HSBW#56 "I HAVE TO GO." Napatingin si Aloha kay Liam nang marinig niya ang pagpapaalam nito. Seryoso pa rin ang mukha nito at hindi siya sanay. Sa isang linggo na madalas niya itong nakasama ay palagi lang itong nakangiti, lagi rin siya nitong binibiro kaya nasanay siya na gano'n ang lalaki. Marahan lang siyang tumango. "Sige, Liam. Salamat." aniya at tipid na ngumiti rito. Marahan lang itong tumango bago walang imik na nilagpasan na siya nito. Phoenix, nasaan ka ba? Bakit si Liam ang laging nandito? Napabuntonghininga siya at matamlay na naglakad papasok ng silid ng kaniyang mga magulang na ginawa na niyang silid niya. Mahal kita, baby. Alam kong iniisip mo na baka ginagawa ko lang ito dahil nabuntis kita, but no, ginagawa ko ito dahil mahal na mahal kita. Napasinghot siya at aga

