"WE are legally married." Awang ang mga labing napailing-iling si Aloha. Hindi siya makapaniwala sa sinabi ni Xavier. Paano nangyaring legal ang kasal nilang dalawa? Nasa condo siya ni Xavier. Dito siya dinala ng lalaki matapos nitong sabihin kay Ma'am Amanda na hindi nito ipapa-annul ang kasal nilang dalawa. Hiniram pa nito ang sasakyan ni Phoenix sa pag-alis nila. "P-Paano?" gimbal pa rin niyang tanong. Hindi niya alam kung ano ang sasabihin. Nakita naman niyang kumunot ang noo nito. "I mean... paano nangyari na totoo ang kasal natin eh, joke lang iyon lahat, 'di ba?" At nakita rin niya ang marriage certificate nito noon at hindi naman pangalan niya ang nakasulat doon bilang asawa nito. Kaya paanong nangyari? Mula sa pagkakaupo niya sa malaking couch ay napatayo pa siya. Kagat-ka

