ISANG buwan ng nakahiga si Cassandra sa malambot na kamang kinahihigaan niya rito sa loob ng hospital. Tila paralisado siya na pinagsisilbihan ng mga nurse. Lalong-lalo na si Nurse Nathalie, na naging kaibigan na rin niya.
Nathalie was spoiling her. Ewan niya ba kung bakit. Minsan nagtataka na siya pero ipinagsawalang bahala na lang niya dahil likas na matulungin talaga ito, ayon na rin sa mga kasamahan nitong nurse dito sa hospital.
Kapag day-off kasi ni Nurse Nath ay iba ang nurse na papasok dito sa silid niya para i-monitor ang mga vital signs niya at magpapa-inom na rin ng gamot sa kaniya. At bawat nurse na papasok sa silid niya ay kinakausap niya at tinatanong kung talaga bang mabait si Nurse Nathalie.
“You’re spacing out again.”
Napaayos siya sa pagkakaupo nang marinig niya si Nurse Nathalie. Nang tingnan niya ito, agad siyang sinalubong ng ngiti nito, ngunit bakas sa mga mata nito ang pag-aalala.
May iba pang emosyon na aninag niya sa mga mata nito, ngunit hindi niya matiyak kung ano. Parang galit... pero bakit naman ito magagalit?
Matamlay man pero ngumiti rin siya rito pabalik.
“Hi, Nath.” sabi lang niya, at muling ibinalik ang tingin sa labas ng bintana.
Isang linggo pa lang mula nang magising siya ay naging kaibigan na niya ito. Maganda si nurse Nath, matangkad at makinis ang balat. Halatang hindi nakakaranas ng hirap sa buhay. Mabait din ito kaya madali niya itong nakakasundo at naging kaibigan.
"Hindi ka pa ba nagsasawang titigan ang bintana nitong silid mo?" nagbibirong tanong nito.
Napailing na lang siya at ibinalik niya ang mga mata rito.
Nakatayo na ito sa gilid malapit sa ulunan ng kama at hinahanda ang gamit para kuhanan siya ng blood pressure. Kung alam lang sana niya kung sino siya at saan siya uuwi ay makakalabas na sana siya rito.
Hinawakan nito ang kanang braso niya at binalot no'ng cuff. Pinanonood lang niya ang ginagawa nito.
“Nath, puwede mo ba akong tulungan.” aniya, matapos nitong kuhanan siya ng blood pressure.
Ipinatong din niya ang kanyang baba sa pinagdikit niyang mga tuhod.
Tiningnan siya nito at tinaasan pa ng isang kilay.
“What? Ang hanapin ko na naman ang asawa mo?” tanong nito.
Ibinalik na rin nito ang atensyon sa gnawa nitong pagliligpit sa Sphygmomanometer na ginamit nito.
Ilang ulit na kasi niya iyong hiniling sa babae. Pero sabi nito, mahirap hanapin ang taong iyon kung hindi niya mabibigay ang kumpletong pangalan nito. At tama naman ito.
“B-Bakit kasi wala akong matatandaan,” garalgal ang boses na sabi niya.
Narinig naman niya itong bumuntonghininga at naupo ito sa tabi niya. Naramdaman naman niya ang pagyakap nito sa kanya.
“H’wag mo munang pilitin ang sarili mo, Cassie. Your memory will be back soon, 'kay? H’wag ka lang mawalan ng pag-asa.”
Kumalas ito mula sa pagkakayakap sa kanya. Binuksan nito ang medicine kit at pinagtutuunan naman ng pansin nito ang sugat sa kanyang noo.
“Pagaling na ang sugat sa noo mo. Lalagyan lang natin ito ng ointment para mawala ang peklat.”
“B-Baka may naghahanap na sa akin.” Umaasang sabi pa niya.
Nakita naman niyang napatigil ito sa ginagawa.
“Actually..." bumuntonghininga ito. "Meron.”
Kaagad siyang napasinghap. Bigla ay nakaramdam siya ng pag-asa sa sinabi nito. Pero agad din na bumagsak ang balikat niya at nawala ang pag-asang iyon sa sumunod na sinabi nito.
“Pero wala siyang katunayan na kamag-anak ka niya.”
“Ha? Seryoso ka ba, Nath? Baka kamag-anak ko nga siya at matagal na niya akong hinahanap. Babae ba o lalaki?”
“Lalaki. But he can’t be trusted. Kahina-hinala kasi ang mga kilos niya at ang mga salita niyang binibitawan nang kausapin namin siya, kaya hindi sinabi ni Dra. Delgado na nandito ka sa hospital namin.”
Her forehead creased and her lips puckered. Kahina-hinala? Pero bakit? Hindi naman siguro siya anak ng isang presidente o nang mga kilalang tao rito sa Pilipinas para magkaroon ng mga ganoong treat sa buhay.
“Nath, baka siya na ang asawa ko.”
Marahas naman itong bumuntonghininga at umiling.
“He’s not, Cassandra. I assure you on that.” sabi nito bago tumayo at niligpit ang medicine kit.
Mariing napapikit na lang siya at bumalik sa paghiga. Isa pa sa dumagdag sa mga iniisip niya ay ang pangalang ibinigay nito sa kanya.
Pakiramdam niya ay nararapat talaga ang pangalang iyon sa kanya, na iyon talaga ang pangalang ibinigay sa kanya ng mga magulang niya.
Malalim na buntonghininga lang ulit si Nathalie.
“We’re doing this to protect you. You’re not in your right state, Cassie, kaya sana maintindihan mo kami.”
Nanatili lang siyang walang imik.
"Lalabas na ako. Babalikan na lang kita mamaya." malumanay na paalam nito.
Ilang saglit pa ay narinig niya ang pagbukas at pagsara ng pinto.
Napahikbi na lang siya. Baka hindi siya naging mabuting anak at asawa kaya nangyari ito sa kanya. Napatingin na naman siya sa mga kamay niya particularly sa daliri niya kung saan ang wedding ring niya.
It’s an infinite gold wedding ring.
Napansin din niyang magaspang ang mga kamay niya. Tila sagad siya sa trabaho dahil halos mapudpod ang mga kuko niya. Ilang beses na nga niyang naitanong sa sarili, kung ano nga bang klaseng buhay meron siya? Bakit ganito kapangit ang mga kamay niya na tila isa siyang serbedora o labandera?
Baka mahirap lang siya at gano’n din ang napapangasawa niya. At kahit maganda siya ayon sa puri ni Dra. Delgado at nurse Nathalie ay hinahayaan siyang magtrabaho ng asawa niya.
Ano’ng klaseng asawa ba ang meron siya, kung ganoon? Minasdan niya ng mabuti ang suot na singsing sa may palasingsingan niya. Makintab at halatang mamahalin, ayon na rin kay nurse Nathalie ay mahal talaga ang ganitong klaseng singsing. Kung mahirap lang ang asawa niya, paano na-afford nito ang ganito kamahal na singsing?
Ang kasal pala nila. Bakit hindi rin niya maaalala kung ito ba ay simple o engrande? Kung sa hotel ba, sa bahay o kung saan lang? Bakit ang laging pumapasok lang sa isip niya ay matangkad, matipuno ang katawan at sobrang guwapo ang lalaking pinakasalan niya at maliban doon ay wala na?
ISANG panibagong umaga na naman ang nagisnan niya. Nang mapatingin siya sa labas ng bintana ay may araw na, hindi kagaya kahapon na alas tres pa lang ng hapon ay parang gabi na sa sobrang dilim.
“Good morning.” Kaagad umaliwalas ang mukha niya nang makita niya si Doktora Delgado.
“Magandang umaga rin sayo, Doktora.” Bati niya pabalik dito.
“May good news akong ibabalita sa ’yo.” Nakangiti pa ring sabi ni Dra. Delgado na ikinasinghap niya.
Tila nabuhay ang matamlay niyang umaga sa sinabi nitong good news. May mga kamag-anak na ba siyang narito at kukunin na siya? O di kaya narito na ang asawa niya at iuuwi na siya nito sa bahay nila?
“Talaga po?” tuwang-tuwa at puno ng pag-asang sabi niya.
“Yes. Some politicians donated a hundred million in this hospital." sabi nito sa kaniya. "Para raw iyon sa mga pasyenteng walang pambayad at isa ka sa mga pasyenteng naka-avail, Cassie.”
Napapikit siya ng mariin. Akala niya may mga kamag-anak o nandito na ang asawa niya at kukunin na siya. Gumuho tuloy ang pag-asa niya.
“Alam kong disappointed ka. Pero ‘wag ka munang malungkot, nurse Nathalie wants to help you too.”
Nang idinilat niya ang mga mata ay hindi niya napigilang pangiliran ng luha ang mga mata at tumango na lang. Nahihiya siya sa naging reaksyon niya kanina.
“Sorry po, Doktora. Hindi ko lang maiwasang ma-disappoint dahil akala ko may nagki-claim na sa ’kin.” Naiiyak niyang sumbong sa babaeng doctor. Kaagad naman itong naupo sa tabi niya.
“Alam mo hija, unang kita ko pa lang sa ’yo ay magaan na ang loob ko sa ’yo. Kung may magagawa lang ako—”
Agad naman siyang umiling na ikinatigil nito sa pagsasalita.
“Sobra-sobra na nga po ang naitulong niyo sa akin, Dra. Delgado at sobrang nagpapasalamat po ako sa inyo. Doktora, hindi kaya wala na akong asawa at kaya wala akong maalala tungkol sa asawa ko dahil patay na siya?”
“Ha?” Nabiglang sabi ni Doktora. Pagkuwa’y nangunot ang noo nito.
“Posible po iyon, hindi ba?”
“W-Well, hindi ko masagot ang bagay na iyan, pero kung totoo nga iyan—” Natigil ang Doktora na tila may iniisip. Pagkuwan ay napabuntonghininga. “Kaunting pasensiya pa, Cassie, at kaunting panahon pa. Ang isipin mong lagi ay masuwerte ka pa rin dahil kahit tumama ka sa semento ay nakaligtas ka pa rin at hindi na namin kailangan pang operahan sa ulo—"
Natigil ulit sa pagsasalita si Dra. Delgado nang may ingay silang naririnig mula sa labas ng kanyang silid.
Sabay naman silang napalingon ni Dra. Delgado sa may pinto.
“Nasaan na ang babaeng iyon? Kriminal siya at hindi siya nararapat na nandito lang. Ipakukulong ko ang kriminal na babaeng iyon.” Narinig niyang sabi ng babae. Galit na galit ang boses nito. Nagkatinginan sila ni Dra. Delgado at bakas sa mukha nito ang pagkabahala.
Tila may kumudlit din na sakit sa kanyang dibdib. Pakiramdam niya ay siya ang babaeng tinutukoy ng boses na iyon.
“Wait me here,” sabi ni Dra. Delgado sa kaniya. Napakurap-kurap pa siya at tila natauhan sa mga iniisip niya. “Lalabas na muna ako. H’wag kang mag-alala ila-lock ko ang pinto at kahit na anong mangyari ay ‘wag kang lalabas o magbukas ng pinto kung may kumakatok, okay?”
Namumutla ang hitsurang bilin sa kanya ng doktora. At bago pa man siya nakasagot ay mabilis na itong naglakad at lumabas ng kanyang silid.
“Pinatay niya ang anak ko. I’ll sue this hospital, kung mapapatunayan kong nandito ang babaeng iyon at tinatago niyo lang!”
Patuloy na pagsisigaw ng babae sa labas. Mas lumakas pa ang boses nito sa pandinig niya dahil sa pagbukas ni Dra. Delgado ng pinto. Pero muli ring humina nang maisara na nito.
Kumalabog ng malakas ang kanyang dibdib. Ano ba ang nangyayari? Pero ilang sandali lang na makalabas si Dra. Delgado ay bumukas na naman ulit ang pinto ng kanyang silid at pumasok doon ang namumutlang si nurse Nathalie.
"Nath, ano ang nangyayari? Sino iyong babaeng nagisigaw sa labas?" Sunud-sunod na tanong niya.
“Kailangan mo ng umalis dito, Cassie." sagot ni Nathalie, ang boses nito’y puno ng takot at pagmamadali.
“Bakit? Ano ba ang nangyayari?” naguguluhang tanong niya ulit. Mas lalo rin siyang kinakabahan.
“Mamaya ka na magtanong at sasabihin ko sa ’yo ang lahat. Sa ngayon kailangan na muna nating makaalis dito.” sabi nito habang pabara-barang isinilid ang mga gamit niya sa malaking bag.
Nakatanga lang siya sa babae. At matapos nitong maisilid lahat ng gamit niya ay kaagad din siya nitong tinulungang makapagbihis. Pinasuot din siya nito ng jacket na may hoodie at facemask. Mas lalong kumalabog sa kaba ang dibdib niya nang makalabas sila ng kanyang silid.
Hinawakan nito ang kamay niya at mabilis ang mga hakabang na binybay nil ng hallway. May iilan ding mga taong nakakasalubong nila sa hallway. May mga nurse din na nakasasalubong nila at bumabati kay nurse Nathalie na tinatangun lang nito.
“Y-Yumuko ka,” bulong nito ng may tatlong lalaki silang makakasalubong.
Lahat ng mga ito ay nakasuot ng itim at naka-face mask. Tila mga bodyguard sa isang action movie. Kaagad naman siyang tumalima at yumuko.
Kinabahan pa siya nang mapatapat na sa kanila ang tatlong lalaki at bahagya pa silang tiningnan pero pagkuwan ay agad din namang nagpatuloy sa paglalakad.
“Damn it! They are here already. Kailangan mo nang makalayo rito as soon as possible.” sabi nito sa kanya at mas binilisan pa ang paglalakad.
Ano ba talaga ang nangyayari? Gusto niyang magtanong pero pinili niyang itikom na lang muna ang bibig at tahimik na lang na sumunod dito.
Mas lalo siyang kinabahan nang hindi sila sa entrance ng ospital dumaan kundi lumiko sila papuntang fire exit. Nababahala siya baka may makakita sa kanila na guwardiya at sisitahin sila kung bakit dito sila sa fire exit dumaan.
Pigil ang hiningang nakayuko lang siya hanggang sa tuluyan na silang nakalabas ng ospital. Dumeretso sila sa may back gate. May guwardiya roon pero mukhang kasabwat din yata ito ni nurse Nathalie dahil hindi na sila nito tinanong at walang imik na pinagbuksan lang sila ng gate at pinalabas.