Maging sila Andrea Liza Shiela ay hindi makapaniwala na ipinatanggal sa trabaho ang kanilang kaibigan kaya nilapitan ng mga iyon at niyakap ito ng mahigpit. "Anong drama yan? Huh! Andrea, Shiela, Liza, mag trabaho na kayo! Ikaw naman Suhana makakaalis kana," Pasigaw na wika na inirapan siya nito bago tuluyang umalis. "Ito talagang si Manager Maricar, halata na napakalaki ng galit sa'yo Suhana," Wika ni Liza. "Hindi siya galit kay Suhana kundi naiinggit. Ikaw ba naman ang magkaroon ng beauty na mala Marian Rivera oh," Wika ni Shiela hinaplos pa nito ang mukha niya at pinunas ang mga luha niya sa pisngi. "Sssh... Besh, kahit anong mangyari nandito lang kami for you kaya huwag ka ng umiiyak," Wika ng kanyang best friend na niyakap siya nito. "Huwag kayong magalala ayos lang ako ang mabuti pa

