HSBW#41 HINDI sumagot si Aloha at nag-iwas lang siya nang tingin kay Atty. Del Fierro. Narinig naman niya itong nagbuntonghininga at umayos na sa pagkakaupo na ikinahinga naman niya nang maluwag. "You never visited me in the hospital," bubulong-bulong na sabi nito na naririnig naman niya. Kunot ang noong tiningnan niya ito. Nasa labas ng bintana ito nakatingin. Tila nagtatampo yata sa iniaakto niya. Kung alam lang nito kung gaano niya kagusto na puntahan ito at bantayan ito magdamag. Kaya lang natatakot siya sa maraming dahilan. Una buntis siya at hindi siya pwedeng magtagal sa loob ng ospital, pangalawa naroon ang ina nito, at pangatlo naroon naman si Atty. Sofia para alagaan ito. 'Wag ka ng lalapit pa sa anak ko dahil kapahamakan lang ang dala mo, namatay na ang isa kong anak kaya p

