Chapter 3: Lips

1882 Words
Nakahiga na ako sa aking kama. But still, I can’t sleep! What the heck is happening to me? Nagpagulong-gulong na ako sa aking kama, nagbilang ng mga tupa, stars, at kung anu-ano pa. But his face keeps flashing throughout my mind. Para tuloy akong baliw. Need ko na ata mag-night out tomorrow since it’s Friday. Yah! Yayayain ko na lang si Aimey and the squad para bukas. Well, ‘yong squad ay sa ibang university nag-aaral, pero we make time naman for each other. I’m sleepy… Pero ayaw pa rin talagang matulog ng aking isipan. Jusko po! Ayaw kong magmukhang zombie bukas. --- “Oh my! What happened? Parang first time mong pumasok ng puyat, ah?” Natatawang tanong ni Aimey habang wala sa sarili akong nakaupo. Kahit lagyan ko pa ng concealer ay halata pa rin dahil sa mukhang pagod kong mga mata. “Nothing. It’s just that… Nahirapan lang ako matulog.” Nangalumbaba ako’t pilit na nilalabanan ang pagpikit. Imagine… 3 hours lang ang tulog ko! Tapos napaka-aga pa ng pasok namin. My goodness! “Siguro may iniisip ka ‘no?” Tanong ni Aimey at saktong-sakto pa dahil biglang pumasok si Williams na naka-v-neck white shirt and ripped jeans. Medyo messy rin ang hair niya’t halatang bad trip pa. “Woi!” Napatalon ako sa aking kinauupuan nang sigawan ni Aimey ang mismong tainga ko. “Huwag ka ngang sumigaw,” sabi ko’t napahikab. Pero agad ding napatigil nang mahuli ko ang masasamang tingin ni Williams. Ano na naman? Hindi niya pa rin ba nakakalimutan ang nangyari kahapon? Ako ba talaga ang sisisihin niya? Kasalanan ko bang insecure ang girlfriend niya sa’kin? Psh! Feeling naman kasi ng girlfriend niya ay napakaganda niya na, porket jowa niya ang napakagwapong nilalang sa mundong ‘to. At saka did I said na she looks like an angel? Well, that’s right. Pero grabeh ‘yong pag-uugali teh! May patulak-tulak pa, eh ako nga ‘pag nakikipag-break ayos lang. Hmp! Akala niya naman. “Bakit ang sama ng tingin sa’yo ni papsi Williams?” Tanong ni Aimey at saka sinuklay ang kaniyang buhok. Chismosa rin ‘tong si Aimey. Nasaan na ba ang professor namin? Sinulyapan ko ulit si Williams at titig na titig pa rin siya sa’kin, iyong tipong kaya niya na akong patayin sa pamamagitan ng mga titig niya. Kinindatan ko na lamang siya at saka kinagat ang aking labi dahilan ng pagkunot ng kaniyang noo at pag-iwas ng tingin. Hah! Napaiwas ka ngayon? Ganda ko talaga! Minsan talaga uso rin umamin na attracted ka sa isang tao. Imposibleng ‘di ma-attract ‘tong si Williams sa’kin, eh halos lahat nga sa University na ‘to ay gugustuhin akong makasama. Kaso inggrata rin ‘yong jowa niya. Hindi naman lahat ng nag-aaral dito ay naka-make out ko na. At duh! Hindi ako pumipili ng mas bata sa’kin ‘no. Teka, ilang taon na kaya ‘tong si Williams? Feeling ko hindi ko ‘to ka-edad, eh. Pero ano bang pakialam ko kung ilang taon na siya? Age is just a number. Charot! Siguro mga 4 or 5 years ang tanda nito sa’kin. Hay ewan! Bakit ko ba pinoproblema ‘yon? Pagdating ng professor ay agad nagsimula ang nakakalokang klase namin. Medyo inaantok na naman ako’t itong katabi ko naman ay malapit nang pumikit kaya kinukurot ko siya sa braso. “Awww!” Mahinang angil niya at saka sinamaan ako ng tingin. “Makakatulog ka na naman,” bulong ko’t medyo yumuko para hindi kami mahuli ng professor. Napaka-terror pa naman ng professor namin ngayon, kaya kailangang mag-behave kung ayaw mapatalsik palabas ng klase. Pero wala nang pumapasok sa isip ko lalo na sa tuwing mapapatingin ako kay Williams na sobrang seryosong nakikinig. Pakiramdam ko tuloy kahit saan o ano man ang gawin niya’y mananatili siyang seryoso. Naku po! Ngumingiti pa ba ‘to? Parang hindi na kasi. Baka mas magmukha siyang matanda niyan dahil hindi na-stretch ang kaniyang face. I-suggest ko kayang tumawa o ngumiti siya? Ay ‘wag na! Baka masapak ako niyan. Pero agawin ko kaya siya sa jowa niyang sobrang daming sinabi patungkol sa’kin? Eh, siya nga ‘yong b***h. Kung makapagsalita naman. Tsk. Ilang oras din ang klase at nakailang professor na rin. Nang mag-lunch break na, agad ko namang hinila patayo si Aimey dala ang aking lunch box na may lamang cake. Nag-uwi kasi si mommy kaya ito na lang din ang binaon ko. Malaking slice naman ang dala ko kaya hati na kami dito ni Aimey. At saka! Kaya rin ako nagmamadaling lumabas dahil napansin kong lalapitan ako ni Williams. Kinabahan ako ng very light kaya nahila ko si Aimey at hindi na kami nakapag-ayos ng aming sarili. “Bakit ka ba nagmamadali?” Tanong niya’t hinila ako para tumigil sa paglalakad. Humawak ako sa aking tiyan at saka sumimangot. “I’m super hungry na.” “Duh! Ano ba ‘yan? Bakit may pa-lunch box ka ngayon?” Pang-uusisa niya’t inagaw sa’kin ang baunan. “Uy, huwag mo buksan. Cake ‘yan, tara na nga,” sabi ko’t nagpatuloy na sa paglalakad. “Sa garden na lang tayo kumain. Libre ko na inumin natin,” sabi ni Aimey. “Sabi mo, eh.” Pagdating namin sa cafeteria ay dagsa ang ibang mga estudyante. Agad naman kaming pumila sa counter para bumili ng inumin. Maganda rin kasing kumain sa garden at mahangin at saka pwede namang kumain do’n dahil may mga tables and chairs din. Parang restaurant nga ang peg. Ewan ko ba. Napaigtad naman ako nang may umakbay sa’kin kaya agad ko itong nilingon at napairap nang malamang si Alezzander na naman ‘to. Pinagsawaan ko na siya, kaya no way on earth na matuloy ang naudlot na pangyayari. Tsk! “Hey,” bati ni Alezzander at akmang hahalikan ako nang bigla naman akong umiwas. My goodness! Hindi pa rin ba siya nakaka-get over? “Hey.” Inalis ko ang pagkakaakbay niya sa’kin dahil pinagtitinginan na kami at nakatatanggap na ako ng masasamang tingin galing sa kaniyang fans. Kaloka naman! Kung bakit ba naman naadik ‘to sa’kin. Pare-parehas talaga silang mga lalaki. Tsk! “Let’s go,” sabi ko kay Aimey nang makabili na siya. Narinig ko pa ang pagtawag sa’kin ni Alezzander, pero hindi ko na siya nilingon. Medyo napapairap pa ako lalo na’t nakikita ko ang ibang mga babaeng nagbubulong-bulungan. Nahiya pa ang mga ‘to. Ayos lang naman na lakasan nila dahil wala naman nang bago sa pandinig ko. Hmp! Nang tuluyan kaming makalabas ng cafeteria ay nakita ko ang likod ni Williams na naglalakad sa daang patungo sa auditorium. Kaya agad kong ibinigay kay Aimey ang baunan. “Una ka na doon. Susunod na lang ako, may pupuntahan lang ako saglit,” sabi ko’t nag-umpisa nang maglakad ng mabilis. “Anong—hoy saan ka pupunta?” Napailing na lamang ako sa lakas ng boses ni Aimey at saka mas binilisan ang lakad para mahabol pa si Williams. Hindi ko alam kung nagpapaka-stalker ba ako o talagang curious lang ako sa pupuntahan niya. Haller! Malay niyo namang puntahan niya pala ang jowa niya. Gusto kong malaman kung ano ang pag-uusapan nila. Mamaya kung anu-ano na naman ang sabihin ng babaeng ‘yon tungkol sa’kin. Grabeh! Hindi ko pa rin talaga matanggap na sinabi niyang nakikipag-make out ako sa lahat ng lalaki sa University na ‘to. Like, seriously? Napatago ako sa gilid, paliko sa daan papuntang library nang makita kong huminto siya sa paglalakad. My goodness! Naramdaman niya bang may sumusunod sa kaniya? Unti-unti akong sumilip at nakitang nagpatuloy na ulit siyang maglakad, kaya agad akong sumunod sa kaniya. Medyo binagalan ko lang ng kaunti dahil baka lumingon nanaman siya’t malalagot na talaga ako. May atraso pa naman ako dito mula pa kahapon. “Hey Far.” Tumango lang ako sa lalaking bumati sa’kin. Pamilyar ‘yong mukha niya, pero hindi ko maalala ang pangalan niya at kung saan kami nagkakilala. Napahinto ulit ako nang makita kong pumasok siya sa auditorium. So, talaga palang auditorium ang punta niya? Pero anong gagawin niya diyan? Alam ko sa mga oras na ‘to ay nagprapractice ang Academia Vale, iyong mga estudyante na kabilang sa actors and actresses sa University na ‘to. Bale ang mga miyembro ng Academia Vale ang nagpeperform lalo na ‘pag may importanteng events na need ng plays. Nag-umpisa na akong maglakad at saka dahan-dahang pumasok sa auditorium. Tama nga akong nagprapractice ang Academia Vale. Para saan naman kaya ang play nila? Ginala ko ang paningin ko sa paligid para hanapin si Williams. Muntik pa akong ma-bad trip at naisip na umalis na lang dahil hindi ko siya makita, pero naaninagan ko siyang nakatayo sa bandang dulo at nakatitig sa stage. Medyo lumapit ako ng kaunti para makita ang mukha niya. “Ang pogi talaga,” bulong ko sa sarili ko’t naupo sa upuan at saka tinitigan siya. Kapag ako siguradong hiwalay na sila no’ng girlfriend niyang napaka-kapal ng mukha, naku! Lalandiin ko na talaga ‘to. Pero syempre landi lang, bawal ma-fall. Bawal ‘yon sa laro ko. Ilang oras din akong titig sa kaniya at nakita ang medyo pagbabago ng kaniyang ekspresyon. Mas naging seryoso ang kaniyang mukha at nagulantang naman ako nang maglakad na siya patungo sa pwesto ko, napayuko tuloy ako. At saka ko lang napansin na lumabas na pala siya noong makita ko ang pag-sara ng pinto. Napatingin tuloy ako sa stage. Sa stage lang kasi siya nakatitig kanina. “The heck!” Bulalas ko nang makita ang halikan ng jowa ni Williams at ni Dariel, nakasayaw ko sa isang bar dati. Kaya pala nag-walk out! Eh, sino ba naman kasi ang hindi magwawalk out kung makita mo ang jowa mong may kahalikan? Tapos lips to lips pa! Parang gusto ko tuloy paduguin ang labi ni girl. Aish! Bakit ba ako naiinis? Inis na lamang akong tumayo’t lumabas na. Pero agad ding napatigil nang makita si Williams na nakatayo sa gilid. Patay! Huli ka ngayon Fara! “Hi?” “Are you stalking me?” Tanong niya. At dahil honest naman akong tao. Nginitian ko siya’t nilapit ang mukha ko sa mukha niya. “Oo, bakit? Kita ko nga jowa mo, may kahalikan. Sa lips pa!” In-tap ko naman ang dibdib niya. “Sakit ba? Akin ka na lang.” Kinindatan ko siya at saka nakangiting naglakad na paalis. Maaadik ka rin sa’kin katulad ng ibang lalaki. Pagdating ko sa garden ay sinalubong ako ng batok ni Aimey. “Bakit ang tagal mo? Akala ko ba gutom ka na?” “Sorry, napalayo.” “Ewan ko sa’yo,” sabi niya at saka nag-umpisa na kaming kumain. Ako naman ay napapangiti tuwing naaalala ko ang mga sinabi ko kay Williams. Imbes na mahiya ako, mas lalo pa akong ginanahan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD