HSBW#48 "BAKIT niyo po iyon ginawa?" marahang tanong ni Aloha kay Mrs. Lim. Hindi kasi niya ito maintindihan. Galit ito sa kaniya pero sinalo nito ang bala na para sana sa kaniya. Nang makita niyang inisa nito ang kamay, tanda na pinapalapit siya nito sa kamang kinahihigaan nito ay hindi na siya nagdadalawang isip na lumapit dito. Nasa loob pa rin ito ng ICU pero pwede naman daw itong kausapin sabi ni Nathalie. Sinasamantala rin niya na wala pa si Atty. Del Fierro. Nakita niyang kinuha nito ang oxygen na nakakabit sa ilong nito, pagkuwan ay marahang ngumiti sa kaniya na ikinagulat niya. Hindi ganito ang in-expect niya na gawin sa kaniya ng ginang. Akala niya sisigawan na naman siya nito, pagsasalitaan ng hindi maganda na malugod naman niyang tatanggapin dahil alam niyang may kasalanan

