HSBW#SC1 NAKAUPO si Aloha sa may paanan ng kama habang nanghahaba ang ngusong pinagmamasadan niya si Phoenix na ini-impake ang mga damit niya. Hindi naman iyon marami dahil nang magpunta siya rito ay wala naman siyang dalang damit, maliban sa isinuot niya ng araw na iyon ay wala na at lahat ng damit na ini-impake nito ngayon ay mga binili lang nito. "Hindi ka ba talaga makakasama sa akin?" nakasimangot pa rin niyang tanong dito. Napag-usapan na naman nila ito na hangga't wala pa siyang visa at passport ay uuwi na muna siya ng Pilipinas. Gusto rin kasi niya na doon manganak. Tinapos nito ang pag-iimpake at matapos nitong maisara ang maleta ay tumayo ito at nilapitan siya. Nakatingin lang siya rito nang lumuhod ito sa harap niya at hinawakan ang magkasalikop na mga kamay niya at pinisil-

