Sa pagkakataong yon ay bumalik siya sa katinuan. Kumalas siya rito at itinulak yon kaya hindi natuloy ang paghalik nito sa kanyang labi. "Sir Healer, bakit mo ginagawa sa'kin ito?", Wika niya na matapos makalayo rito. "Bakit ano bang ginagawa ko sa'yo? As far as I know, you were the one who came to me first," nakangisi nitong wika. Napatungo siya dahil sa hiya ng maalala ang pagyakap niya rito. "Suhana Marie, ganito lang yan ka simple. Dalaga ka at maganda, binata naman ako! Wala naman sigurong masama kung- alam mo na ang ibig sabihin ko," wika nito na kumindat pa iyon sa kanya. "Excuse me! Sir Healer, alam ko na gwapo ka at marami ka nang babae na ikinama, pero sir hindi po ako ang babae na inaakala mo. Aalis na po ako kung wala na kayo kailangan!", Wika niya rito na nakapamaywang. "Suhana, I'm your boss and I need you so stay with me as long as I want," madilim ang mukha na wika nito. "Kaya nga nandito ako sa harapan mo at kahit hindi ko alam kung bakit mo ito ginagawa sa'kin eh nandito pa rin ako dahil boss kita! Pero hindi dahil boss kita ay kasama dun ang sarili ko sa serbisyo na gusto mo!" Hindi agad siya makapagsalita sa mga sinabe nito. Ibang-iba yun sa lahat ng babae na nakilala niya.
Pagkatapos nito manahimik ng ilang sandali ay unti unti itong lumakad palapit sa kanya kasabay nun ay umaatras siya palayo rito, hanggang sa naabot na niya ang pintuan at duon ay napasandal siya kasabay nun ay nagsalita ito.
"Baka gusto mo lang naman na mapabilang sa mga babaeng sinasabe mo?", Wika nito na nakangisi habang pinadaupang palad ang dalawang kamay sa pinto habang nakaharap ang mukha nito sa mukha niya. Napalunok siya ng maamoy ang mainit at mabangong hininga nito. Tila ba may bumara sa lalamunan niya at hindi niya nagawang magsalita. "Pinag-lihi kaba sa kamatis?", Wika nito na malalam ang mga mata at nakangisi parin yon, habang nasa ganoon parin sila posisyon. "Ba-kit p-o sir?", putol putol na tanong niya rito habang mas malakas pa ang kabog ng kanyang dibdib sa boses niya. "Kulay kamatis na kasi ang mukha mo, your blushing huh!" Pagkatapos sabihin yon ay lumayo na iyon sa kanya at doon pa lang siya nakahinga ng maluwag. "You can go home now but starting tomorrow you will work at my office.", Nagulat siya ng sabihin nito na pwede na siya umuwi. "Sige po sir, bye." Yun lang ang nasabing salita bago niya ito nilisan.
Paglabas nito ay kagad niya nilamukos ang mukha at kinuha ang wine na kasama ng pagkain na naroroon at nagsalin siya sa baso at ininom yon at pagkatapos magkakasunod na buntong hininga ang pinakawalan. "This is not me!" Hindi niya maintindihan ang sarili kung bakit binibigyan niya ang babaeng iyon ng labis na attention.
////
Paglabas niya ay sakto kararating lang ng kanyang ama sa hotel na nag-aalala iyon. "Anak, bakit hindi ka man lang tumawag alalang-alala na kami ng mama mo sa'yo. Akala namin kung ano ng nangyari, at hindi ka pa nakakauwi sa bahay.", wika ng ama na sumalubong ng yakap sa kanya. "Papa mahahabang kuwento, sa bahay ko na lang ikuwento sainyo ni mama," wika niyang ipinulupot ang kamay sa ama at umalis na sila sa hotel.
////
Sino yung lalaki na sumundo kay Suhana?", Wika niya sa mga staff ng hotel. "Sir Healer, good evening po. Si Mang Sunny, papa ni Suhana," sagot na wika ng mga ito na may pagtataka sa paguusisa niya. Pagkatapos marinig yun ay tinungo na niya ang palabas ng hotel kung saan naroon ang isa sa mga sasakyan ng kanyang ama.
"Good evening Sir Healer," ngiting wika ng gwardya sa kanya. Ngunit nilagpasan lang niya iyon na hindi man lang ito tinapunan ng tingin. Pag pasok niya sa loob ng sasakyan ay umupo siya at ipinikit ang mga mata at doon ay mukha ng dalaga na nakangiti ang rumihestro kayat, pinilig niya ang kanyang ulo at huminga ng malalim. Nakikita niya rito na malambing yon' kita niya kung paano yon yumakap at ngumiti sa ama nito kanina. Pakiramdam niya may mga daga na nagtatakbuhan sa kanyang dibdib pag naalala ang mga ngiti nito. Pag ngumiti yon ay kasama ang mga mata nito na ngumingiti rin. Pabuntong hininga niya pinaandar ang sasakyan at pinaharurot yon ng paalis.
////
Pagkarating nila sa bahay ng kanyang ama ay doon niya ikinuwento sa mga magulang ang tungkol sa pagkuha sa kanya ng kanyang boss bilang sekretarya nito, at kung bakit hindi siya agad nakauwi. Ang hindi lang niya na naipagtapat sa mga magulang ay ang unang pagkikita nila nito dahil kinailangan niya mag-sinongaling dahil magagalit ang mga iyon kung sasabihin niya bumalik siya sa bahay ampunan. "Anak, nagalala ako sa'yo ng subra. Kung alam mo lang," wika ng kanyang ina na hinawakan nito ang pisngi niya. "Ma, huwag na po kayo mag-alala nakauwi naman ako ng maayos." "Marina, ikalma muna ang sarili mo. Nakita mo naman na nandito na ang anak natin." "Siya sige na anak magpahinga kana at may trabaho ka pa bukas," wika ng kanyang ina. "Opo ma, good night sainyo ni papa," wika niya at humalik sa pisngi ng mga ito at pumasok na sa silid niya.
"Mahal, inaalala ko si Suhana. Sa dinami-dami ng babae eh bakit kaya ang anak natin ang natitipuhan ng boss nito na gawing sekretarya?" "Marina mahal, siguro dahil nababaitan siya sa anak natin at hindi lang yon napakaganda rin ni Suhana, kaya hindi kataka-taka iyon." "Ewan ko ba mahal, iba ang kutob ko sa boss ng anak natin at ganito na lang ang kaba sa dibdib ko." "Mahal, ayan kana naman sa pagiisip mo ng negatibo. Ang mabuti pa ay matulog na tayo at ako na ang bahala para mawala yang kaba mo na iyan," pilyong wika nito na niyakap ang asawa. "Ikaw talaga mahal baka marinig ka ni Suhana, baka sabihin ng anak natin na matatanda na tayo ay ganito pa tayo magisip." "Pagdating sa pagibig walang matanda basta mahal mo at kaya pa ng tuhod," wika nito na nakangisi. "Sige na nga tara ng matulog at tingnan natin yang tuhod mo kung hanggang saan ang itatagal," birong wika nito na inirapan ang asawa. Pagkatapos inakbayan siya nito at nagtungo na sila sa kanilang silid.
////
Pagdating niya sa mansion ay sinalubong siya ng kanyang Tito Grego."Healer, akala ko ba sa hotel ka matutulog?" "Tito Greg, ayawko naman na pilitin yung babae na makasama ako kung aayaw naman nito," pabuntong hininga wika niya. "Sa pagkakaalam ko ikaw ang hinahabol ng mga babae! Diba pamangkin?", Nakangiting kinindatan ang pamangkin. "Tito Greg, hindi siya katulad ng ibang babae na inaakala ko at bukod pa roon ay parang may nag-uugnay sa aming dalawa na hindi ko maipaliwanag. Pakiramdam ko mayroong bumabalot na misteryo sa babaeng yon." "Healer, hindi kaya humahanga o umiibig ka lang sa babaeng sinasabe mo?", Wika nito na tinapik ang kanyang kanan balikat. Tumayo siya sa pagkakaupo at humarap sa bahagi ng veranda na nababalot ng dilim at liwanag. "Tito, hindi ako naniniwala sa pagibig. Alam kung alam mo yun," wika nito na malungkot ang mga mata. "Paano kung isang araw matuklasan mo na umiibig kana pala. Healer, love is a mystery. Nakahanda kaba na tuklasin yung pagibig na hindi mo pinaniniwalaan?" Sa pagkakataon yon ay hindi na niya nagawang sagutin ang tanong na kanyang tito dahil maging siya ay hindi na niya alam kung ano ang nangyayari sa kanya. "Ang mabuti pa magpahinga kana, dahil bukas ay may trabaho ka pa." Matapos sabihin nito yon ay walang salitang lumabas sa kanya at nilisan yon na wala ni isang salita iniwan.
* 12 midnight *
Nagising siya sa isang lugar na madilim na may bahagyang liwanag na nagmumula sa sinag buwan at doon ay nakahiga siya sa gitna ng gubat at ang kanyang katawan ay nasa damuhan at sa paligid nun ay may ibat-ibang klase ng puno. Bumangon siya at umupo na sapo sapo ang ulo kahit malakas ang kaba ng dibdib ay pinilit niya tumayo at bahagyang hinila pababa ang suot na bestidang itim. Humakbang siya ng marahan natatakot man ngunit nilakasan niya ang loob na magpatuloy sa paghakbang habang hinahaplos ang dalawang braso na sa wari niya ay nagsisitayuan ang lahat ng balahibo sa kanyang katawan. Bukod sa gabi iyon ay may ibat-iba siya naririnig na huni ng hayop at may mga yabag ng paa na hindi niya mawari kung saan yun nagmumula ang at ang hangin ay para bang galit na galit iyon dahil nakikita niya sa mga puno na umuuga ang mga yon sa kinatatayuan ng mga ito. Maya maya pa sa paghakbang niya ay may nakita siyang matandang babae nakatalukbong ang mukha nito ng kulay itim na belo at may dala itong tungkod na ginagamit nito upang hindi ito mahirapan sa paglalakad habang ang isang kamay nito ay bitbit ang isang basket na punong puno ng ibat-ibang prutas. "Hello po! Tulongan ko na po kayo magbuhat sa basket na dala-dala mo." wika niya na inilahad ang mga kamay rito. Ngunit hindi nito tinanggap ang kamay niya nanatili nakatungo ito at biglang nagsalita. "Prope est foramen maledictions, et tu es mulier ad operandum malediction." wika nito at sabay na iniaabot sa kanya ang isang mansanas. Hindi man niya maintindihan ang ibigsabihin nito na tila salitang latin iyon ay nakangiti siya kinuha ang mansanas dahil pulang pula iyon at sa pakiwari niya ay napakasarap nun kaya kaagad na kinagat niya ang mansanas na binigay ng matanda. Pagkatapos niya kumagat sa mansanas ay may malakas na sigaw ng babae siya narinig at kasabay nun ay lumakas ang hangin na para bang liliparin na siya kaya nabitawan niya ang mansanas na hawak at laking gulat niya ng makita ang mansanas na kinagatan na may dugong lumalabas roon mula sa kinagatan niya at dumagdag pa sa takot niya ng lumabas ang napakaraming ahas sa kanyang paligid at nakita niya sa mga ahas na ano mang oras ay susugurin siya ng mga ito para tuklawin. Sa takot niya ay napahawak siya sa braso ng matanda at yun ang unang pagkakataon na makita ang mukha nito na wala na iyon belo ang mukha nito ay sunog at tanging isang mata na lang nito na nakaluwa ang natitira at ang mga ngipin nito ay madidilaw at hindi pantay-pantay ng makita niya ito ay bigla siya bumitaw sa braso ng matanda at hindi siya nakagalaw dahil sa labis na takot at pagkabigla sa nakikita sa mga oras na iyon. Tumawa iyon ng pagkalakas-lakas at kasabay nun ay hinawakan nito ang kanyang braso dahilan para mapaatras siya at mapasigaw ng malakas ngunit nakahawak parin iyon sa braso niya na kahit anong hila niya sa braso ay hindi pa rin siya makawala sa matinding pagkakahawak nito. "Maawa ka sa'kin! Tulong!", wika niya na luhaan dahil sa matinding takot. "Prope est foramen maledictions, et tu es mulier ad operandum malediction. mwahaha, muahahaha, muahahaha, bwahaha.", Wika nito na inulit na naman ang salita na hindi niya alam kung ano ang ibig sabihin at kasabay nun ay tumatawa ito ng malakas habang ang mga paa nito ay hindi nakalapat sa lupa at ang napakaraming ahas sa paligid ay sabay-sabay siya sinugod at tinuklaw siya sa ibat ibang parte ng kanyang katawan at bago siya nawalan ng malay ay rinig na rinig pa niya ang malakas na tawa ng matanda.