HSBW#54 NAKASIMANGOT na nakatitig lang si Atty. Del Fierro sa pinsan nitong si Liam habang kumakain sila ng dinner. Ang una rin ang nagluluto ng kanilang hapunan na mas lalong ikinatuwa ni Liam. Siya naman kasi sana ang magluluto kaya lang ay ayaw naman siyang pakilusin ni Phoenix. "Ah, Liam, anong gusto mong inumin? Juice? Coke or---" pero natigil siya nang hawakan ni Phoenix ang kamay niya nang akmang tatayo na sana siya. "Baby, malaki na iyan, kaya na n'yan ang sarili niya. Kumain ka na lang," ani Phoenix sa kaniya na busangot pa rin ang mukha. Seriously, ano ba ang problema nito? Pinsan naman nito si Liam, at sa pagkakaalala niya, okay naman ang mga ito noong umalis siya ng Maynila. Pero bakit ganito makikitungo ito ngayon sa pinsan nito? "Gusto ko sana ng ice tea, Cassie," ani Lia

