"Good morning girls," Bati ni Andrea kila Shiela at Liza. "Shiela, Liza, good morning," ngiti bati niya sa dalawa. "Sheila, anong nangyari sa mukha mo? Parang sinabuyan ng ibat-ibang pintura," wika ni Andrea na nakangisi. "Maganda ba? sabe sa hotel department. Yung anak na ng may-ari ang bagong CEO ngayon. Any time daw ay pupunta dito sa main branch natin." "Anong connection nun sa mukha mo?", Wika ni Andrea na nakataas ang kilay. "Kaya nga." Pag sang ayon na wika ni Liza."Ganito yun girls, gwapo daw yun at balita ko mahilig sa magaganda' malay mo mapansin niya ang beauty ko." "Bakit maganda kaba? chos! Tigilan mo na yang pag iilusyon mo na yan Shiela. Dahil imposible yun sa katulad nating hindi magaganda." "Tama si Andrea. Balita ko babaero yun at suplado at strekto!", Wika ni Liza. "Tigilan na ninyo si Shiela. Libre lang naman ang mangarap. Pero kung ako ang tatanongin kahit mahirap lang yung lalaki basta loyal, katulad ni papa ayos na sa'kin," wika nito na nakangiti sa kawalan. "Besh, wala ng loyal sa panahon ngayon." "Sinabe mo pa Andrea," wika ni Liza."Napaka negative ninyo dalawa! Diyan na nga kayo!", Wika ni Shiela na tiningnan ang dalawa ng masama. Habang sa kanya ay ngumiti ito bago sila iniwan. "Naasar yata sainyo si Shiela. Umalis tuloy." "Sinasabe lang namin ni Andea ang realidad ng buhay. Para hindi siya umasa at masaktan." "Tara nang kumain ng agahan maya-maya ay duty time na naman tayo," wika niya aya sa mga ito. Sabay-sabay na silang pumunta sa paborito nilang kainan.
////
"Good morning Sir Healer," bati ng mga empleyado sa pagdating nila. Hindi siya sumagot sa mga ito at sa opisina niya siya dumiretso.
"Jessica sexy, good morning!", Ngiting wika ni Karl dito at sabay na hinawakan ang pang-upo nito. "Hi Karl baby," wika nito na kumagat labi pa iyon ngunit hindi sa pinsan niya ito tumingin kundi sa kanya. "Nakakaselos naman yun yung pag-kagat labi mo baby hindi para sa akin para yata sa pinsan ko." Pilyong kinindatan siya ni Karl. "Talaga nga naman na kay aga-aga eh, pag-lalandi ang inaautapag mo sec Jess," nakangisi wika ni Vino. "Che! Huwag mong sirain ang araw ko Vino Ang kho!" wika nito na tinapunan iyon ng masamang tingin'. "Jess, dapat ako ang inuuna mo landiin para hindi ako magselos. Diba Sir, Greg?" Nakangisi wika ni Vino."Ito ang ayawko pag mag-sama-sama kayong tatlo lahat luko eh.". nakangising wika nito. Kasabay nun ay nagtawanan sila sa mga sinabe ng kanyang tito.
"By the way Sir Healer, nandyan na po sa lamesa mo ang papeles pa tungkol sa lahat ng negosyo ng daddy mo." Umupo siya sa upoang pang opisina at duon ay pumaikot-ikot habang nakaupo at ang dalawang kamay ay inilagay sa likoran ng kanyang ulo. "Where is my secretary?" "Si Jess po sir ang secretary mo at ako naman ang personal assistant mo."
"Karl at Vino, kayo na muna ang bahala kay Healer. Mayroong pinag-uutos sa akin ang kuya Pablo." "Sige dad, kami na ang bahala dito no worries." pagkatapos mag-paalam ay lumarga na iyon.
"Vino, I don't like Jessica, I don't want her as my secretary," wika nito na seryoso ang mukha at tumayo sa pagkakaupo sa upoang pang opisina. Patakbong lumabas iyon na umiiyak sa opisina dahil sa mga sinabe niya. "Pero sir, hindi po ganoon kadali maghanap ng bagong secretary." "Kunin mo si Suhana Marie Valley, sa hotel kung saan ito naka assign at ilipat mo dito bilang sekretaya ko." "Seryoso ka talaga pinsan?", Wika ni karl na napailing yon. "Kilala mo ako Karl, lahat ng gusto ko nakukuha ko."
Nagkatinginan sila Karl at Vino at sabay na napakamot sa ulo ang mga ito. "Si Miss Suhana? Yung receptionist sa first branch morgan hotel." "Exactly! Vino. Yung nililigawan ni Reyven na maganda na parang manika ang mukha."
"Vino, I need her as soon as possible! Understood?" "Sige po sir, tawagan ko yung manager sa first branch hotel." "Alright! Sabihin mo sa manager na dun ako mag check-in ngayong gabi." "Pinsan, mukhang malakas ang tama mo kay Suhana?, Wika nito na nakangisi.
"Sir Karl, first-day pa lang ni Sir Healer, pinagalaw na agad niya ang baso at ang nakakaloka si Miss Suhana na napakabait ang tina-target nito ngayon," pabulong na wika nito na nakangisi. "This time alam kung seryoso siya sa isang babae kaya sundin mo na lang siya." "Labas na muna ako mga sir, tawagan ko yung manger ni Miss Suhana."
////
"Hello Kuya Pablo, naayos ko na ang pinag-uutos mo at sigurado ako na sa susunod na stockholder voting ay si Healer pa rin ang magiging CEO." "Mabuti naman kung ganoon, dahil ayawko na magkaka-problema ang anak ko." "Kuya huwag kana mag-alala kay Healer, hindi ko siya pababayaan." "Mabuti na lang at nandyan ka. Salamat Grego, bye!" "Bye, kuya Pablo." Pagkatapos ng usapan nila ng kapatid sa kabilang linya ay hindi niya napigilang tumulo ang kanyang luha ng sumagi sa isip ang mapait na kapalaran na naghihintay sa kanyang anak.
(At The Morgan Hotel)
"Miss Suhana pinapupunta ka ni manager sa office niya." Bakit daw?" "Hindi ko alam pumunta kana lang bago pa uminit ang ulo nun," wika ni Artur na kasamahan nila sa hotel.
Pagdating niya sa opisina nito ay nakataas na agad ang kanan kilay nito. "Ano bang mayroon sa'yo? Huh! dati si Sir Reyven, ngayon naman ang taga-pagmana na anak ng Presidente ng hotel na ito, ang gusto kang maging sekretarya!", Wika nito habang tinitingnan siya mula ulo hanggang paa. "Ma'am ako? magiging sekretarya? Wala po akong alam sa trabaho ng isang sekretarya. Hotel and restaurant management po ang tinapos ko." "Well mamili ka! Resign o sekretarya?" Parang maiiyak siya sa mga oras na yon. Kailangan niya ng trabaho dahil ang bahay nila ay nakasangla pa at paunti-unting binabayaran niya at ng mga magulang iyon. Noong magkasakit ang kanyang ama at wala pa siya trabaho ay napilitan silang isangla ang kanilang bahay para pang pagamot sa kanyang ama noon.
////
Pagdating nila ng hotel ay ay sumalubong na sa kanila ang mga nagtrabaho doon ngunit parang hindi niya nakita ang mga ito dahil nilagpasan niya ang mga iyon.
"Kaloka ang gwapo ng bagong CEO. Tingnan mo Liza, diba? Kamukha niya yung basketball player si Luka Doncic." "Oo nga gwapo! Pero hindi man lang niya tayo tiningnan ni bumati sa atin wala!", Nakangusong wika ni Liza.
"Where is Suhana Marie Valley? "Sir Karl, nasa office po ni manager." "Ganoon ba. Thank you Liza." "Buti pa si Sir Karl kahit babaero mabait," wika ni Shiela.
"Pinsan uwi na muna kami ni Mang Pidreng, I have a job tomorrow, so I would just leave today for you." "Okay Karl, pakisabi kay Tito Greg na dito muna ako sa hotel matutulog at bukas ako ng gabi ako uuwi sa mansion." "Makakarating pinsan. Basta bukas dapat girlfriend mo na si Suhana." pilyong kindat nito sa kanya bago umalis. Napailing na lang siya sa kanyang pinsan.
////
"Suhana, bakit ka ipinatawag ni manager?", Usisang tanong ni Liza. Matapos niya ikwento ang naging pag-uusap nila ng manager ay hindi makapaniwala ang mga iyon. "Ang gwapo pa naman ng bagong CEO natin," wika ni Shiela, habang nakangiti. "Nakuh pag nalaman ni Andrea malulungkot yon," Wika ni Shiela. "Kaya nga yun rin ang naisip ko." pag sang ayon ni Liza.
////
"Sir, Healer, It is our pleasure to welcome you to Morgan Hotel," wika ng manager na pumasok yon sa sa silid nito kung saan yon naka check-in. "Hindi mo kailangang e -welcome ako sa hotel na pag-aari ko! Ang asikasuhin mo ang pagkain ko at gusto ko si Suhana ang magdala sa akin dito!" "Sige po sir, masusunod po." "No one is allowed to enter my room' except Suhana Marie. Understood!", Matapos niya iyon sabihin ay nakatungong umalis yon'. Kaagad na hinubad niya ang kasuotan at nagtungo sa banyo para maligo.
Mag out na sana siya ng biglang sumulpot ang manager nila, madilim ang mukha nito. "Suhana, hindi ka pwede umuwi! Kailangan mong mag over-time! Dahil ikaw lang ang gusto ng bagong CEO!", Nagkatinginan sila nila liza at Shiela. Sa huli wala siya nagawa dahil anak ito ng may-ari ng hotel. "Suhana, this is your chance na akitin ang bagong CEO natin," wika ni Shiela na nakangiti yon na kumindat pa sa kanya. "Ikaw talaga Shiela, alam mo naman na wala sa plano ko ang makipag-relasyon sa mayaman." "Shiela, huwag mong itulad sa'yo si Suhana sa katulad muna desperada! Eh, si Sir Reyven binasted nga niya' iyan pa kaya bagong CEO natin na pagka-sama ng ugali.", wika nito na nakaismid. "Liza, sige pa lakasan mo ng marinig tayo ni manager Maricar, at ng masisante tayo pariho," wika ni Shiela na pinandilatan iyon ng mata. "Ay naku tigilan na ninyo yan. Kailangan ko nang sundin ang utos ni manager."
Matapos niya sabihin yun ay iniwan na niya ang mga ito na patuloy pa rin sa pag babangayan.
Pag pasok niya kung saan yon naka check-in ay nasa banyo pa yon dahil rinig ang lagaslas ng tubig mula roon, kaya iginilid muna niya ang pagkain na dala at umupo sa gilid ng kama.
"Oh, you're here! The beautiful girl in my dream," nakangiting wika nito. Napapitlag siya at biglang tumayo para humarap rito. "Ikaw!?", Wika niya gulat na gulat at kaagad na tumungo dahil lumabas yon sa banyo ng nakatapis lang ng tuwalya. Ito ang unang pagkakataon na makakita ng lalaking na nakahubad.
"Yes my girl, in my dream," wika nito nakangisi yon habang nakatingin sa kabuoan niya. "Sir Healer Morgan, kung wala na po kayong, kailangan lalabas na ako." akmang tatalikod na siya para lumabas ng biglang hinawakan nito ang kanyang kamay at kasabay nun ay biglang namatay ang ilaw kaya napatili siya dahil sa takot siya sa dilim. Simula noong bata pa siya ay takot na siya noon pa. Pagbalik ng ilaw laking gulat niya ng makita ang sarili na nakayap rito. Nakangiti yon sa kanya at ito ang unang pagkakataon na makita ng matagalan ang kabuoan ng mukha at katawan nito.
Napaka-gwapo nito tulad ng sinasabe ng mga kasamahan niya sa trabaho. Ang katawan nitong mabalahibo ay may ilang butil pa ng tubig roon mula sa pagligo nito. Ang mga labi na kulay pink na bagyang kulay lang ang mayroon yon' na nagpadagdag sa s*x appeal ng lalaking kaharap. Biglang inilapit nito ang sariling mukha sa mukha niya at unti-unti nitong inilalapit ang sariling labi sa labi niya'.