Chapter 3

2217 Words
“Thank you, Atty. Del Fierro,” Maluha-luhang sabi ng ina ng client ni Attorney Damon Phoenix Del Fierro, matapos niyang maipanalo ang kasong murder laban sa anak nitong si Giuseppe Rossi, isang sikat na car racer dito sa buong Italya. Inakusahan ang binata na pinatay nito si Vicente Columbo, isang Italian Japanese citizen na magaling din na car racer at kalaban nito sa racetrack. The man was murdered the day before the car racing championship happened. Nasa isang elite bar kasi ang biktima, and because of his arrogance, he wants to celebrate the victory even before the championship match is over. At nagkataon na nandoon si Giuseppe kasama ang teammates nito para mag-relax. Nagkaroon ng iringan ang dalawa at dahil sa kalasingan ay malakas na ang loob na nagyayabang ang biktima. Umalis naman kaagad si Giuseppe at hindi na pinatulan pa ang kalaban nito. Pero gano’n na lang ang pagkagimbal ng lahat nang natagpuan ang biktima sa loob ng hotel suite nito kinabukasan na wala ng buhay. “Grazie, Attorney Del Fierro,” Giuseppe said, and extended his right hand for a handshake. Gano'n din ang ama nito na panay din ang pasasalamat sa kaniya. “Prego,” he replied. Tinanggap niya ang kamay nito at nakipagkamay. Ilang pagbati pa ang natatanggap niya bago siya nagpasyang lumabas ng court room. Agad din siyang pinalibutan ng kanyang mga bodyguard nang harangan siya ng mga taga-media na gustong ma-interview siya. Damn it! Isa ito sa hindi niya gusto, ang makipag-usap sa mga taga-media. Wala siyang panahon na maki-tsismis kaya nanatiling tahimik lang siya at walang emosyon ang mukhang mabilis na naglakad papunta sa nakaabang na niyang sasakyan sa labas ng hukuman. Panay naman ang hawi ng mga bodyguard niya sa mga ito. Nakita pa niyang tumulong na rin ang mga staff ng hukuman, h’wag lang makalapit ang mga ito sa kanya. For almost 4 years of being a famous and most in demand attorney in whole Italy, ganito palagi ang sasalubong sa kaniya kapag nanalo na naman siya sa kasong hinahawakan niya. “Attorney Del Fierro, how did you manage to prove to everyone that it wasn't Mr. Giuseppe Rossi who killed, Mr. Vicente Colombo?” Narinig pa niyang tanong ng isa sa mga reporter na humarang sa kanya bago pa man siya nakapasok ng tuluyan sa loob kanyang sasakyan. Pero sa lahat ng kasong hinahawakan niya, ito ang pinakamahirap dahil ang daming anggulo ng kaso. Yes, he won the case, at absuwelto na ang kliyente niya, pero hindi ibig sabahin niyon na tapos na ang kaso dahil hindi pa naman natukoy kung sino ang taong totoong pumatay sa biktima. Pero hindi na niya iyon problema pa. Patuloy pa rin ang paglilitis pero hindi na siya kasali pa. Pero may panibago na naman siyang kasong kahaharapin sa mga susunod na buwan. “F*cking journalist,” he cursed, annoyingly. Nakita niya ang pagngiwi ng kanyang driver. Relihiyoso ito at ayaw nitong nakaririnig ng kahit na anong mura. That’s why as much as possible ay pinipigilan niyang magmura kapag kasama niya ang driver niya. But this time ay hindi na niya napigilan. “But allow me to congratulate you, Sigñore.” His driver said. His lips twisted. "Grazie," tugon niya. Matapos siya nitong maihatid sa kanyang penthouse ay umalis na rin ito. Nagbilin lang siya rito na sunduin siya ng maaga kinabukasan. Maaga pa lang ay nakatanggap na siya ng tawag mula sa pinsan niyang si Liam. "Nasa akin na ang resulta ng taong pinapaimbistigahan mo." bungad na sabi sa kaniya ni Liam. Kumuyom ang mga kamao niya at tumalim ang kaniyang mga mata. "Let's meet in my office," aniya, at ibinaba agad ang tawag. Pagdating niya sa firm ay agad siyang nakatanggap ng pagbati mula sa kaniyang mga empleyado. Puro tango lang ang isinukli niya sa mga ito at deretso lang na naglalakad kung saan ang kaniyang private elevator. Nang makarating siya sa ikaanim na palapag sa pag-aari niyang building kung saan naroon ang opisina niya ay agad naman siyang sinalubong ni Veto, his efficient 30-year-old secretary. “Buongiorno, Atty. Del Fierro.” bati nito sa kaniya. “Mr. Davis is inside your office, Sigñore.” Tumango lang siya at tumuloy na sa kaniyang opisina. Veto already knows what to do when he arrives. Kaya hindi na niya kailangan pang manduhan ito sa mga gagawin. Pagkapasok niya sa kaniyang opisina ay agad niyang nakita ang pinsan na prenteng nakaupo sa malaking couch doon. Umiinom ito ng kape habang ang mga mata ay nasa hawak nitong Newspaper. Agad din itong nag-angat ng tingin sa kaniya at ibinaba ang hawak na Newspaper. “Good thing you’re here.” Malaki ang ngising nakapaskil sa mga labi nito. Attorney Liam Davis is his cousin from his father side. Anak ito ni Tita Safina, ang nakababatang kapatid na babae ng kaniyang ama. Isa rin ito sa itinuturing niyang matalik na kaibigan. Nang magtapos siya ng Senior High School sa Pilipinas ay agad siyang kinuha ng kaniyang amang si Luigi Del Fierro para dito sa bansang Italy na niya itutuloy ang pag-aaral sa kolehiyo. Hindi rin naging madali ang naging buhay niya rito dahil sa isa lang siyang bastardo ng kanyang ama at hindi siya tanggap ng buong angkan ng mga Del Fierro maliban kina Liam at Tita Safina, na tinanggap agad siya at itinuring na pamilya. Ngunit hindi pa man siya nakapagtapos sa kurso niyang Law ay namatay ang ama niya kaya mas lalong hindi naging madali ang buhay niya. Kahit napakayaman ng kaniyang ama sa buong Italya pero tanging 500-thousand-euro lang ang nakuha niya bilang mana niya rito at ten percent share ng Del Fierro Empire dahil ayaw ng asawa at mga anak nito na kasali siya sa tagapagmana sa mga ari-arian ng kanyang ama. Malugod naman niya iyong tinanggap at ginawang puhunan para maipatayo niya ang kanyang Law Firm. He also graduated in the Prestige Law School in Italy with a High Latin Honor. “What?” tanong niya, nang hindi pa rin siya nito tinantanan ng tingin. Nakangising iniharap nito sa kaniya ang hawak pa rin nitong Newspaper. Agad namang natuon ang paningin niya roon. Napangiwi siya nang makita niya ang malaking litrato niya kahapon sa loob ng trial court na nasa front-page ng Newspaper. “Attorney Damon Phoenix Del Fierro won against the controversial murder case of Giuseppe Rossi, the car racer seventh World Championship in the 2020 season.” Liam read the headlines. He shook his head and chuckled. He leaned in his desk and fold his arms above his chest as he crosses his legs. “Congrats, dude. You won the case again. You knocked Atty. De Lucca’s ass inside the court, eh?” puno ng pagmamalaki ang boses nitong sabi. He just chuckled again and tilted his head. Ang Atty. De Lucca na tinutukoy nito ay ang abogado ng kalaban ng kliyente niya. Mayabang din kasi ang isang iyon at ilang ulit din siya nitong nilapitan para pagbantaan na umatras na dahil matatalo lang siya at dudungisan niya lang daw ang reputasyon niya na hindi pa kailanman natatalo sa mga kasong hinahawakan niya. “Thanks, dude.” Bagaman nakangisi ay sinsero namang pagpapasalamat niya. “Anyway, where is it?” he asked about the files. Umayos na rin siya sa pagkakatayo. Ayaw na niyang balikan kung gaano kagulo ang nangyari sa court room kahapon. “Oh! You don’t want to celebrate first, before you face the next case?” Liam asked with a mischievous grin that plastered on his face. Pero seryoso lang niya itong inilingan kaya agad din itong nagseryoso. Alam din naman nito kung bakit ayaw na niyang magpahinga at kailangan na niyang asikasuhin ang susunod niyang kasong hahawakan. At isa pa, hindi naman talaga siya nagse-celebrate. In those twelve cases he handled and won, he hadn’t celebrated it once. Why celebrating when it was not happy at all? He heard Liam tsked. Lumapit na rin siya rito at naupo sa tabi nito. Kinuha nito ang folder na nasa center table sa harap nito at ibinigay sa kanya. Hindi na siya nag-aksaya pa ng oras at kaagad ding tiningnan ang mga files na naroon. “I can’t believe this!” Hindi makapaniwalang sabi niya, habang tinitingnan niya isa-isa ang files na nasa harapan niya. His eyes were serious as he looked at the papers. Hindi talaga siya natutuwa sa mga nalaman niya. How on earth his stepbrother, Xavier, married to a gold digger woman? At lahat ng mga ari-arian ng kapatid niya ay nakapangalan na ng lahat sa asawa nito. “Believe me, ako rin,” sabi naman ni Liam. Liam is a corporate lawyer and one of the legal team in Del Fierro Empire. Nagmamay-ari rin ito ng isang malaki at sikat na detective agency dito sa Italy. Kaya kapag may gusto siyang paiimbistigahan ay dito siya lalapit. At nito lang nakaraang buwan ay ibinalita ng kanyang ina ang pagkamatay ng kanyang kinakapatid na si Xavier Lim. Umiiyak ito at sinabing pinatay ang lalaki ng sariling asawa nito. Nabalitaan din naman niya iyon kinabukasan sa CNN news. Napaka-brutal ng pagkamatay ni Xavier at tumakas pa ang asawa nito, na siyang suspek sa pagkamatay ng stepbrother niya. Agad siyang nagpa-imbestiga at ngayon nga ay hawak na niya ang resulta. But still, kinakailangan pa rin niyang mangalap ng karagdagang ebidensya dahil alam niyang may kulang pa sa impormasyong nakuha ng private investigator ng pinsan niya. Tatlong magkasunod na katok sa pinto ng kanyang opisina ang nagpa-angat ng tingin niya mula sa binabasa niyang files. Si Liam ay hindi man lang natinag at tuloy-tuloy lang sa pagbabasa ng files. “What?” aniya sa kaniyang secretary, nang sumungaw ang ulo nito sa bahagyang nakabukas na pinto. “Attorney, a certain Mrs. Amanda Lim wants to connect with you,” Veto said. He sighed heavily, then nodded his head at his secretary. “Okay, transfer her to me.” “Copy, Attorney,” Veto replied, then his head disappear at his office door. Hindi nagtagal ay agad namang tumunog ang intercom na nasa ibabaw ng kaniyang executive desk. Napatayo siya at agad na lumapit doon at dinampot ang intercom. “Mom,” aniya. “Are you that busy not to answer my call, Phoenix?” galit na bungad kaagad nito sa kaniya. Napatingala siya at napahilot sa kaniyang noo. Pinigilan niyang hindi makapagsalita ng hindi maganda rito. He sighed again to calm himself. Nakita naman niya ang pag-ngiwi ng pinsan niya. Tila umabot sa pandinig nito ang matinis na boses ng ina sa sobrang galit sa kaniya. Ilang araw na rin kasi niyang kinakansela ang mga tawag nito dahil sa kasong hinahawakan niya at ilang araw na rin na wala siyang matinong tulog dahil sa kasong kahapon lang ay naipanalo niya. He turned his back on his cousin and focused his eyes outside the glass wall in his office. “I told you, Mom, the last time we talk that I need to focus—” “Focus on what?” putol nito sa kanya na ikinatahimik naman niya. “Sa ibang tao? Niresolba mo ang kaso ng ibang tao pero ang pagkamatay ni Xavier, ang kawawa mong kinakapatid ay wala ka man lang ginawang aksyon.” Nagsimula na namang gumaralgal ang boses nito. Naiiyak na naman ito. He clenched his fist. Yeah, she was right. Pero kasalanan ba niya kung may naunang kaso na kinakailangan din niyang resolbahin bago pa man nangyari iyon sa kinakapatid niya? He wanted to go home and lock that criminal in jail, but he really needed to deal with the first case he handled. He took a deep breathe to hold his temper. Ayaw niyang makapagbitiw siya ng salita sa ina na pagsisihan din niya sa huli. “I’m sorry, son. I—I was just desperate na mabigyan ng hustisya si Xavier, na walang awang pinatay ng asawa niya.” Agad nitong bawi sa nasabi, nang hindi na siya nagsalita pa. Narinig din niya ang paghagulgol nito sa kabilang linya. Mariin na lang niyang naipikit ang mga mata. “Please, come home, Phoenix. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Ang sabi ng mga private investigator ng Daddy Ric mo ay naaksidente ang criminal na babaeng iyon. Pinuntahan naman namin agad iyong ospital na itinuro ng imbestigador kung nasaan naka-confine ang criminal na babaeng iyon pero mukhang itinatago siya ng mga staff ng hospital at ayaw sabihin na nandoon nga ang hinahanap namin.” Mas lalong kumunot ang noo niya. Naaksidente ang babae? So, he was right. May kulang pa sa mga impormasyon na nakalap ng PI ni Liam. “Expect me in two days, I will be there, Mommy,” sabi na lang niya at kaagad ng nagpaalam sa ina. Ayaw niyang humaba pa ang pag-uusap nila tungkol sa kaso ng kanyang kinakapatid. Ayaw rin na muna niyang ipaalam dito ang ginawa ni Xavier at baka mas lalo lang itong ma-stress. “Dude, look at this.” Agad siyang napatingin kay Liam nang magsalita ito. His face was serious while looking at the paper he was holding. Kunot ang noong agad naman siyang lumapit sa couch kung saan ito nakaupo at tiningnan ang sinasabi nito. “What is it?” “Just take a look of this marriage certificate,” sabi nito na kaagad naman niyang ginawa. What the f**k!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD