Chapter 7: Extremely desire

1611 Words
Sir Healer, lalabas na muna po ako, ayusin ko muna yung scheduled ng meeting mo this week," paalam na wika niya rito. Nakatungo parin siya sa mga oras na yon. "Bakit ba parang natatakot ka sa'kin? Hindi naman ako nangangain ng tao. Pero kung gusto mong magpakain pwede rin," pilyong wika nito na kumindat pa yon sa kanya. Napapikit na lang siya sa tono ng pananalita nito' na tila ba may iba pang ibigsabihin iyon. "Sir, hin-n-di na-ma-n po sa ta-kot," putol-putol na wika niya. "Okay, sige lumabas kana' pero may isa lang akong hiling." "Ano po yun sir?", Wika niya na humarap rito. Tumayo ito at inilagay sa bulsa ang dalawang kamay sa suot nitong black chino pants. "Please don't call me sir, from now on. Makakalabas kana," seryosong wika nito na bumalik sa ginagawa. Naguguluhan man sa gusto nitong mangyari, tumango na lang siya para makalabas na siya sa opisina nito. Dahil pakiramdam niya pag magkasama sila ay kinakapos siya ng hininga. Pagkalabas sa opisina nito ay nagpakawala siya ng malalim na buntong hininga at bahagyang ipinikit ang mga mata. "Miss Suhana, are you alright?" "Ay kalabaw! Ginulat mo ako Vino," wika niya na habang hawak ang dibdib. "Ano bang nangyari sa'yo? Galing ka lang sa loob ng opisina ni Sir Healer, naging magugulatin kana," wika nito na nakangisi. "Ayos lang ako, siguro naninibago lang dahil, malayo ito sa trabaho ko sa hotel' at nami-miss ko ang best friend ko," malungkot na wika nito. "Miss Suhana, pasensya kana, huh! Utos kasi ni Sir Healer, na ilipat ka dito. Wala rin akong magawa dahil katulad mo sumusunod lang ako sa utos niya," wika nito na na seryoso ang mukha. "Wala yon, huwag mo ng isipan pa ang sinabe ko. Masasanay rin ako kay- naputol ang sasabihin niya ng maalala ang sinabe ng boss kanina na huwag na itong tatawaging sir. - Sa trabaho dito bilang sekretarya," wika niya na ngumiti rito at pagkatapos nagtungo na sa lamesa niya na hindi kalayuan sa lamesa ni Vino. //// "Yahoo! It's lunch time guys," pagdating na wika ni Karl na nakangisi ito ng pumasok sa opisina. Sa kabila ang opisina nito kaya madali itong nakapunta sa opisina kung saan ang opisina ng kanilang boss. "Where is your boss? Masyado naman yata na sinisipag ang pinsan ko na yun?" "Sir Karl, ganun talaga siguro pag may pang pagana," wika ni Vino na nakangisi na sumulyap kay Suhana. Nagpatuloy siya sa ginagawa na parang, walang narinig sa mga usapan ng mga ito. "Sa totoo lang hindi ko pa nakitang naging seryoso sa buhay si Healer, ngayon lang," wika ni Karl habang nakaupo yun sa lamesa ni Vino. Natigil ang paguusap ng dalawa ng lumabas ito na, naka kunot ang noo at madilim ang mukha. "Karl, anong kailangan mo?", Seryosong wika nito. "Pinsan, ayain sana kitang kumain ng lunch?" Nilamukos niya ang mukha ng makitang ala-una na ng hapon. "Suhana, baka gusto mong sumama sa amin ni Healer? Kain tayo ng lunch, treat ko dahil fist day mo naman dito sa morgan office," nakangiting aya nito. "Sir Karl, mayroon po akong baon na pagkain. Kayo na lang po ni Sir- hindi niya naituloy ang sasabihin ng makita niya nakatingin ito sa kanya. Madilim ang mukha nito na tiningnan siya bago lumabas ng opisina. Tila hindi nito nagustohan ang pag tanggi niya sumama. "Suhana, sige. ayos lang, next time na lang," nakangiting wika nito na lumabas ng opisina para sumunod sa pinsan nito. "Miss Suhana, lalabas na rin ako para mag lunch, sigurado ka ba na ayaw mong sumama?" Tumango at ngumiti siya rito bago tuloyang lumabas si Vino. //// "Pinsan, anong ibigsabihin ng pag tahimik na yan?, Wika nito habang abala iyon sa pagmamaneho. "Karl, ngayon lang ako nakakaranas ng rejection sa babae. Pakiramdam ko tuloy may nakakadiring sakit ako," wika nito na nakatingin sa daanan na binabagtas nila. "Si Suhana ba ang tinutukoy mo? I told you pinsan, kakaibang babae si Suhana, kaya kung ako sa'yo ibaling muna lang sa iba ang pagtingin mo na yan." "Karl, ako si Healer Morgan! Hindi ako tumatanggap ng pagkatalo. Wala pang babae ang tumatanggi sa'kin kaya hindi ko hahayaan na mapunta siya sa ibang lalaki," wika nito na madilim ang mukha. "Wow! Ibang klase ka talaga, 'Healer Morgan. Pinsan, dapat ihanda muna ang iyong sarili sa mga ka kompetensiya mo pagdating sa kanya. Sa mga nagnanais na mapaibig si Suhana Marie Valley," nakangising kumindat ito sa kanya. Hanggang nakarating na sila sa restaurant na kakainan nila. //// Pagkatapos niya kumain ay pumasok siya sa opisina ng kanyang boss upang ihatid sa lamesa ang mga papeles na kailangan nito. Inilapag niya ito ng mapansin ang larawan ng isang babae na maganda at nakangiti yun at sa likod nito ay may nakasulat na- I love you, mommy from Healer. Napangiti siya ng mabasa ang nakasulat dun dahil akala niya likas na masama ang ugali nito. //// "Healer, iba talaga ang karisma mo! How to be you pinsan?", Wika nito na ngumuso iyon sa kabilang lamesa. Kung saan naroon ang dalawang babae na nakatingin sa dako nila, at parang sinisilihan ang mga katawan habang nakatingin sa kanya. "Here's your order sir, enjoy your meal," wika ng waiter. Pagkatapos nilang kumain ay umalis na sila sa restaurant at sa paglabas nila ay dun nag-aantay ang dalawang babae na nakatingin sa kanya kanina sa loob. "Hi, my name is Celestina Carter, and she's my cousin Veronica," Hindi niya inabot ang kamay nito, kaya si Karl ang umabot nun. "Oh, you're the daughter of Mr. Carter, and your brother is Reyven Carter. I am right?" "Yes, you're right," wika nito ngumiti yon' "Hi, Veronica." Hi, Karl." /// "Karl, let's go! Marami pa akong tatapusin sa opisina," wika nito na nakakunot ang noo. Paalis na sana sila ng biglang magsalita ito at may iniabot yon kay Karl na invitation card. "Sana makapunta kayo, para naman magkaroon ako ng kaibigan dito sa Pilipinas," ngiting wika nito sa kanila. "Celestina, sige. Pupunta kami, diba pinsan?", nakangiti ito na suminyas sa kanya, kaya wala siya nagawa kung hindi tumango na lang. Nakangiting umalis ang mga ito at kasabay nun ay ang pag alis rin nila sa lugar. //// "Miss Suhana, hindi kaba nahihirapan sa trabaho mo dito?" "Honestly! Hindi naman, pero ninibago lang," wika niya na ngumiti rito." "Sa tungkulin mo bilang secretary, kumpara sa trabaho ko na personal assistant, mas mahirap yung trabaho ko. Mahirap lang yung sa'yo dahil kay Sir Healer." "Bakit? Ano ba ang mayroon sa boss natin?", Usisang tanong niya kay Vino. Basta ang alam ko walang awa si sir, pag hindi ka niya gusto, hindi ka talaga niya gusto. Balita ko pa na hindi daw ito marunong magmahal, dahil hindi daw ito naniniwala sa pagibig." "Bakit hindi siya naniniwala sa pag-big? Vino, hoy! Bakit hindi daw naniniwala si Sir Healer sa pagi-big?", Sasagot na sana yun' sa kanya ng biglang hindi nito itinuloy' ang mukha nito ay parang nakakita ng multo, kaya laking gulat niya ng may magsalita mula sa likuran. "Hindi ko kayo kinuha sa kumpanyang ito! Para pag tsismisan ang buhay ko!" Dahil abala sila sa paguusap ni Vino ay hindi nila namalayan ang pagdating ng kanilang boss. Madilim ang mukha nito na pumasok sa loob ng opisina at naiwan sila ni Vino na tanging tinginan lang ang nagawa nila. Hanggang sa dumating na ang hapon at oras na yon ng uwian ng mga empleyado, ngunit hindi parin nalabas ng opisina ang kanilang boss. Iginayak na niya ang kanyang bag at isinunod niya ang pagaayos sa sarili at naglagay rin siya ng kaunting cologne. "Miss Suhana, mauuna na ako sa'yo nag-aantay ang girlfriend ko sa'kin." "Sige, Vino, ingat. Paalis na rin ako, hinihintay ko lang ang tawag ni Papa' susunduin niya ako," wika niya rito at tuloyan ng lumabas ito ng opisina. Umupo muna siya at ipinatong niya ang kanyang bag sa lamesa at duon ay kinuha niya sa loob ng bag ang kanyang selpon para tingnan kung may text o tawag ang kanyang ama. "Miss Valley, bakit nandito ka pa? Hinihintay mo ba ako?" Napapitlag siya at muntik na niya mabitawan ang selpon na hawak sa paglabas nito mula sa loob ng opisina. Hindi agad siya nakapag salita sa bilis ng pangyayari, nakalapit agad ito sa kanya, Nakangisi yon at ang mga mata nito ay tila nakakalukong nakatingin sa kabuon ng mukha niya, habang ang dalawang kamay nito ay nakadaupang palad sa magkabilang bahagi ng lamesa kinaroroonan niya. "Sir Healer, hinihintay ko po ang tawag ni papa, susunduin niya ako." "Okay, pero bakit nanginginig ang boses mo? Huh?", Wika nito na nasa ganun parin na posisyon' at nakangisi yon' wala siya maapuhap na salitang isasagot rito. Sa hindi niya malamang dahilan pag lumalapit ito sa kanya ay bumibilis ang t***k ng kanyang dibdib. "By the way! Narinig ko ang usapan ninyo ni Vino kanina. Sa sinabe nito ay mas nadagdagan ang kaba na nadarama niya sa mga oras na iyon' "Eh-ka-s-i po si-Vi-no- pautal utal niya sagot, hanggang sa hindi niya nanaituloy ang sasabihin dahil bigla nitong hinaplos ng isang kamay nito ang dibdib niya, at ang mukha nito ay malapit pa rin yon sa kanya. Dahilan para umatras siya ng bahagya. "Miss Valley, hindi muna kailangang magtanong pa kay Vino ng tungkol sa'kin, I'm here' look at me. Ano pa ang gusto mong malaman?" Halos wala siya kakayahang sumagot rito dahil nahihiya siya' sa paguusisa kanina at narinig nito iyon' Unti-unting iniangat niya ang mukha paharap rito. Walang ano anong dinukhang siya nito at hinawakan ang balakang niya' at hinapit siya nito palapit sa sarili nitong dibdib. Napasinghap siya, dahil sa subrang lapit ng mukha nito sa mukha niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD