"KUNG hindi ako si Xavier, sino ako Nathalie?” Sabay silang napasinghap nang malakas ni Nathalie at sabay ring umikot ang mga ulo nila para tingnan si Xavier na nasa likuran na pala nila. Madilim ang mukha ng lalaki, tila hindi nagustuhan kung ano ang narinig nito mula kay Nathalie. “X-Xavier…” nauutal na sambit niya sa pangalan ng lalaki at napatayo pa. Kinabahan siya sa naging hitsura nito. “Oh, narinig mo pala.” Malamig at walang emosyon na sagot ni Nathalie. Nakatayo na rin ito at matalim ang mga matang nakatitig kay Xavier. Parang wala lang sa babae ang galit na nakikita nito sa hitsura ni Xavier. “Kaibigan ba talaga kita?” kritikal na tanong ni Xavier kay Nathalie na ikinataas lang ng kilay ng huli. “Kung kaibigan kita bakit ikaw pa ang naninira sa akin kay Cassie?” Kita niya

