Chapter 2: Inexplicable incidents

1477 Words
"Ayos lang, pasensya na rin dahil sa pagmamadali kung tumawid naabala ko pa kayo." "Nasaktan kaba? Pasensya ka na rin miss hindi ko napansin ang pagtawid mo." "Kaunting galos lang po ito, pasensya na talaga at aalis na rin kami." "Ay naku pasalamat kayo at mabait itong kaibigan ko! Dahil kung hindi mauupakan ko talaga ang gwapo mong amo!", Wika nito na tiningnan siya ng masama mula ulo hanggang paa. Napailing na lang siya sa kaibigan at pagkatapos hinila na niya ito palayo roon. "Besh, bakit mo ako pinigilan? Tuturuan ko lang sana ng leksyon ang lalaking yun! Ni mag sorry wala napaka walang puso. Gwapo sana kaya lang mukhang masama ang ugali!" Napansin rin pala ng kanyang kaibigan ang lalaking titig na titig sa kanya kanina. Gwapo ito at pakiramdam niya ay nababalot ng lungkot ang mga mata dahil sa mukha nito na bukod sa madilim ay hindi man lang yon ngumingiti. "Besh, tama nayan dahil malapit na tayo." Tumigil naman ito at nagpatuloy na sila sa paglalakad papunta sa bahay ampunan. //// "Sir Healer, ayos ka lang po ba?", Wika ni Mang Pedring habang nagpapagas sila sa gasolinahan. Pansamantalang nakahinto ang sasakyan. "Ayos lang ako! Ang iniisip ko yung babae kanina. Sino siya at saan siya nakatira?" "Sir, huwag muna po alalahanin yung magandang babae kanina. Nakausap ko na po ito at ayos lang siya." "Hindi ko siya inaalala!" Madilim ang mukha na wika niya rito. Kahit sabihin niya rito ay hindi pa rin nito siya maiintindihan dahil maging siya ay naguguluhan rin. Kaya mas pinili na lang niya sarilihin ang tungkol sa babaeng kaharap kanina. //// "Vino, ipaayos mo ang magiging opisina ni Healer. Simula bukas siya na ang bagong CEO ng Morgan hotel corporation at hindi na si Reyven." "Seryoso sir?" giatay tapos na ang maliligayang araw namin." "Oo kaya sabihan muna ang lahat ng manager at staff ng hotel na asahan na nila pagdating ni Healer sa lahat ng branch ng morgan hotel. Maghanda sila dahil natitiyak kung may malaking pagbabagong mangyayari," Wka ni Grego na nakatingin sa malayo. "Good luck na lang sa akin. Kilala nating pariho ang ugali ng pamangkin mo sir, wala itong sinasanto at malayo ang ugali nito sa kapatid mo." "Vino, bilang ikaw ang personal assistant ni Healer. Ikaw na ang bahala magpasensya sa kanya." "Sige sir, tawagan ko muna ang lahat ng branch ng hotel." //// Masaya siya sinalubong ng mga bata sa bahay ampunan at ng mga madre sa pangunguna ni Sister Grace. Niyakap niya ang mga ito at ganoon rin ang mga iyon sa kanya. "Namiss ko kayo! Payakap nga sa mga batang yan," Wika niya isa-isang niyakap ang mga bata. "Ate Suhana, sino po yang pandak na babae kasama mo?" "Aba ikaw na bata ka! Grabe ka makapagsalita ng pandak!", wika nito inirapan iyon. "Siya ang Ate Andrea ninyo best friend ko." "Hello, Ate Andrea!", Wika ng lahat ng mga batang naroroon. "Mga bata bumaba na kayong lahat dahil mag-uumpisa na program. Maraming pagkain at regalo ang ipinahanda ni Don Pablo Para sainyong lahat," Wika ni Sister Grace sa mga bata. "Yehey!!" sigaw ng mga bata at nagtatalon ang mga iyon sa tuwa at isa isang bumaba.. "Sister Grace, dumaan lang ako para mangumusta sainyo dito." "Ikaw talaga bata ka, nagabala kapa. Siguro hindi ka nagpaalam sa mama at papa mo ano?" "Sister, huwag muna po sana mauulit kila mama at papa," Wika nito habang nakanguso. "Sinasabe ko na nga ba'. tsk! tsk! Diba palagi kung paalala sainyo na masama ang magsinongaling?" "Sister, bakit nga ba pinagbabawalan siya na pumunta dito? Ano bang dahilan ng parents niya?" Singit sa usapan ng kanyang best friend. "Ay naku nariyan na ang mga tao ni Don Pablo, ang mabuti pa ay bumaba na tayo para matulongan natin sila sister sa pag-asikaso sa mga bata," Pagiiba nito sa usapan at pagkatapos tumalikod na iyon para magtungo sa ibaba. Kibit balikat na lang silang sumunod rito. //// Pagdating niya roon ay sinalubong at bumati ang mga madre at ilang mga tao ng kanyang ama. "Hello po Sir Healer Morgan, ako po si Sister Grace," Wika nito na magiliw na iniabot ang kamay sa kanya. Ngunit tiningnan lang niya yon at inilagay ang mga kamay sa bulsa at kunot noo na nilagpasan ang madre at ang mga kasama nito. "Sister, pasensya na po kayo sa inasal ng anak ni Don Pablo," Wika ng isa sa mga tao ni Don Pablo. Ngumiti ang madre at pumasok na rin sa loob kung saan naroroon ang mga bata. Palapit na siya sa kung saan naroroon ang mga tao ng kanyang ama na abala na binibigyan ng pagkain ang mga bata na naroroon. Hanggang sa bigla masipat ng mga mata ang babaeng pamilyar sa kanya. Ang babae sa kanyang panaginip ang babaeng muntik na nilang masagasaan kanina. Magiliw nito na inaasikso ang mga bata habang magiliw rin ang mga bata rito at halos panay yakap ang mga iyon rito. Tila ba kay sarap pagmasdan nito na nakangiti iyon. Litaw na litaw ang ganda nito sa suot nitong pulang damit na hangang tuhod at ang mukha nito na parang manika at mga labi nito na natural na may kulay iyon na mamula-mula na para bang kay sarap halikan ng mga labi nito. Napalunok siya ng bigla itong tumingin sa direksiyon niya at ngumiti iyon pakiramdam niya lumundag ng bahagya ang kanyang puso. "Besh, diba siya yung lalaki kanina na muntik ng pumatay sayo?" "Nakita mo rin pala?", Wika niya rito na nakatingin parin kung saan yon nakatayo. "Oo naman. Siguro kung wala lang mga bata dito sinugod ko na ang lalaking yan," Wika ng kaibigan na nakataas ang kanan kilay. "Ikaw talaga kalimutan mo na yon dahil ayos lang naman ako." "Sir Healer, umupo muna kayo roon," Wika ng madre na nagpakilala sa kanya kanina. Kaagad siya sumunod rito kung saan ang itinuro nito na upuan. "Who is that lady?", Wika niya itinuro ito."Siya si Suhana Marie Valley. Katulad rin siya dati ng mga batang naririto noon ngunit may umampon na sa kanya. Madalas siya dumalaw dito dahil malapit sa kanya ang mga bata." Hindi mawaglit sa isip niya ito kaya hindi niya namalayan na nakaalis na pala ang madre na kausap at naroon na iyon sa mga bata ngayon. "Sister Grace, kilala mo ba ang lalaking yun? Panay tingin sa besh ko. At siya yung lalaki kanina na- hindi na nito naituloy ang sasabihin ng kurutin siya ni Suhana ng bahagya at pinandilatan siya ng mga mata. "Siya yung anak ni Don Pablo. Ang may pinaka malaking donasyon dito sa ampunan. Siya rin ang naglunsad nito para sa mga bata. Kaya lang hindi daw makakarating kaya ang anak na lang niya ang pinapunta." "Sana kung naging kasing bait rin siya ng ama niya panigurado ako na perfect guy ito para sa'yo. Suhana my besh!", Wika nito na ngumisi iyon sa kanya. "Ay naku, ikaw talaga Andrea. Malabo yun mayaman siya at ako ay mahirap lang." "Besh, sa pag-ibig hindi pinaguusapan kung mayaman o mahirap. Feeling ko talaga may gusto sayo ang lalaking walang puso. Tingnan mo iba kung tumingin sa'yo." "Kung ano ano ang nasa isip mo. Ang mabuti pa ay magbihis na tayo dahil may pasok pa tayo sa trabaho." Tumayo siya para hanapin ang banyo roon upang umihi muna bago lisanin ang bahay ampunan. Binabagtas niya ang pag akyat ng makita niya ito sa hagdan at sa pagmamadali nito ay sumabit ang takong ng sapatos nito sa semento at matutumba iyon sa direksyon niya' Upang hindi ito bumagsak sa semento at mahulog sa hagdan sinalo niya iyon. Kasabay nun napaliyad ito at napahawak yon sa batok niya dahilan para magtama ang kanilang mga mata. Hindi agad siya nakapagsalita dahil sa naamoy niya ang pabango nito at ang hininga nito na nagpatigil sa kanyang posisyon sa mga oras na iyon. "Hoy, lalaking walang puso anong ginagawa mo sa kaibigan ko?", Wika nito na tumakbo sa kinaroroonan nila. Dun pa lang siya bumalik sa realidad. "Besh, wala siya kasalanan. Katunayan niligtas niya ako dahil mahuhulog sana ako sa hagdan. Sinalo niya ako." "Mr. Morgan thank you so much," Wika niya iniabot ang kamay rito. Hindi iyon nagsalita pero inabot nito ang kamay nya' Biglang lumakas ang hangin at ang mga ilaw ay nagpatay sindi at maya maya pa ay sumabog ang mga iyon. Dahilan para matakot ang mga naroroon at nagsiupo at inilagay ang mga kamay sa ulo upang hindi matamaan ng mga ilaw na sumabog na patuloy parin na nahuhulog mula sa taas. Ang mga bata ay nagsi-iyakan dahil sa takot. "Oh Lord Jesus please help us!", Wika ni Sister Grace na nakapikit habang hawak ang rosaryo nito. Natigilan siya sa mga nangyari sa mga oras na iyon kayat hindi agad siya nakakilos sa kanyang kinauupoan at huli na niya ng napansin na nasa kandungan niya ang dalaga at wala itong malay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD