Chapter 3: Mysterious conversation

1591 Words
Besh, anong nangyari sa'yo? Ayos ka lang ba?", Wika ng kaibigan nito na nagalala. "Susmaryosep Suhana! magmadali kayo buhatin natin siya papuntang silid para mapunasan ng bimpo," Wika ni Sister Grace. "Tumabi ka!", Wika nito na tinabig siya habang buhat nito ang kanyang kaibigan. "Aba napaka walang puso talaga ng lalaking ito!" "Andrea, pag pasensyahan mo na lang. Ang mahalaga eh maihatid niya si Suhana sa silid." "Sige po sister, tulongan ko muna ang ibang madre sa pagpapakalma sa mga bata nagsisiiyakan." "Mabuti pa at ako na ang bahala kay Suhana." Marahang inilapag niya ito sa kama habang nakasunod ang dalawang madre. "Wake up! Wake up!, Wika niya rito habang marahang pinipisil ang kamay nito. Habang tinititigan niya ang ang magandang mukha nito ay para bang mayroong nauugnay sa kanila nito na hindi niya kayang iwan yun sa ganoong kalagayan. "Sister Grace, baka kailangan na natin dalhin si Suhana sa hospital." "She's fine! Her pulse was fine." Kahit hindi niya natapos ang pag aaral ng medisina noon ay may nalalaman parin siya. Kinailangan niya noon na sundin ang kagustohan ng ama para sa kanya kaya hindi niya naipagpatuloy ang pag doctor. "Kumuha na lang kayo ng ilang pang unan at itataas ninyo ang kanyang mga paa." Sumunod naman ang dalawang madre sa kanya. Tumunog ang kanyang selpon kaya lumabas muna siya para sagutin iyon. "Hello Tito Greg, ikaw pala." "Healer, nasaan kana? Nagaantay kami sa'yo dito ng pinsan mo sa mansion." "Naririto pa ako sa marie orphanage. May emergency lang kaya malalate ako ng dating dyan!" "Emergency o babae?", Wika nito sa kabilang linya na kahit hindi niya iyon nakikita ay alam niya nakangisi ito. Dahil kahit noon pa man ay alam nito na lapitin siya ng mga babae. "Kailangan ko na mag-paalam'. tito see you later." Pagkatapos maputol ang kabilang linya ay nilamukos niya ang mukha at nagtungo muna sa banyo para ituloy ang naudlot na pagihi kanina. //// "Sister Grace, anong nangyari?", Wika niya habang sapo sapo ang ulo dahil wala siya matandaan. Ang huli niya natatandaan ay ang pagsabog ng mga ilaw kanina. "Suhana, nahimatay ka! Kaya binuhat ka ni Sir Healer papunta dito." wika nito na nagaalala sa kanya. "Sister Grace, I need to go. May trabaho pa kami ng kaibigan ko." "Besh, sigurado kaba kaya mong pumasok sa trabaho?" Biglang sumulpot sa pintuan ang kaibigan. "Suhana, bukas kana lang pumasok at ipahahatid na lang kita sa bahay ninyo." "Ayos lang po ako. Parang nakatulog lang po ako Sister. Hindi po ito pwede malaman nila mama at papa magagalit po sila sa akin," giit na wika niya. Napailing na lang sa kanya ang mga madre at ang kanyang kaibigan. //// "Where is she?", Wika niya sa mga madre naiwan sa silid. "Sir Healer, umalis na dahil may trabaho pa daw sila ng kaibigan nito," Sagot sa kanya ng isang madre naroroon. Bigla siya nalungkot ng hindi yon naabutan sa silid. Hindi niya maintindihan ang sarili dahil sa buong buhay niya ay hindi pa niya nagawang mag-alala para sa isang babae. Napahawak na lang siya sa sa ulo at nilamukos ang mukha at nilisan na ang bahay ampunan ng hindi man lang nagpapaalam sa mga taong naroroon. //// "Besh, tumayo ang mga balahibo ko kanina. Kataka-taka yung nangyari ng magkamay kayo ng Healer na iyon biglang umihip ang malakas na hangin at nagpatay sindi ang mga ilaw at nabasag ang mga iyon," Wika ng kaibigan habang naglalakad sila papasok ng hotel kung saan sila nag trabaho. Siya bilang hotel receptionist at ang kaibigan niya naman ay janitress roon. "Bilisan mo nang maglakad. Late na tayo. Yung nangyari kanina epekto lang yon ng global warming at ang mga ilaw roon ay mga luma na. Kaya ganoon ang nangyari kanina," wika niya para hindi na magisip pa ng kung ano ang kaibigan. Dahil maging sa isip niya ay nagtataka rin sa nangyari kanina. (At the Morgan Mansion) "Welcome back cousin! Sabay yakap nito sa kanya sa pagdating nila ni Mang Pedring sa mansion. "Karl, kumusta?" Ito pogi parin katulad mo pinsan," Wiika nito nakangisi pa iyon sa kanya. "Syempre nasa lahi natin yan Karl!", sabay nag-apir sila ng kanyang pinsan. "Ayon magkasama na ang mag-pinsan na parihong babaero," Wika ng tito niya na nakangising yumakap sa kanya. "Dad, ayos lang na mambabae kami, magtaka ka kung manlalaki kami. Diba pinsan?" Hindi siya sumagot rito at humagalpak na lang siya ng tawa. "Kahit kailan tarantatado ka talaga Karl." wika ng tito niya na nakangisi rin iyon. "By the way Healer, bukas ng maaga tayong aalis papunta sa Morgan Hotel Corporation Office." "Speaking of the Hotel. Pinsan, may ipakilala ako sa'yo' na napakagandang chiks, sa pagkakaalam ko hindi pa ito nagkaka boyfriend kahit ang daming pumuporma rito na mga mayayaman." "Bago pang-babae ang atupagin ninyo, ang unahin muna ay ang mga trabahong naka atang sainyo. Ikaw Healer bilang CEO at ikaw naman Karl, bilang Regional manager." "Tito Greg, wala akong alam sa pagpapatakbo ng kumpanya ni Daddy." "Pinsan madali lang yan, parang nagpapatakbo ka lang ng mga babae kung saan ang kiliti dun ka mag focus para makuha mo ito." "Magpinsan talaga kayo," wika ng tito niya habang nakangisi na nakatingin sa kanilang dalawa na nagtatatawanan. Tila ba nakuha nito ang ibigsabihin ng anak. "Sige Tito, I'll try to wake up earlier tomorrow morning. Para sabay na tayo papuntang opisina." "Siya sige, maiwan ko muna kayo mag-pinsan at ako ay magpapahanda ng hapunan natin kay Manang Lita." //// "Sa susunod na pumasok pa kayo ng late! You'll both are fired!", wika ng manager ng hotel na nakapamaywang iyon. Habang nakayuko sila ng kanyang kaibigan. "Yes po ma'am, pasensya na po ulit," wika niya rito'habang ang kaibigan ay bumubulong-bulong. "Pumunta na kayo sa mga trabaho ninyo!" Nakatungo silang pumunta sa kanya kanyang trabaho matapos masermonan. "Alam mo besh. Ito ang isa sa mga dahilan kung bakit nag-aaral ako habang nagtrabaho para hindi habang buhay ay utusan ako. Tingnan mo na-late lang tayo ng kaunting oras para na tayo kriminal itrato," wika nito na nakasimangot ngunit nakataas ang kanan kilay. Bigla siya naawa sa kaibigan dahil high school lang natapos nito kaya sa paglilinis ito nilagay. Maswerte na lang siya dahil iginapang ng mga nag-Ampon sa kanya ang pang kolehiyo niya noon kaya nakapagtapos siya ng Hrm. "Andrea, huwag kana malungkot. Ang mahalaga kahit paano may trabaho tayo." "Sige na nga. Ayan o happy na me! Basta pangako mo sa akin pag nakapag-asawa ka ng mayaman gagawin mo akong manager." "Loka-loka ka talaga! Malabo yun at aayawkong mag-asawa ng mayaman. Basta loyal at mahal ako okay na ako dun." "Posible yun besh. Ang daming nanliligaw sayong mayayaman at gwapo." "Tama na yan tara ng magtrabaho para yumaman na tayo," wika niya at ngumiti siya sa kaibigan. //// Pagkatapos nila maghapunan ay pumunta siya sa veranda para dun magpatuloy mag-usap ng kanyang pinsan. "Pinsan, naninibago ako sa'yo. Parang ang tipid mong magsalita ngayon at parang ang lalim ng mga iniisip mo?", Wika nito at sabay na inabutan siya ng isang bote na alak. Tumayo siya at kinuha niya iyon at tinungga at nagpakawala ng sunod-sunod na buntong hininga. Habang nakatalikod sa kanyang pinsan. "Pinsan sino-sino ba ang mga iniisip mo mga chicks? Huwag kang mag-alala marami akong ipakikilala sa'yo." "Karl, iisang babae lang ang gumulo sa isip ko ngayon. Ang babaeng madalas kung mapanaginipan, nakita ko siya kanina sa dalawang magkaibang lugar." "Pinsan, pwede pala yun na mapanaginipan ang isang tao na hindi mo pa nakikilala o nakikita man lang? Ang weird." "Hindi rin ako maka-paniwala ng makita ko siya kanina. Not once but twice' at ang weird lang dahil ng mag-kamay kami lumakas ang hangin at nagpatay sindi ang mga ilaw at nabasag iyon' at pagkatapos nawalan ito ng malay." "Hindi kaya siya ang soulmates mo? Teka, teka, sino yung girl at taga saan?" "Karl, alam mo naman na hindi ako naniniwala sa mga ganyan. Dahil hindi ako naniniwala sa pag-ibig. Sabe nun madre sa Marie orphanage ang pangalan nito ay Suhana Marie Valley." "Seryoso kaba pinsan? Siya yung sinasabe ko sa'yo na ipakilala ko na maraming nanliligaw na mayayaman," wika nito na napatayo pa iyon sa pagkakaupo. "Karl, hindi ako pwede magkamali ayun ang sabe sa akin nung madre." "Nagkataon lang ba yon o destiny?" "Karl, naguguluhan ako. Hindi ko rin maipaliwanag kung bakit ganito ang nararamdaman ko sa isang babae na ngayon ko lang nakita. Hindi ko nga alam kung taga-saan siya," wika niya na tinunggang muli ang bote na may lamang alak. "Pinsan, mahirap maipaliwanag yung pagtatagpo ninyo at yung nararamdaman mo para sa kanya. Ngunit madaling malaman kung taga saan siya dahil sa mismong hotel ninyo siya nagtrabaho." "Karl, samahan mo ako bukas puntahan natin si Suhana after namin ni tito pumunta sa office." "Walang problema pinsan, anytime! Pero kakaibang babae yun si Suhana, dalagang Pilipina. Ang balita ko aayaw nun sa mayaman na manliligaw." "Ganoon ba? Eh di mamalimos ako sa kanya ng pag-ibig," birong wika nito habang nakangisi. "Ibang klase ka talaga pinsan matinik sa chicks. Goodluck dahil sa pagkaka-alam ko pinupormahan rin iyon ni Reyven." "Si Reyven yung uhogin na bata noon? na anak ng kaibigan ng daddy ko?" Tumango ang kanyang pinsan at sabay silang nagtawanan. Ng maubos ang kanilang iniinom ay naghiwalay na sila upang matulog na. Pag akyat niya sa kanyang silid ay nasilalayan niyang muli ang larawan ng namayapang ina. Hindi niya maiwasang malungkot hanggang sa namalayan na lang niya na namamasa na ang kanyang mga mata ng luha. Pinunas niya iyon at humiga siya sa kanyang kama at ipinikit ang mga mata.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD