Chapter 6: CEO's beautiful secretary

1776 Words
Suhana anak! gising!" Tinapik niya iyon ngunit patuloy parin yun na sumigaw habang natutulog at nanigas ang katawan at umiiyak ito. Kaya niyugyog na niya ang katawan ng anak at magkakasunod na tapik pa sa pisngi ang ginawa niya bago pa ito tuloyang nagising.. Humahangos ito ng magising at basang basa ng pawis at bakas ang matinding takot sa mukha ng anak. "Mama, buhay pa ba ako?", Wika niya na umiiyak at tiningnan ang kanyang katawan kung may kagat ba siya ng ahas sa katawan. "Anak, ano ba klase tanong yan? Oo naman, siguro nanaginip ka ng masama," wika nito na nahinahaplos ang likod ng anak. "Suhana anak, uminom ka muna ng tubig," wika ng kanyang ama na pumasok sa silid niya na may dala-dalang isang basong tubig. Inabot niya iyon at uminom ng bahagya. "Ano ba ang nangyari sa'yo anak?", Wika ng kanyang ama na nagalala sa tono ng pananalita nito. "Papa nakakatakot na panaginip. Isang matandang babae na gusto akong patayin," wika niya ng biglang naalala ang mahigpit na pagkakahawak ng matanda sa kanyang braso."Sunny mahal, tingnan mo ang braso ng anak natin!", Wika ng kanyang ina ng sabay nilang napansin ang kanyang braso. Nangitim ang kanan braso niya na para bang hinawakan yun ng maigting hanggang sa maglatay. "Oo nga! Hindi kaya napasok tayo dito ng mga masasamang loob?", Wika ng kanyang ama na nag palinga linga sa paligid ng kanyang silid. "Mahal, impossible mangyari yun dahil ang sabe ng anak natin ay panaginip lang daw ang nangyari kanina." "Ang mabuti pa anak, magdasal tayo bago ka bumalik sa pagtulog," wika ng kanyang ama na tumingin iyon sa mata ng kanyang ina na para bang may gusto ipahiwatig ang mga tinginan ng mga iyon. Pagkatapos nila magdasal ay nakatulog ulit ito, kaya lumabas na sila sa silid. "Mahal, dumating na yata ang kinatatakutan ko," wika ng asawa na umiiyak yon. "Mahal, ayan kana naman sa pagiisip mo. Malaki ang paniniwala ko sa Panginoon na hindi niya hahayaang mangyari yon," wika nito na niyakap ang asawa na patuloy, parin sa pag-iyak. "Mahal may paniniwala ako sa Panginoon. Pero ang nakatakda ay nakatakda. Kung mangyari iyon ay hindi ko kakayanin na mawala si Suhana. Ikamamatay ko Sunny, pag nawala ang anak natin," "Marina mahal, tama na ang pagiyak mo dahil hindi natin hahayaang mangyari iyon. Ang mabuti pa ay matulog na tayo para naman makapahinga ang isip mo," wika niyang niyakap ang asawa at pagkatapos ay sabay sila humiga sa kama at ipinikit ang mga mata. (At The Morgan Mansion) "Good morning pamangkin! Ang aga natin ngayon ah?", Wika nito na nakangiti."Dad, excited na yan na makita ang maganda at sexy secretary niya," ngising wika nito na kumindat pa iyon sa kanya. "Karl, gusto ko lang naman na pumasok ng mas maaga para marami akong magawa sa opisina," pagsisinungaling na wika niya rito. Dahil sa totoo sa lang hindi niya maipaliwanag kung bakit gustong-gusto niya makita ito. "Parang excited na rin akong makita ang sekretarya mo pamangkin," nakangising wika nito. "Dad, pag nakita mo pagkaganda. Kung papasa lang sana ako kay Suhana Marie, liligawan ko rin ito. Pero alam kung hindi ako papasa, pero itong pamangkin mo mukhang may pag-asa," wika nito na hanggang tainga ang ngiti at sabay na umakbay iyon sa kanya. "Kayo talaga mag-pinsan. Tara nang kumain ng agahan para makita na natin ang magandang sekretarya mo pamangkin." nakangiting wika nito na kumindat iyon sa kanya. Habang sumunod na rin sila dito ng kanyang pinsan patungo sa kusina. //// "Bye, mama. Sabay halik sa kanyang ina. "Mahal, ingat kayo ni Suhana." "Marina mahal, huwag kana magiisip pa ng kung ano-ano," sabay na niyakap ng ama ang kanyang ina. Isa ito sa mga pinapasalamat niya sa Panginoon na kahit hindi niya nakilala ang totoong mga magulang ay mas higit pa ang binigay sa kanya, dahil sa pagmamahal na nahanap niya sa mga iyon. "Papa dating gawi daan muna ako kay Andrea. Magpaalam po ako saglit sa kanya bago ako pumasok sa Morgan office," wika niya habang abala ang kanyang ama sa pagmamaneho. "Sige anak, siya nga pala mamaya pag-uwi mo susunduin kita sa trabaho. Iyon ang napagkasunduan namin ng mama mo." "Papa naman hindi mo na kailangang gawin pa iyon. Malaki na ako at kaya ko na po ang aking sarili," nakangusong wika niya sa ama. "Nagaalala lang kami sa'yo ng mama mo. Dahil mahal na mahal ka namin," Sa huli wala siya nagawa kung hindi ang sumang-ayon sa kagustohan ng mga magulang. Maya maya pa ay narating na nila ang bahay ng kaibigan kaya pumasok na siya sa gate ng bahay habang naiwan sa sasakyan ang kanyang ama. "Besh, diba sabe mo walang iwanan?", Wika nito na malungkot yon. "Besh Andrea, hindi ko rin alam na mangyayari ito. Sa totoo lang nasanay na akong kasama ka kayo nila Liza at Shiela' at nasanay narin ako sa trabaho ko sa Hotel." wika niya na yumakap sa kaibigan. "Tarantado talaga yang anak ng boss natin! Sa dami ng babae, ikaw pa talaga ang kinuha niya secretary?" "Hindi ko na nga iniisip yon, dahil ang importante sa'kin ay may trabaho parin ako," wika niya sa kanyang kaibigan at hindi nagtagal ay nagpaalam na rin siya. (At The Morgan Office) "Good morning mga boss," wika na bati ni Vino sa pagdating nila sa opisina. Sumunod na bumati sa kanila ay ang mga empleyado na nagtrabaho roon. Bumati rin ang tito at pinsan niya sa mga ito. Maliban lang sa kanya na nakakunot ang noo ng hindi makita ang dalaga sa loob ng opisina. "Sir Karl, diba si Miss Suhana Marie na yan? Yung bumababa sa taxi," wika ni Vino. "Oo nga siya nga! Aba hinatid pa ng kanyang ama. Pinsan, mukhang dapat yung ama muna ang kailangan mong ligawan. Mukhang mahal na mahal nito si Suhana," nakangiting wika ni Karl. Hindi siya nagsalita at malayang pinagmasdan ang dalaga habang papalapit yon sa kanila. Katulad niya maging ang mga kasamang lalaki ay napako ang tingin rito at maya-maya pa ay nakalapit ito sa kanila. "Magandang umaga po sa lahat," nakangiti na wika nito. "You're late!", Wika nito sa kanya na madilim ang mukha. "Sir Healer, pasensya na po may dinaanan lang ako. Hindi na po mauulit," nakatungong wika nito. "Oh hi, ikaw pala ang secretary ng pamangkin ko," nakangiting wika ng tito niya. "Diba dad, maganda?", Wika ni Karl na bahagyang siniko ang ama. "Totoo nga pala ang sabe nila napakaganda mo hija, Parang pamilyar sa akin ang mukha mo?" "Hello po sir, I'm Suhana Marie Valley," nakangiting wika nito na iniabot ang kamay rito. Kaagad naman na inabot nito ang kamay niya ngunit binawi niya agad iyon dahil parang nakuryente siya ng bahagya at maging ito ay naramdaman rin iyon dahil bumitaw rin ito agad sa kanyang kamay. "Sir Greg, siguro dahil nakita muna siya sa first branch hotel. Receptionist siya duon," singit na wika ni Vino. Sumang ayon na lang siya kay Vino kahit hindi niya maalala kung saan niya ito nakita. "Miss Suhana welcome to the morgan office, hali ka ituturo ko sa'yo ang mga gawain ng isang secretary," Matapos niya magpaalam sa kausap ay sumunod na siya rito. "Healer, so siya pala ang babaeng tinutukoy mo? Sa totoo lang magaan ang loob ko sa kanya, hindi lang maganda mukhang mabait rin. Kaya hindi na ako nagtataka kung bakit ka- hindi na nito tinuloy ang sasabihin at ngumisi na lang iyon at tinapik ang balikat niya bago ito umalis. Walang salitang lumabas sa bibig niya dahil ang utak at puso niya ay patuloy na nagtatalo pa tungol sa nararamdaman niya para sa babaeng bago lang niya na nakilala. Maya maya pa ay pumunta na rin ang pinsan niya sa opisina nito kaya nagsimula na rin siya magtrabaho. "Miss Suhana, unang-una dapat marunong ka magtimpla ng kape. Dahil si Sir Healer, cofee lover yon," nakangiting tumango siya rito. Matapos maituro ni Vino ang mga dapat gawin sa kanya ay iniwan na siya nito upang bumalik sa sarili nitong trabaho. Nagtungo siya sa bandang cabinet at inilabas niya mula roon ang kape, asukal at cream. Mayroon siya nakitang maliit na lamesa at duon niya ipinagtimpla ang boss ng kape. Pag pasok niya sa opisina nito ay abalang abala yon sa mga papel na nasa lamesa nito habang nakaharap sa laptop at nakaupo sa upoang pang opisina. Lumapit siya rito na dala ang manit na kape. "Sir Healer, excuse me po. Heto na po ang kape mo," wika niya na ngumiti rito. Tumigil iyon sa ginagawa nito at inabot ang kape na binibigay niya ngunit ng makuha yon ay ipinatong lang nito ang kape sa lamesang malapit sa kinauupuan niya. Tatayo na sana siya sa pagkakaupo ng biglang magsalita ito. "Suhana, close the door," wika nito na seryoso ang mukha habang patuloy parin iyon sa ginagawa. Nagulat siya sa sinabe nito kaya napahawak siya sa kinauupuan at abot-abot ang kaba. "Sir, I told you! Hindi po ako ang babaeng katulad ng iniisip mo," wika niya na nanginginig ang boses. "Ang sabe ko just close the door, dahil lalabas ang lamig mula sa aircon. Ayan oh bukas!", wika nito nakangisi na itinuro ang bukas na pinto ng opisina. Dahil sa labis na pagkahiya rito ay hindi na siya nakapagsalitang muli at hindi na rin siya halos nakagalaw sa pagkakaupo. Gusto na niyang mawala na parang bula sa mga oras na iyon' sa labis na hiya rito. Nakita niya na tumayo iyon para isarado ang bukas na pinto. Pagbalik nito ay umupo iyon sa upuan na hindi kalayuan sa kanya, at unti-unti itong lumapit, dahilan para madagdagan ang kabog ng kanyang dibdib. Hanggang sa nakalapit na ito na halos lumapat na ang mukha nito sa mukha niya ng, bigla itong nagsalita. "Lalo kang gumaganda pag nagkululay kamatis ang mukha mo," wika nito sa mukha niya' habang nakangiti ito at malamlam ang mga mata. Pigil hininga siya napakagat labi sa mga sinabe nito dahil mas nakaramdam siya lalo ng pagkahiya ng mapansin nito ang pamumula ng kanyang pisngi. Matapos nitong maabot ang kape sa tabi niya ay kaagad rin na lumayo iyon sa mukha niya' at duon lang siya nakahinga ng maayos. Pagkalayo nito ay nag de kwatrong upo iyon habang nakaharap sa kanya at humigop ito ng kape. "Napakasarap mo naman magtimpla ng kape," wika nito na inilabas ng bahagya ang dila para lasapin ang kape na nasa paligid ng mga labi nito at kasabay nun ay nakatingin ito sa kanyang mga labi. Dahilan para mapatungo siya' para iwasan ang malagkit na tingin nito. "Sir, mabuti naman po at nagustohan mo. Sanay po akong magtimpla ng kape, dahil ako ang madalas na nagtitimpla ng kape nila mama at papa,"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD