“Che cazzo?!” Phoenix cursed, loudly. “What the hell is going on?”
Nagkatinginan sila ni Liam. Tila iisa ang nasa isip nilang dalawa. Pero agad din niyang ipinilig ang ulo.
No, Xavier is not like that. Hindi man sila magkadugo na dalawa pero nakasama niya si Xavier noong nasa poder pa siya ng Mommy Amanda at Tito Ric niya.
Anak si Xavier ni Tito Ric sa unang asawa nito. Pitong taon noon si Xavier at siya naman ay siyam na taon nang magpakasal ang Daddy nito at ang Mommy niya.
Napailing siya.
“No. That’s impossible. Xavier isn’t—double check this Liam,” aniya sa pinsan.
Hindi niya kayang banggitin o ang isipin man lang na nagpakasal si Xavier sa isang lalaki.
That’s absurd!
Pero bakit James Fernando ang nakasulat na spouse ni Xavier? Bakit hindi Aloha Cassandra Sandoval?
“Wait, bro. Hindi kaya isang transgender ang pinakasalan ng kapatid mo?” ani Liam, makalipas ang isang minutong pananahimik nito.
Kumunot ang noo niya at napaisip sa sinabi ng pinsan.
Yeah, what if that Aloha Cassandra is a transgender woman?
“Hindi iyon imposible, dude. Kaya ang nakalagay na pangalan ng pinakasalan ng kapatid mo ay James Fernando dahil baka iyon talaga ang totoo niyang pangalan at screen name lang niya iyang Aloha Cassandra Sandoval."
Tumatango-tangong sumang-ayon siya sa naging theory ni Liam tungkol sa marriage certificate na nakuha ng imbestigador nito sa Philippines Statistics Authority's office.
Kahit magbago ang hitsura ng tao ay hindi naman talaga magbabago ang pangalang ibinigay ng mga magulang nito unless kung pati iyon ay ipapabago rin ng may-ari. Pero mahabang proseso iyon at napaka-costly pa.
“Posible,” aniya. “But we can’t make any assumptions here. Assumptions can’t be evidence. The court will not accept it.”
Napatango naman ito. “Yeah, you're right.”
“We need to investigate this further. Mahirap ng magkamali tayo, Liam.” sabi niya pagdaan ng ilang minutong katahimikan.
“And Liam, did your investigators know that the woman got an accident?” he asked, when he remembered what his mother told him a while ago.
Liam frowned.
“My PI never mentioned about the accident. At wala ring naka-indicate dito na naaksidente ang asawa ng kinakapatid mo.” Liam said and shook his head. “Anyway, I’ll be the one to investigate this further.”
“Thanks, dude.” sabi niya at tumingin sa kaniyang wristwatch.
Nang makitang malapit ng mag-alas diyes ng umaga ay agad niyang kinuha ang lahat ng mga files na nakakalat sa mesa at isinilid pabalik sa envelope niyon.
“Why? You have another appointment?” tanong ni Liam.
Pero hindi pa man siya nakakasagot nang sabay silang napatingin sa may pinto nang may kumatok doon. Ilang sandali lang ay bahagyang umawang ang pinto at sumungaw na naman doon ang ulo ng kaniyang secretary.
“Sir, I just remind you that you have a meeting at 10 a.m. in Del Fierro Empire.” Veto said.
Napabuntonghininga siya at tumango.
Nang balingan niya ng tingin ang pinsan ay nakakatitig na ito sa kanya at nakataas pa ang isang kilay nito.
“What?” he asked.
“Are you sure? You want to attend the board meeting?” Liam asked.
There’s a mischief glint in his eyes.
“Yeah, Grandpa called me yesterday and he wanted me to be there.” Nakangiwing sabi niya.
“Oh, that’s good.” Liam exclaimed, grinning as if he won a lottery. “Kung alam ko lang na si Lolo lang pala ang makapagpapunta sa ’yo roon, ‘di sana matagal na akong nanikluhod kay Lolo para papuntahin ka roon.” sabi pa nito bago tumayo at inayos ang sarili.
“Oh, you would do that for me?” he teased.
Liam is a proud man. Kahit yata patayin pa ito, hindi talaga ito susuko o luluhod nino man.
Hindi na nga siya makapaghihintay kung kailan ito luluhod at magmamakaawa sa ibang tao.
“Of course,” Liam countered.
He smirrked, as if he will believe him.
“Pero dahil nagkusa ka na ay hindi ko na iyon gagawin.” Humalakhak ito, pagkuwan ay nauna ng lumabas ng opisina niya.
He lightly chuckled and shook his head, then he stood up. Kung hindi lang maganda ang trato ng matandang Del Fierro sa kaniya simula pa lang ay wala na talaga siyang balak na magpunta pa kahit saang premises ng mga Del Fierro.
Nag-convoy lang sila ni Liam papuntang Del Fierro Empire. Hindi siya puwedeng makisabay rito dahil hindi na ito babalik sa firm niya.
Pagkapasok nila ni Liam sa loob ng building ay ramdam na niya ang kakaibang tingin ng mga empleyado ng Del Fierro Empire.
Alam niyang nagtataka ang mga ito kung bakit siya narito. Kilala siya ng mga empleyado dahil naging controversial ang paglitaw niya noon bilang bastardo ni Luigi Del Fierro.
Tanda pa niya kung paano nagkagulo ang mga press noon para kuhanin ang statement niya nang lumitaw siya bilang bastardong anak ng namayapang si Atty. Luigi Del Fierro sa araw ng pagbabasa ng will na iniwan ng kaniyang ama sa kanila.
Gusto siyang ipakilala sa publiko ng kanyang ama pero mahigpit iyong tinutulan ng asawa at mga anak nito.
Sobrang nakakahiya raw iyon at kapag sumuway ang ama niya ay ipapa-deport siya sa Italy. Kaya walang nagawa ang kanyang ama at sumunod na lang sa gusto ng pamilya nito.
“Don’t mind them, dude,” walang emosyong sabi ni Liam at tuloy-tuloy lang ang paglalakad nito patungo sa private lift na intended for VIP’s.
Umiling lang siya at hindi na nagsalita pa.
Liam's personality was strict at matigas din ang kalooban nito kaya noong una nagtataka siya kung bakit natanggap kaagad siya nito bilang bastardong pinsan nito.
Hindi na rin niya inalam pa kung bakit natanggap kaagad siya. What for? Kung ramdam naman niya ang sincerity nito sa pagiging magkaibigan nilang dalawa.
Nang makarating sila sa palapag kung saan ang conference room ay dumeretso kaagad sila roon.
Pagkapasok pa lang niya sa loob ng conference room, ramdam kaagad niya ang matatalim na titig ng kanyang madrasta at mga kapatid sa ama. Lalo na ang mga kapatid ng kanyang ama.
Ika-apat sa magkakapatid na Del Fierro ang kanyang amang si Luigi Del Fierro. Ang kambal na sina Uncle Tres Del Fierro at Uncle Trev Del Fierro ang panganay, they’re fraternal twin, sumunod naman si Uncle Flavio, then si Tita Safina, ang bunso.
“Grazie per aver accettato il mio invito, nipote.” Ani ng Lolo niya, nang makita siya nito.
Malaki rin ang ngiting nakapaskil sa mga labi nito. Tila natutuwa talaga ito na narito siya at pinagbigyan niya ang kahilingan nito.
“You invited him, Dad?” He heard Uncle Trev asked.
Phoenix simply close his fists when his uncle Trev look at him with disgust on his face.
“That bastard son of Luigi, doesn’t belong in this family.” Uncle Flavio said angrily.
Phoenix face hardened and his teeth were clenching.
Damn! Kung hindi lang sa pakiusap ng matanda ay hindi talaga siya pupunta rito.
He may be despised this family, but grandpa was an exception.
Malaki ang respeto niya sa matanda. Iyon din ang itinuro ng kaniyang ama sa kaniya nang nabubuhay pa ito.
“Anche tu non rientri in questa famiglia, fratello Flavio. perché hai portato solo la vergogna della tua stessa famiglia alla nostra famiglia.” Galit na sabi ni Tita Safina sa kapatid.
Nakita naman niyang napatayo si Uncle Flavio at akmang lalapitan na sana si Tita Safina na wala man lang takot na makikita sa mukha habang mariing nakatitig sa kapatid na nanggagalaiti sa galit.
Well, thinking ‘bout, Tita Safina’s words. Tama naman ito. Tito Flavio doesn’t fit in this well-bred family, dahil sa puro na lang kahihiyan nang sarili nitong pamilya ang dinala nito sa pamilyang Del Fierro.
“How about you—” natigil naman si Uncle Flavio, nang galit na sinaway ito ni Grandpa.
“È abbastanza! Forse è il bastardo di suo padre, ma è comunque il mio apo.” sabi ni lolo. Pagkuwan ay hinarap siya. “I’m sorry, Apo.” Mahinahon nitong hingi ng depensa sa kanya.
Nah, this old man doesn’t deserve with that kind of treatment from his own family. Hindi rin ito ang dapat na humingi ng pasensiya sa kaniya dahil hindi naman ito ang nang-maliit sa kanya.
“Don’t mention it, Grandpa.” Walang emosyong sabi niya. “Anyway, what with this forum?” he asked.
Kahit may hint naman siya kung ano ang sasabihin nito.
Del Fierro Empire is now on the verge of falling, kung hindi nito mahuhuli kung sino ang unti-unting nagnanakaw ng pera ng emperyo.
The old man chuckled. “You are really like your father, very impatient.” Grandpa said with amusement on his electric blue eyes.
Lihim tuloy siyang napangiti.
“And you are too.” he countered.
And that earned a laughter from his cousin Liam, na kanina pa nakatayo sa gilid niya.
“Nah-ah, I know that already.” Grandpa said and smirked.
“Are you going to chat in there?” naiinip na sabat ng kanyang kapatid na si Matteo.
Ito ang panganay na anak ng kaniyang ama kay Tita Carmina. Nauna lang siya nang isang taon dito bago ito ipinanganak ni Tita Carmina.
Mabibigat ang buntonghininga ni Lolo at inakay siya nito kung saan ito nakaupo kanina, na ipinagtataka naman niya at ng lahat ng tao na narito sa loob ng conference room.
Maliban na lang kay Liam na nakangising lumapit sa tabi ni Tita Safina at naupo sa bakanteng upuan doon.
Sina Tito Tres at Tito Trev ay walang mga emosyon ang mga mukha na nakatingin lang sa kanila.
Nang tingnan niya si Tita Carmina ay nanlilisik ang mga matang nakatingin ito sa kaniya. Pero wala naman itong masabi dahil takot din ito kay grandpa.
“What’s this all about, Papà?” Tito Flavio reacted violently.
“Ano ba ‘to, Gran?” mahina niyang tanong.
Pero tinaasan lang siya nito ng kilay at malamig na tiningnan. Alam niyang naiintindihan nito ang sinabi niya dahil kung may mas matatas man managalog sa grupong ito maliban sa kaniya at kay Liam ay ang Lolo Antonio niya iyon.
Nagpursige talaga itong mag-aral sa lenggwaheng tagalog mula nang bale-walain niya ito at tiningnan na walang kainte-interes sa mukha nang unang tinanong siya nito kung ano ang gusto niya sa buhay gamit ang lenggwahe nito.
“I am going to retire,” anito at ibinalik ang tingin sa lahat.
Yeah, alam na niya ang balak nito dahil nasabi na nito iyon sa kaniya noong isang buwan na magpang-abot sila sa isang restaurant.
Kausap niya kasi noon ang ama ng huling kliyente niya at nagkataon naman na magkaibigan pala ito at si Lolo Antonio pero matagal ng walang komunikasyon.
Pero ang hindi lang niya maintindihan kung bakit narito siya sa harap kung—
“And I am going to pass my position to Damon Phoenix—”
“No!” Tito Flavio blurted out.
Hindi man lang nito pinatapos sa pagsasalita si Grandpa. Napatayo pa ito at namumula ang mukha sa sobrang galit.
“What the hell, Papà?” Tito Tres.
“This is ridiculous!” Tita Carmina.
“There is nothing you can do because I have already passed it on to the board members and they have already signed my resignation.” Ani grandpa sa malamig at maawtoridad na boses.
Natahimik naman ang lahat.
Damn it! Kung ganitong pumasa na sa board ang sinabi ni grandpa ay wala na talagang magagawa pa ang mga ito unless kung magbago ang isip ng matanda.
“I am not against with your resignation of being the President of Del Fierro Empire, Papà.” Ani Tito Trev. “But I am against with your decision. That bastard has no right to rule this empire!” Nanggalaiting sigaw ni Tito Trev.
Nanlilisik ang mga matang dinuro pa siya nito.
Napailing siya at itinaas ang kanang kamay niya. That signal them to silence, and they did. Tiningnan niya isa-isa ang mga ito at huminto iyon kay Tito Trev.
“I know,” he said in a low tone of voice.
Agad naman itong nag-iwas ng tingin sa kaniya.
He smirked. Iyon ang boses na ginagamit niya kapag nasa loob siya ng korte. And everyone will be intimidated, at mukhang gumana iyon kay Tito Trev.
“I have no right to rule this empire, but...” huminto siya at tumingin siya sa kanyang Lolo Antonio, na tahimik na lang na nakatingin sa kaniya.
Bakas sa mukha nito ang paghanga. Siguro dahil sa ginawa niyang pagpapatahimik sa mga mga anak nitong walang respeto.
“Grandpa will be going to discuss the matter why he did this ridiculous thing.” Matigas ang boses na pagpapatuloy niya.
Dumako ang tingin niya sa kaniyang madrasta na ngayon ay nanlalaki na ang mga mata.
Hindi rin nakaligtas sa mga mata niya ang takot na dumaan sa mga mata ng ginang.
He tsked, then look at his grandpa again.
“Explain to them, Grandpa. Just ring me if they’ve made up their mind and ready to accept me.” sabi niya sa abuelo.
Nang tumango ito ay saka lang siya tumalikod at lumabas ng conference room.