"Siguro fan ka ng ferris wheel, 'no?" Agad kong tanong nang makasakay na kami ni Williams. "Kind off." "Tinalo mo pa ako." Natawa ako't binalingan ang labas nang mag-umpisa na itong gumalaw pataas. "I'm not a fan of ferris wheel. Parang ang korni kasi, you know, mga jowa thingy na napapanood sa mga drama." "This is the best ride, Farahley." "We'll see." Nakatanaw lamang ako sa labas, ramdam ko naman ang titig ni Williams sa'kin kaya medyo naiilang ako't ayaw ko siyang balingan ng tingin. Bakit ba naman kasi sa'kin siya nakatitig? Kaya ba kami sumakay rito para magtitigan? Napailing na lamang ako sa aking naisip at halos mapanganga nang tuluyan na kaming tumigil sa tuktok. This is... This is literally breathtaking. "Wow!" Lumingon ako kay Williams. "This is amazing!" "Indeed." N

