"Hoy!" Bigla akong napalayo kay Williams nang marinig ko ang boses ni Aimey. Nang tingnan ko siya ay nakangisi na ang bruha, at nakatingin sa baywang ko kaya napatingin din ako't biglang inalis ang braso ni Williams na nakapulupot sa'kin. Kaloka! "Aimey!" Tumayo ako't hinatak siya palayo. "Bakit mo iniwan si fafa?" "Ano bang pinagsasasabi mo?" "May pa-yakap na." Umirap ako. "Wala lang iyon." "Don't me, Farahley." "Wala nga lang iyon. Masyado kang ano diyan," sabi ko at hinila na siya hanggang sa makapasok kami ng classroom. Napatigil pa ang mga kaklase namin at tumingin sa'kin na parang naawa, iyong iba naman ay nakangisi kaya napailing na lamang ako. Nakakalap lang ng tsismis, ganiyan na sila. "Nga pala..." Umupo si Aimey sa tabi ko't humarap sa'kin. "What happened na naman

