Chapter 8: First kiss

1702 Words
"Sir Healer, pasensya kana kung napag-usapan ka namin ni Vino." Kahit mahirap para sa kanya ang magsalita ay pinilit parin niya' "Ako si Healer Morgan, hindi ako marunong magpatawad sa mga nagkakasala sa'kin, pero kung makikipag ka date sa'kin? Baka mapatawad pa kita.", wika nito na nakatingin sa mga mata niya' habang nasa ganun pa rin sila na posisyon. Tinangka niya na kumawala rito ngunit talagang malakas ito, na sa tuwing kakawala siya rito pakiramdam niya ay lalo pa nitong hinihigpitan yon' "Sige, makikipag date na ako sa'yo, pero isang beses lang! Please, bitawan muna ako," wika niya na halos parang kakapusin sa hininga. "May isang kasalanan ka pa sa'kin, ang pagtawag mo ng sir, bilang boss mo bibigyan kita ng parusa," muli siya na napapikit' sa mga sinabe nito at bahagyang napakagat labi. "Sir, gusto ko lang maging pormal ang lahat' sa pagitan natin. Boss kita at sekretarya mo lang ako." Hindi ito nagsalita'. nagulat na lang siya ng bigla nitong hinalikan ang kanyang mga labi na halos tumagal yon ng ilang sigundo. Kasabay nun' biglang nagpatay sindi ang lahat ilaw. Iminulat niya ng bahagya ang mga mata at dun nakita niya na namumungay ang mga mata nito. Nakatingin yon sa mga mata niya' maya-maya pa ay naging normal na ang lahat ng ilaw sa paligid pero nanatili pa rin ang katahimikan sa pagitan nila na tanging malakas na pintig ng puso nila ang maririnig sa katahimikan. "Miss Suhana, nag-aantay na sa'yo sa labas, ang papa mo," wika ng gwardya na halos hindi nila namalayan ang pagdating nito. Sa pagkakataong yun ay binatawan siya nito' at dun siya nag-pakawala ng sunod-sunod na malalim na butong hininga bago nakapag-salita. "Manong guard, sige po. Palabas na ako, salamat." "Sino ang nagbigay sa'yo ng pahintulot na pumasok sa aking opisina?", Wika nito na madilim ang mukha. "Sir, pasensya na po ng biglang nag patay sindi ang mga ilaw naisip ko na magronda sa buong building ng morgan office. Nagtaka ako kung bakit halos lahat ng ilaw ay nagpapatay-sindi at dun ko nakasalubong ang ama ni Miss Suhana, kasabay nun bumalik na ang lahat ng ilaw sa buong building. Pumunta na ako dito sa opisina mo para ipaalam kay Miss Suhana na naghihintay sa kanya' ang ama nito," mahabang paliwanag ng gwardya. "You're fired! Matapos nitong sabihin yon inilagay nito ang dalawang kamay sa itim na pantalon at lumabas ito ng opisina. Habang ang gwardya ay napaupo sapo-sapo ang ulo dahil sa narinig mula sa kanilang boss. Nilapitan niya ang gwardya dahil nakaramdam siya ng awa rito. "Manong guard, pasensya na po kayo dahil sa'kin natanggal ka sa trabaho." "Miss Suhana, wala ka naman kasalanan sa nangyari, may pagkakamali rin ako dahil basta na lang ako pumasok at hindi muna kumatok. Hindi ko alam kung paano sasabihin sa asawa ko na wala na akong trabaho, ang bunso ko may malubhang sakit at hindi naman ganun kadali makahanap ng bagong trabaho." Sa pagkakataong yon ay tumulo ang luha niya. "Tumayo' kana po dyan, subukan kung kausapin si Healer, baka sakali po makinig siya sa'kin," pagkatapos niya sabihin iyon ay nagpasalamat ito sa kanya. Pagkatapos lumabas na siya ng opisina para puntahan ang ama na nag-hihintay. (At the Morgan Mansion) "Good evening sir Healer, nakaluto na po ako. Ipaghahain ko na ba ikaw?" Manang Lita, hindi ako nagugutom! Dalahan mo na lang ako ng alak sa veranda!", wika nito na madilim ang mukha. Sa unang pagkakataon ay natikman niya ng bahagya ang mga labi nito na kulay rosas, na ngayon ay mas nagpatindi pa ng pagnanasa niya na maangkin ang dalaga. Napakat labi siya ng maalala ang naging tagpo nila kanina. Ito ang unang pagkakataon na nagka interest siya sa isang babae. Halos lahat ng babae nagkakandarapa sa kanya, maikama lang niya ang mga iyon, pakiramdam ng mga ito ay nanalo na sa lotto. "Sir Healer, heto na po ang alak." Ipinatong yon nito sa lamesa na hindi kalayoan sa kinauupuan niya. Kaagad siya nagsalin sa baso ng alak at ininom iyon ng makailang sunod-sunod na inom. Ipinikit niya ng bahagya ang mga mata habang nakasandal sa kinauupuan. (At the Carter Mansion) "Nandito na pala ang unica hija ko! Kumusta naman ang pamamasyal ninyo ni Veronica?", Masayang wika nito na sinalubong ng yakap ang anak. "Daddy, it's boring! Super init here sa Pilipinas, hinahanap ng katawan ko ang Paris." "Hija, yung bansang sinasabe mo na mainit ay ang bansang nagbibigay ng milyones sa pamilya natin." "Tama si dad, kung wala ang milyones natin. Makakapag-aral ka kaya? Sa Paris - International Fashion Academy. Think about it! My little sister, huh!", singit na wika nito na habang bumababa ito sa hagdan. "Kuya Reyven, kahit kailan kontrabida ka sa buhay ko! Bakit masama bang magsabi ng totoo?" "Litte sister, just focus on our business here. Forget that a bulshit modelling career!" "Kuya, this is my life! This is my dream! Kaunting suporta lang ang hinihingi ko sa'yo," Wika nito na luhaan na tinungo ang hagdan paakyat sa silid nito. "Celestina! Anak!", Tawag ng ama rito na tila nagugulohan ito sa kung sino ang kakampihan sa dalawa. "You know dad, kaya naging spoiled brat si Celestina, dahil palagi mo ng sinusunod ang lahat ng gustohin nito," wika nito habang sumisimsim ng wine sa basong hawak "Reyven, suportahan na lang natin ang bunsong kapatid mo sa mga gusto nito. Ayawko ng mauulit pa ang nangyari noon sa kanya. 'Narito ka naman para makatuwang ko sa mga negosyo natin." Sa pagkakataong ito ay hindi na siya nakipagtalo pa sa ama ng maaala ang nangyari sa kapatid sa tangka na pagpapatiwakal nito noon. "Dad, akyat kana sa taas at ipapahatid ko na lang kay Manang Pilar, ang iyong tsaa," "Reyven, alam mo kung nabubuhay lang ang mommy mo sigurado ako na proud yon sa'yo, dahil lumaki kang mabait at responsible sa buhay. Maswerte, ang magiging asawa mo," wika nito tinapik ng bahagya ang balikat ng anak' "Thank you dad, mas maswerte ako pag napasagot ko siya," wika nito na nakangiti. "Who's the lucky girl?", Pahabol na tanong ng ama sa kanya habang binabaybay niya ang paakyat sa hagdan. "Dad, makikilala mo rin siya'. soon!" Bago makarating sa kanyang silid ay tanaw pa rin niya ang ama na nakangiti ito dahil sa mga sinabe niya. (At The Valley House) "Mahal, ginabi na kayo ni Suhana?" "Mahal, grabe ang traffic, kaya hindi ko kaagad nasundo ang anak natin." "Papa, simula bukas' huwag muna po akong sunduin, kaya ko na ang po sarili ko." "Pero Anak, delikado ang umuwing mag-isa sa katulad mo na babae," giit na wika ng ama. "Tama ang papa mo Anak." "Basta po simula bukas huwag mo na akong sunduin," wika nito na malungkot ang boses. Nagkatinginan ang mag-asawa sa tinuran ng anak. "Sunny, parang may dinaramdam ang anak natin? Hindi naman siya ganyan eh." "Mahal, baka pagud lang sa trabaho. Ang mabuti pa dalahan mo na lang siya ng hapunan sa silid niya." "Siguro nga'. Hali kana ipaghahain na kita," wika nito sa asawa na ngumiti pa iyon. Pag pasok niya sa silid ay kaagad niya tinungo ang banyo upang mag half-bath at ng matapos ay nagbihis siya at humiga na sa kama niya, pagpikit niya ay muling sumagi sa isip niya ang gwardya, kaya hindi niya namalayan na tumutulo na pala ang luha niya' ng maalalang natanggal ito sa trabaho dahil sa kanya. "Suhana, Anak!", mahinang katok mula sa pinto ng kanyang silid. Bumangon siya at pinunas ng mga kamay ang bahagyang luha sa pisngi. Pagbukas niya ng pinto ang inang nakangiti ang naroon at may dalang pagkain para sa kanya. "Mama, salamat po! Pasensya na kayo ni papa kanina sa'kin may problema lang ako sa trabaho." "Anak, wala yon, ang mabuti pa kumain kana at ng makapag pahinga kana," wika ng ina na pinisil ng bahagya ang mga kamay niya'. Pagkatapos lumabas na ang kanyang ina sa kanyang silid. Matapos makakain ng hapunan nagsipilyo na siya at ng matapos humiga na sa kanyang kama. Pag pikit ng mga mata ay mukha ng binata ang rumirehistro roon' kaya kinuha niya ang unan para itakip yun sa kanyang mukha at sa pagkakataong yon hindi niya naiwasan na maalala ang nangyari sa kanila nito kanina. "Kahit kailan hindi ako maiin love sa'yo, Healer Morgan! Oo gwapo ka! Ngunit wala kang puso," binigkas niya ang mga katagang yon habang nakalagay ang unan sa mukha. Muling ipinikit niya ang mga mata para matulog. (At the Morgan Office) "Good morning, everyone, I hope you are doing well!", Bati niya sa lahat ng impleyado na naroroon." "Sir Karl, si Sir Healer ba yan? Paki-check nga kung ayos lang ito," wika ni Vino na kinalabit ng bahagya si Karl. "Baka girlfriend na nito si Suhana?", wika ni Karl na ngumisi yon at pagkatapos pasipol-si pol na sumunod sa pinsan papasok ng opisina. Habang si Vino naman ay naiwan na halos hindi parin makapaniwala sa magandang mode ng boss. "Pinsan, ano ang good news?" "Karl, pumayag ng makipag date sa'kin si Suhana," nakangiting wika nito. "Ibang klase ka talaga pinsan, malupit," Wika nito na nag hands down pa yon sa harapan nito. Pagdating niya sa trabaho ng umagang yon, kaagad na nagtungo siya sa opisina ng kanyang boss at duon ay masayang naabutan niya na masayang nag-uusap ang mga ito. Halos sabay na napalingon ang mga yon sa pagdating niya at biglang tumigil sa pag-uusap. "Excuse me, Healer, can we talk?" "Pinsan, alis na ako! Isturbo lang ako sa sainyo," ngumisi ito sa pinsan sabay kindat. Umupo ito sa upuang pang opisina habang nilalaro nito ang sariling labi at nakatingin sa kabuoan niya' Hindi niya maintindihan ang sarili kung bakit hindi niya kayang tumingin ng matagal rito kaya napatungo siya ng bahagya, hanggang sa hindi niya namalayan na nakalapit na pala ito sa kanya at iniangat nito ang mukha niya ng bahagya. "Sweetheart, what are we going to talk about? Huh!" "Healer, nakikiusap ako na baka pwede mo na maibalik si Manong guard sa trabaho nito?", Pakiusap na wika niya na nanginginig ang boses. "Okay, ano ang kaya mo na ibigay sa'kin? Kapalit ng pina-pakiusap mo," wika nito na tiningnan siya sa mga mata na tila ba may nais iyon na kapalit base sa mga tingin nito sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD