Napalunok siya sa sinabe nito.
"Ang lahat ba ng bagay sa'yo? Kailangang may kapalit! Huh! Kung tutuusin hindi ko na kailangan na makiusap pa sa'yo dahil kung talagang may puso ka hindi mo tatanggalin si manong guard ng dahil lang sa maliit na kasalanan!" "Miss Valley, first of all wala akong puso. Ganito lang yan ka simple, may dalawang tao na nagnakaw. Yung isa isang milyon' habang yung isa naman ay piso ang ninakaw, sa huli parihong pagnanakaw, parihong kasalanan. Maliit man o malaki sa huli kasalanan pa rin. Miss Valley, binuhay ako ni dad, sa larangan ng negosyo' at sa mundong ito walang libre, lahat may kapalit. Kung wala kang maibibigay na kapalit, malaya ka ng makakalabas na ng opisina ko!" Sa mga sinabe nito ay tuluyan ng bumuhos ang kanyang mga luha dahil sa matinding galit rito.
"Mr. Healer Morgan,
now tell me! Ano bang kapalit ang gusto mo? Huh?", Nakapamewang na wika niya habang ito naman ay nakatayo sa harapan niya. Lumapit yon' sa kanya ng malapit na malapit at habang palapit pa yon ng palapit ay siya rin ang pag atras niya hanggang sa wala ng ma atrasan pa at sa huling pag atras niya' bintana na yon' ng opisina. Hinawakan nito ang dalawa niya kamay at pinadaupang palad ang sarili nitong palad sa palad niya' habang ang katawan nito ay nakaharap sa kanya katulad ng kanilang mukha na halos maglapat na yon' ganoorin rin maging ang mga katawan nila' sa pagkakataong yon' halos hindi na siya humihinga dahil sa subrang lapit ng mga labi nito sa labi niya.
"Miss Valley, Ikaw ang gusto kung kapalit. Ikaw lang, at wala ng iba," wika nito na malalam ang boses at maging ang mga mata nito. Hinaplos nito ng bahagya ang kanyang labi pa baba sa dibdib niya' dahilan upang mapapikit siya' dahil ito ang unang lalaking gumawa sa kanya ng ganoon.
"Healer, please! Lumayo ka na sa'kin utang na loob." Ngunit parang wala yong narinig sa pakiusap niya. Siniil siya nito ng mga halik na punong-puno ng pagnanasa, dahilan para manlaban siya rito at kasabay nun ang mga luhang walang tigil na dumadaloy sa kanyang pisngi. Napasigaw siya ng bumaba ang mga halik nito sa leeg pababa sa dibdib niya. "Healer! Please stop! Parang awa mo na!", Dun pa lang siya nagkapag-ipon ng lakas para maitulak yon palayo' at ng makalayo rito dun niya nakita na parang wala lang rito na umiiyak siya. Nakangisi ito na nakatingin sa dibdib niya at dun lang niya napansin na natangal na pala nito ang ang pang ilalim niya' kaya kaagad siya tumalikod rito para isuot iyon'. Habang nakatalikod ang dalaga dun niya nakita ang ganda ng katawan na mayroon ito kaya pakiramdam niya gusto niya itong maangkin sa mga oras iyon, napakagat labi siya ng malasahan pa ang mabangong bibig ng dalaga kasabay nun napahawak siya sa kanyang p*********i na tila galit na galit ito. Matapos niya maisuot iyon humarap siya rito at dun niya nakita na nakaupo iyon sa upuan nito at nakatingin parin sa kabuoan niya, ang mga tingin nito ay para bang hinubaran siya kaya hindi siya nakapagpigil nilapitan niya ito at sinampal ng malakas ang dalawang pisngi. "Bastos! m******s!", Nanggagalaiti sigaw niya rito.
Akmang sasampalin niya itong muli hinawakan nito ang dalaawang kamay niya at mabilis nitong kinabig ang baywang niya palapit sa pagkakaupo nito' 'dahilan para pumatong ang katawan niya sa dibdib ng binata at muli na naman na nagkalapit ang mukha 'nila at dun ay may tumama sa bahagi ng puson niya na matigas na pag-aari nito kayat napapikit siya'. kaagad na sana siya tatayo ng pigilan siya at nagsalita ito. "Sweetheart, nararamdaman mo ba ang matinding galit ko? Huh," Malamyos na tinig nito habang nakatingin sa mata niya. "Bastos! Wala ka na ngang puso m******s ka pa!" "Sweetheart, kahit kailan, hindi ko pa ginawa ang mamuwersa ng babae. Just to have s*x with me. Ngayon lang, sa'yo 'lang ako nakaramdam ng ganito. Pakiramdam ko mababaliw ako' pag hindi kana pa sa'kin," seryosong wika ng binata.
Sa pagkakataong yon ay hindi niya mawari kung bakit ganoon na lamang kadali na humupa ang matinding galit para rito. "Healer, lalabas na ako, maraming trabaho ang naghihintay sa'kin sa lamesa ko." "Okay, please stay with me for at least one minute. And after this, you can go outside. Please?", wika nito na mahinahon at malamlam ang mga mata at ang dibdib nito ay maingay na tumitibok iyon. Hindi niya maintindihan kung bakit napapayag siya nito na manatili lalo nat na sa ganoon parin silang posisyon. Ng matapos na ang isang minutong pakiusap nito ay unti unting bumangon siya para lumabas na roon, ngunit hinawakan nito ang isa niya kamay at tumayo iyon sa pagkakaupo kasabay nun nagsalita ito. "Sweetheart, thank you for staying with me." Hahalikan sana siya nito sa labi ngunit iniwasan niya at lumabas na siya sa opisina ng walang salitang iniwan rito.
(At the Carter Office)
"Hi, dad! Good afternoon."
"Reyven, Anak, naasikaso muna ba yung birthday party ni Celestina? Next sunday na yon." "Yes, dad, naayos ko na ang lahat. Tinawagan muna ba si Ninong Pablo?" "Kahapon tinawagan ko siya, pero hindi ko makontak ang telepono nito. Ang mabuti pa Anak, sumadya ka mamaya sa sa Morgan office para mabigyan mo sila ng imbitasyon." "Sige. dad, tapusin ko lang itong ginagawa ko." "Anak, paano ka magkaka-girlfriend nyan? Subsub ka sa trabaho mo dito sa opisina," Wika ng ama na ngumiti iyon "Dad, mayroong time para sa mga ganyang bagay. Mayroon na akong babaeng hinihintay at sigurado ako na magugustohan mo siya," nakangiting wika nito. "Reyven, kahit sino ang gustuhin mo hindi ako kokontra, dahil alam ko kung gaano ka naging mabuting anak, sa amin ng mommy mo. Kaya alam kung hindi ka kukuha ng babaeng hindi ko magugustohan," matapos sabihin yon ay kinindatan siya nito at lumabas ng opisina.
(At the Morgan Office)
"Vino, ikaw na muna ang bahala sa mga trabaho ko dito sa opisina. Babalik rin ako sa hapon, by the way,' pakitawagan si Karl, sabihin mo mag-lunch kami." "Sige po sir, siya nga pala po ipinaabot ni Miss Suhana," wika nito sabay abot ng isang sobre. Pagkabigay nito ay lumabas na yon' Pag bukas niya ng sobre kagad niya nilamukos ang mukha. Matapos mabasa ang resignation letter nito ay tila nadagdagan pa ang bigat na nararamdaman niya.
"Pinsan, are you alright?" Maging ang pag pasok ni Karl ay hindi niya namalayan. "Karl, let's go! After lunch, inom tayo ng kaunti, pang pamanhid," wika niya rito na nauna ng lumabas ng opisina. "Vino, mukhang mapapainom ako nito ah," Nakangising wika nito ng dumaan yon sa harap ng lamesa ni Vino. "Sir Karl, sa tingin ko rin, kaya kailangan mo ng chicks na aalalay sa'yo pag na lasing ka," kasabay nun nagtawanan ang mga ito at pagkatapos patakbong sumunod si Karl sa pinsan.
Huminga siya ng malalim matapos itong dumaan kanina sa harapan niya'. Hindi niya nakitang tinapunan siya nito ng tingin. Buo na ang kanyang pasya na mag resign sa trabaho alam niya kung gaano kahirap maghanap ng trabaho ngayon. Pero hindi kaya ng konsensya niya na magpatuloy sa trabaho kung may isang tao na nawalan ng trabaho ng dahil sa boss niya na walang puso. Isa-isa niya niligpit ang mga gamit na dinala niya noong unang araw niya.
(At The Midnight Lover Bar)
Pagkatapos nilang kumain ng tanghalian ay dumiretso sila sa pinaka malapit na bar na malapit sa opisina niya, "Waiter, come here," Tawag niya sa waiter na naroroon. Kaagad naman ito na lumapit. "Good day sir, what is your order?" "Please give me, 2 bottles of Billionaire Vodca!" "Okay, sir, right away," ngiting wika nito bago tumalikod.
"Wow! Mukhang plano mo yatang magpakalasing? Pinsan, easy lang, ako ang malilintikan kay dad nyan," wika nito na ngumisi yon. Doon niya ikinuwento sa kung ano ang nangyari sa kanila ng dalaga at sa plano nitong pag resign bilang secretary niya.
"Sir here's your order. Please enjoy! Thank you." Matapos nitong magpasalamat sa waiter ay inabutan siya nito ng isang bote ng alak, magkakasunod niya na tinungga iyon.
"Pinsan, tandaan mo ang matalinhagang salita - Ang bungang hinog sa sanga, Matamis ang lasa. Ang bungang hinog sa pilit, kung kainin ay mapait. Kaya kung talagang sersyoso ka kay Suhana, bakit hindi mo sabihin sa kanya na gusto mo sya? Sa ginagawa mo na pamimilit o panggigipit baka lalo lamang itong lumayo sa'yo." "Karl, alam mo naman na hindi ko ugali ang manligaw, sanay ako na ang mga babae ang lumalpit sa'kin," Wika nito na madilim ang mukha at patuloy pa rin yon sa pag tungga ng alak.
"I know! Pero pinsan, pambihirang babae si Suhana, hindi lang maganda napakabait pa." "Karl, hindi ko na kilala ang sarili ko ngayon. This is not me."
"I think you're in love?" "Me? Oh, no! Kalokohan yan! I don't believe in love then and now," Giit na wika nito na napatayo pa yon sa pagkakaupo. "Pinsan, relax! Umupo ka nga. Ang mabuti pa ay ubusin na natin ito at ng makabalik na tayo sa opisina."
////
"Miss Suhana, sigurado kana ba na mag resign ka sa trabaho? Baka naman pwede pang mag-bago isip mo? Pag umalis ka, sigurado ako na palaging galit at bad mode na naman si sir." "Sigurado na ako. Bakit may nagbago ba? Ganun pa rin ang ugali niya, napaka walang puso!" "Napansin ko lang kay sir, simula ng dumating ka, palagi na itong nakangiti. Hindi katulad noong unang dating niya dito," dagdag na wika ni Vino. Sa pagkakataong yun ay tila natigilan siya sa mga sinabe ni Vino.
////
Paglabas nila ng bar ay naglakad na sila kung saan naka parada ang dala nilang sasakyan ng biglang may humawak sa braso niya na matandang gusgusin at mayroong madidilaw na ngipin. "Lola, ito po may barya ako." sabay dukot ni Karl sa bulsa at iniaabot sa matanda. tila hindi yon intresado sa baryang ibinibigay nito. Tumingin yon ng masama dahilan para mapa atras si Karl ng bahagya.
Nandiri siya rito kayat itinulak niya iyon ngunit kahit anong lakas niya ay hindi niya kayang mapabitaw ito sa pagkakahawak sa braso niya' kasabay ng matinding pagkakahawak nito sabay na sumipol ang malakas na hangin. Mapapansin yun sa mga dahon na nagliliparan pa punta sa direksyon nila kasabay nun tumatawa ang matanda ng malakas habang hawak pa rin' siya nito sa braso. "Let go of me! Dirty, old woman!", Wika niya rito at tiningnan niya ito ng masama. Ngunit hindi nagpatinag sa kanya ang matanda. Sa pagkakataong yon ay nagsalita na ito.
"Nalalapit ng mag kulay dugo ang buwan at ang mga bituin ay mawawalan ng ningning malalag pa baba at kasabay nun luluhod ang mga tala sa buwan. Mwahaha, muahahaha, muahahaha, bwahahaha!" Sa pagkakataong yon ay nakaramdam siya ng kakaibang takot sa kanyang dibdib hindi niya mawari kung bakit siya na apektuhan sa mga sinabe ng matanda. Pakiramdam niya nagsitayuan ang lahat ng mga balahibo niya sa katawan. Pagkatapos nitong sabihin yon ay binatawan na siya ng matanda. Duon lang niya napansin na nawawala si Karl sa tabi niya. "Karl, where are you?" Nagpalinga linga siya ngunit ni anino nito ay hindi niya makita. "KARLL!!!!!!"