Pabuntong hininga siya umupo at sumubo ng isang french fries at maya maya pa ay hindi niya namalayan na may ilang butil ng luha sa kanyang pisngi ang dumaloy. "Sabe ko na nga ba na, you are not okay. Suhana, kahit binasted mo ako, I'm still here for you and I am still concerned about you because I love you," Wika nito na pinunas ang butil ng luha sa kanyang pisngi. Napatitig siya sa mukha ng binata dahil makikita rito na kung gaano ito ka seryoso sakanya at nasabe pa nito ang katagang mahal siya na hindi nasabe sa kanya ng kasintahan dahilan para mas bumuhos pa ang mga luha niya. "Sssh... Suhana, hindi ako sanay na makita kang malungkot at umiiyak. Para gumaan ang iyong pakiramdam ilabas mo yan at ng gumaan ang pakiramdam mo," "Reyven, mahirap pala mag mahal sa hindi mo kauri. I mean yung

