READ
murder
billionairess
tragedy
bxg
heavy
enimies to lovers
secrets
office lady
wife
lawyer
like
intro-logo
Blurb

WARNING: R-18+(SPG)

Ang lahat ng mga nilalaman ay pawang kathang isip lamang ni Author.

TEASER:

Dahil sa isang aksidenteng kinasasangkutan ni Aloha Cassandra ay nawala ang kaniyang memorya at maliban sa singsing na suot-suot niya, palatandaan na may asawa na siya ay wala na siyang maaalala pa. She completely forgot everything.

But one day, a hot drop-dead gorgeous Atty. Damon Phoenix Del Fierro appeared at Aloha's apartment and claimed her, she is his wife.

Ayaw sanang gawin ni Phoenix ang scheme na iyon, but he left with no choice. He wants justice for his stepbrother, Xavier.

But what happen when he unexpectedly fell in love with Aloha Cassandra, his stepbrother's wife?

chap-preview
Free preview
Chapter 1
“K-KUYA, paano na tayo ngayong wala na sina Mama at Papa?” garalgal ang boses at umiiyak na tanong ni Aloha Cassandra sa kapatid. Nakaluhod siya sa harap ng puntod ng kanilang mga magulang. Her hands were shaking in coldness. Kanina pa kasi umuulan, mabuti na lang at may malaking tent na ipinahiram sa kanila ang cemetery kaya kahit papaano ay hindi sila nababasa. Madilim na rin ang buong paligid at sila na lang dalawa ng kuya Bernard niya ang naiwan dahil kanina pa umuwi ang mga taong sumama sa paghatid sa huling hantungan ng kanilang mga magulang. Ang nag-iisang kapatid naman ng Mama nila na si Tita Prescilla ay umuwi na ng Maynila kasama ang pamilya nito. Sa side naman ng Papa niya ay walang nakadalo dahil nasa ibang bansa na nakatira ang mga ito. At kanina pa rin siya niyayaya ng kanyang kuya Bernard na umuwi na sila pero panay lang ang iling niya rito. Gusto pa kasi niyang makasama ang mga magulang nila. “Hey, I told you I am here, right?” anito. Lumuhod na rin ito sa harap niya at hinawakan nito ang dalawang kamay niyang nanginginig pa rin na nakapatong sa kanyang mga hita. Kagaya niya ay napakalamig din ng mga kamay nito. Her kuya Bernard was sad too, kitang-kita niya iyon sa mga mata nito na nangingislap dahil sa nagbabadyang mga luha. But maybe because of her, ay pinipilit lang nitong magpapakatatag. She closed her eyes and nodded her head slowly at him. Pagkuwan ay nagdilat siya nang mga mata at tinititigan niya ito sa mga mata. "I know kuya, but---” “Shhh… stop worrying, okay?” he said, cutting her off. “I am here to protect you and will not let anyone harm you.” He added with gritted teeth. Mas humigpit din ang pagkakahawak ng mga kamay nito sa mga kamay niya. Kahit hindi nito sinabi sa kanya na pinatay ang mga magulang nila, pero alam niyang may foul play sa nangyari at hindi lang simpleng car accident ang nangyari sa mga ito. Hindi na siya bata para hindi makaramdam na may kakaibang nangyayari at alam iyon ng kanyang kuya Bernard at inilihim lang nito iyon sa kanya. Ilang minuto pa ang pinalampas niya bago siya pumayag na uuwi na sila. MONTHS had past, at unti-unti na rin niyang natanggap ang pagkawala ng mga magulang nila. Pero ang ikinababahala niya ay ang kuya Bernard niya. Madalas kasing hindi na ito umuuwi sa bahay nila at kung uuwi man ito ay lasing naman at may kasama pang mga barkada. Kagaya ngayon, nasa labas pa lang siya ng kanilang bahay ay naririnig na niya ang mga tawanan ng mga barkada nito. Kinabahan siya baka nandoon na naman ang bastos na lalaking barkada ng kuya Bernard niya. Si James Fernando. Sa pagkakaalam niya ay anak ito ng isang Gobernador sa kabilang bayan at hindi niya ito gusto. Natatakot kasi siya sa lalaki. Pakiramdam niya may masama itong balak sa kanila ng kuya Bernard niya. “Hey, Aloha, mabuti at nandito ka na,” ani ng kanyang kuya Bernard na pasuray-suray na lumapit sa kanya. Lasing na lasing na naman ito. “Kuya,” aniya. Sa gilid ng kanyang mga mata ay nakita niya ang mapanuring mga mata ni James. Sa klase ng tingin nito ay parang hinuhubaran na siya nang lalaki. “Uh, kuya, papasok na po muna ako sa kuwarto ko.” Paalam niya sa kapatid at kaagad na siyang umalis. Hindi talaga siya komportable kapag narito ang James na iyon sa bahay nila. Ramdam niya ang panginginig ng kanyang mga kamay sa takot niya sa lalaki. Wala namang ginagawa ang lalaking iyon sa kanya, kaya lang hindi talaga siya komportable rito. Pakiramdam kasi niya na sa bawat paghagod ng tingin nito sa buong katawan niya ay may binabalak itong masama sa kanya. Inilapag lang niya ang sling bag niya at agad na nagtungo siya sa banyo para maligo. Nakagawian na niya iyon tuwing pag-uwi niya galing sa eskuwela. Nasa ika-tatlong taon na siya sa kolehiyo sa kursong BS in Nursing. Gustung-gusto niyang mag-aalaga ng may sakit kaya iyon ang pinili niya at kahit hindi naman gano'n kaalwan ang buhay nila pero pinilit pa rin ng mga magulang niya na mapag-aral siya sa kursong gusto niya. She deeply sighed. Sayang nga lang at wala na ang mga ito. Hindi man lang ng mga ito naabutan na magiging ganap na siyang nurse. Pagkalabas niya nang banyo ay agad siyang sumampa sa kaniyang kama. Mamaya na lang siya kakain kapag wala na ang mga bisita ng kuya niya. Sa pagod niya ay nakatulog naman kaagad siya. Naalimpungatan lang siya nang maramdaman niyang may mga kamay na humahaplos sa kaliwang hita niya. Agad siyang napabalikwas nang bangon nang makita niyang may lalaking nakapasok sa kuwarto niya. Nanlalaki ang mga mata niya at kaagad nagpupumiglas. “Tulong, kuya Berna---hmmp!!” Hindi na siya nakapagsalita pa ng takpan ng lalaki ang bibig niya. Madilim ang kuwarto pero dahil sa liwanag ng buwan na pumapasok mula sa bintana ng kanyang kuwarto ay nakilala pa rin niya kung sino ang lalaking gustong mansamantala sa kanya. Si James Fernando. Pinilit niya ang sariling makawala sa mahigpit nitong pagkakahawak sa dalawang kamay niya. Takip-takip pa rin nito ang bibig niya. "Hmmp!!" patuloy na pagpupumiglas niya. Napaiyak na rin siya sa sobrang takot. “Alam mo bang matagal na kitang kursunada?” sabi nito sa nakakakilabot na boses. “Gusto nga kitang pakasalan at angkinin nang angkinin hanggang sa magsawa ako sa'yo. Kaya lang ang mga hangal mong mga magulang ay ayaw nila sa akin kaya pinapapatay ko na lang sila.” She gasped in horror. Namalisbis kaagad ang mga luha niya sa mga mata. Bumalik sa alaala niya ang mga katawan ng mga magulang niya na wala ng buhay. “Hmmp!!” Nagwawala siya sa sobrang galit at pandidiri nang simulan na nitong halikan ang leeg niya. Diring-diri siya nang maramdaman niya ang dila nitong naglandas doon. She tried to kick him pero dahil sa malaking katawan nito na nakadagan sa kanya ay halos hindi na siya makagalaw. “Ahh!! Bitawan mo ako!” Isang malakas na sigaw ang pinakawalan ni Aloha at dumadagundong iyon sa apat na sulok ng kuwartong kinaroroonan niya. Nagpupumiglas din siya mula sa mga kamay na mahigpit na nakahawak sa kanya. “No! Let me go! Let me go!” Naghe-hesterikal na sigaw niya. Naririnig din niya ang mga komosyon sa kanyang paligid. Na tila natataranta rin sa nagiging reaksyon niya. “Miss, Miss, calm down.” Narinig niyang sabi nang isang boses ng babae. Maraming mga kamay ang nakahawak sa kanya kaya mas lalo siyang nagpupumiglas sa takot. Hanggang sa naramdaman niyang may itinurok ng kung ano sa kanya at ilang sandali lang ay kaagad siyang nakaramdam ng panghihina. Bumibigat din ang talukap ng kanyang mga mata. Naramdaman pa niyang may tumulong luha sa mga mata niya hanggang sa unti-unti na namang tangayin ang kanyang kamalayan sa dako pa roon. Mahabang landas ang kanyang tinatahak. Minsan ay madilim, pero minsan ay nakikita niya ang sarili sa malaparaisong lugar. Minsan naman ay nasa maliwanag na maliwanag at puting-puting lugar siya. Hapong-hapo ang pakiramdam niya nang magising na naman siya. “Oh!” mahinang daing niya. Nang sinubukan niyang igalaw ang katawan ay hindi niya iyon magawa. Pakiramdam niya ay nakalutang siya sa alapaap pero may malay na ang kanyang diwa. Iyon nga lang, hindi rin niya magawang imulat ang mga mata. Ilang ulit pa niyang sinubukan hanggang sa magawa na niyang imulat ang mga mata. “N-Nasaan ako?” anas niya. Hinang-hinang sinikap niyang igala ang paningin sa paligid. Kulay puti ang lahat na makikita niya maliban sa kulay rosas na kurtina. Malamig din ang buong paligid at bukas din ang ilaw na nasa kisame. Nanghihinang naipikit niya ulit ang mga mata. Hindi pamilyar sa kanya ang kinaroroonan niya at pakiramdam niya, blangko ang utak niya. Napasinghap siya. Nasaan ba siya? Sinubukan niyang bumangon, ngunit biglang sumalakay ang pagkahilo niya kaya napahiga siya ulit sa kama. Naiiyak na sinapo niya ang kanyang noo at naramdaman kaagad niya na may bendahe siya roon. Ano ba ang nangyari sa kanya? Bakit may sugat siya sa kanyang noo? Nang mapatingin siya sa kamay niya na may suwero ay saka lang niya napagtantong nasa isang ospital siya. Kaagad siyang nag-angat ng tingin sa may pinto nang bumukas iyon at pumasok doon ang isang babaeng nakasuot ng puro puting damit. Isang nurse. Kung gano’n nandito nga siya sa ospital. Nagulat pa ito nang mag-angat ito ng tingin sa kanya at nakita nitong nakatingin siya rito. Pero agad din naman itong ngumiti sa kanya. Napalunok siya. Pakiramdam niya ilang buwan ng hindi nasasayaran ng tubig ang lalamunan niya sa sobrang panunuyo n'yon. “You’re awake, Miss. Wait, I’ll call Dra. Delgado,” sabi ng nurse at pumihit para bumalik sa paglabas. Napapikit siya at pilit hinahalungkat ng utak niya kung ano ang nangyari at bakit nagising siya rito sa ospital na nag-iisa at blangko ang pag-iisip. Pero kahit na ano ay wala talaga siyang maaalala. Ano ba talaga ang nangyayari sa kanya? Ilang saglit lang ay bumukas ulit ang pinto ng silid at pumasok doon ang nurse na pumasok dito kanina at may kasama na itong isang may edad ng babae na nakasuot ng puting lab gown. Siguro ito na ang Dra. Delgado na sinasabi nito sa kaniya kanina. Ngumiti pa ang babaeng doctor pero seryoso lang siya habang pinagmamasdan ang mga itong papalapit sa kama kung saan siya nakahiga at kaagad siya nitong sinuri. “Thank God, and you survived!” Nakangiti pa ring wika ng doktora sa kanya, gano’n din ang nurse na nasa tabi niya at patuloy pa ring kinukuhanan siya ng blood pressure. Nakakunot lang ang kanyang noo. Hindi kasi niya alam kung ano ang dapat isasagot dito kahit hindi naman iyon tanong. Wala rin na kahit na anong magandang salita ang pumapasok sa kanyang utak. “Her BP is normal, Doc.” Narinig niyang sabi ng nurse. Ngumiti naman ang doctor at tumango-tango. Nakatingin lang siya sa dalawa. Pilit pinoproseso ng utak niya kung ano ba ang nangyari at bakit nandito siya sa lugar na ‘to. Pero kagaya kanina ay blangko pa rin ang isip niya. “That’s good to hear,” sabi ng doctor sa nurse, pagkuwan ay tiningnan siya ng maigi. “May itatanong ako sa’yo Miss, anong pangalan mo?” Doon na siya natigilan. Parang mas lalong na-blangko ang utak niya. Sino nga ba siya? Sinubukan niyang ibuka ang bibig baka may lumabas na salita roon pero wala talaga siyang maisip kaya itinikom na lang niya ang bibig. Bakit hindi niya alam ang pangalan niya? Sinubukan niyang mag-isip ng iba pero wala siyang maisip kung sino siya at kung saan siya nagmula. “H-Hindi k-ko alam…” nanginginig ang kanyang mga labing sabi niya sa babaeng doctor. Naiiyak din siya. Bakit wala siyang matandaan? Nakita naman niyang natigilan ang doctor at tumingin ito sa nurse na nakatayo pa rin sa tabi. Nagkatinginan ang dalawa na tila iisa ang iniisip ng mga ito. Pagkuwan ay tumingin ang mga ito sa kanya. Nakita niya sa mga mata ng doctor ang awa at pag-aalala. “Uh, wala ka bang ibang natatandaan? Ang ibig kong sabihin, baka---” natigil ang doctor sa pagsasalita nang bayolente siyang umiling-iling. Sunud-sunod na ring tumulo ang mga luha niya. “Ahh!!!” sigaw niya habang sapo-sapo ang kanyang ulo nang bigla iyong sumakit ng matindi. Pakiramdam niya mabibiyak ang ulo niya sa sobrang sakit. Kaagad naman siyang dinaluhan ng mga ito. “Nurse Nathalie, call Dra. Santiago. Tell her to prepare the X-ray room. Our patient needs to undergo an MRI test.” Narinig niyang sunud-sunod na utos ni Dra. Delgado sa kasamang nurse. “Yes, Doc.” Huling narinig niya bago siya nawalan ng malay. NAGISING si Aloha dahil sa malakas na buhos ng ulan. May kasama din iyong kulog kaya mas lalo niyang hinigpitan ang pagkakahawak sa kumot niya at itinaas iyon hanggang sa leeg niya. Nang mapatingin siya sa wall clock na nakasabit sa dingding malapit sa paanan ng kanyang kama ay pasado alas tres na ng hapon pero nang tumingin siya sa labas ng bintana ay sobrang dilim na ng paligid. Kagaya nang nararamdaman niya. Madilim at hindi niya alam kung saan siya magsisimula. Nang magising siya kahapon ay hindi na masakit ang kanyang ulo pero gano’n pa rin ang utak niya, kahit anong isip niya kung sino siya at saan siya nakatira ay wala pa rin siyang maaalala. Ang sabi pa ni nurse Nathalie ay dalawang buwan din siyang comatose. Sa unang paggising niya ay naghe-hysterical siya kaya kinakailangan niyang inject-an ng pampatulog at tatlong araw din ang lumipas bago siya nagising ulit. Pero paggising niya ay sumakit na naman ng matindi ang ulo niya at nawalan pa ng malay. Pero sana tuluyan na lang siyang namatay kaysa ganito na para siyang bata na nawawala. Hindi alam kung saan uuwi o may mauuwian pa ba siya. Her brain was totally in a clean slate. Dahan-dahan niyang ibinaba ang kumot na nakabalot sa kanyang katawan, pagkuwa’y bumangon siya at naupo para pagmasdan ang bawat pagpatak ng ulan sa labas ng bintana ng silid na kinaroroonan niya. Ang sabi ni Dra. Delgado ay may amnesia siya. She completely forgot everything, from her childhood to her recent activities before her accident. Sabi pa nga nito, na masuwerte pa rin siya at nabuhay siya dahil maliban sa pagkawala ng kanyang memorya ay wala na siyang ibang natamong pinsala sa katawan niya. Pero masuwerte nga ba talaga siya?

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
69.3K
bc

His Obsession

read
75.2K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
100.6K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
160.4K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
20.3K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook