Chapter 4: Night Out

1752 Words
"Uy mamaya ha, SABAR tayo huwag mong kalimutan at saka sabihan mo na rin sila Weyla." Inayos ko ang buhok ko at saka napahawak sa strap ng aking bag, napatingin pa ako sa ibang estudyante na wagas kung makatitig sa'kin. Masyado ba talagang angat ang presensya ko at ganiyan sila makatingin sa'kin? "Paulit-ulit ka. Oo na nga. Akala mo naman ay hindi ako makararating." Napairap na lamang ako at saka sumakay na sa aking kotse. "Una na 'ko!" "Ingat!" Sigaw niya at kumaway na nang mag-umpisa kong paandarin ang kotse. Buti na lang talaga at wala sila mom ngayon, walang sermon na magaganap bago ako makaalis. And yah! I'm so excited to see our squad again. Well, we're just five in the group at hindi naman kasi kami 'yong tipo ng tao na napakaraming kaibigan o miyembro ng isang squad. Nabuo lang ang squad namin dahil sa family gatherings. I'm so thankful that our families are close with each other. Kung hindi dahil sa closeness, wala sanang squad ngayon. Since I'm only child, sila na 'yong tinuring kong parang tunay na mga kapatid. It's so sad kaya 'pag mag-isa ka lang sa bahay at buti na nga lang ay mula noong mga bata pa kami ay nandiyan na sila, kaya sobrang tatag ng friendship namin. Nagkahiwa-hiwalay lang naman kami noong mag-college, but still, nagkikita pa rin naman kami because of family gatherings. Minsan naman ay nagba-bar kami for fun at dahil sa kanila rin kaya ako natutong uminom at mahalin ang salitang 'party' at saka 'di rin naman istrikta ang mga magulang nila, unlike mine. SABAR ang paborito naming tambayan. It's located lang naman sa BGC, malapit lang sa village namin. And to be honest, gusto ko na sanang bumili ng condo at bumukod. But my parents didn't allowed me kaya no choice kundi ang mag-stay sa puder nila. Pagdating ko sa bahay ay agad akong dumiretso sa aking kuwarto upang maligo. Nasanay na rin kasi akong sa tuwing uuwi ng bahay ay magsho-shower. Ewan ko ba, pero I just want to maintain my body clean. Kahit 'di na malinis ang kalooban ko. Charot lang! Pero yah, hindi naman na talaga. But I do have my monthly pills for protection. Duh! Mahirap na at baka mapatalsik ako sa pamamahay na 'to. Hindi pa naman nila alam ang iba pang pinaggagagawa ko sa buhay ko. I'm not a rebel ha, I just want to explore and have fun. Duh! "Good afternoon, Manang Lilie," bati ko nang maabutang naghahain ng pagkain si manang. Well, she's a loyal servant. Simula noong bata pa ako ay nandito na siya. Sana all loyal. Jowa mo ba loyal din? O royal? Charot! Ano ba itong mga pinagsasasabi ko? Nang makaupo ako sa upuan ay agad na kumalam ang aking sikmura dahil sa mga pagkain na nakahanda. Pero nakakalungkot naman, kasi kakain akong mag-isa. Nang ilapag ni manang ang plato ay agad akong napatitig sa kaniya. Napangiti ako sa naisip. "Manang sabayan niyo na po akong kumain." "Ano bang pinagsasasabi mong bata ka? Alam mo namang bawal," sabi niya't napailing-iling pa. "Eh, wala naman sila. Tara na! Tawagin mo na po 'yong iba niyong kasama. Hindi ka po ba naaawa sa'kin? Mag-isa lang akong kakain dito tapos napakarami pa ng nakahanda. Kaya please..." Medyo kinurap-kurap ko pa ang mga mata ko at tinodo ang kaawa-awang mukha. Napailing na lamang siya't napabuga ng hangin. "Sige na nga. Ikaw talaga! Tatawagin ko muna ang iba." "Yehey! Thank you manang, I love you!" Ganado kong sabi habang hawak ang kutsara at tinidor. "Good afternoon ma'am." "Hi madam." "Good afternoon po." "Hello po." Nginitian ko silang lahat at saka sinenyasan na maupo. Pakiramdam ko pa nga nagkakahiyaan sila kaya pabagsak kong inilapag ang kutsara ko't tinidor. Bakit pabagsak? Syempre! Para intense, alam niyo 'yon? Iyong parang sa mga drama sa television na kung saan ang supladang bida ay parang galit or inis na. Pero bigla akong napahagalpak nang makita kong napalunok sila. Natakot ba sila? Grabeh! "Hahahahaha! Umupo na kayo mga ateng at lumalamig na ang mga pagkain. Huwag na kayong mahiya at matakot diyan dahil 'di naman ako nangangain ng tao." Napatingin ako kay manang Lilie at saka nginitian siya. "O siya! Siya! Magsi-upo na nga kayo at ganiyan talaga ang batang 'yan, pero mabait 'yan." Nangalumbaba lang ako't pinagmasdan sila na umupo't tumingin sa'kin. "Salamat po sa paanyaya, Ma'am." Tumango lang ako. "Walang anuman. Kain na tayo! Gutom na ako." Nagtawanan naman kaming lahat dahil sa sinabi ko. Mas masaya talagang kumain kapag marami kang kasabay. Sumisigla kasi ang hapag-kainan. Pagkatapos naming kumain ay agad na akong umakyat ng kuwarto para gumawa ng mga gawain na kailangang ipasa. Ang iba kasi ay bukas na ang deadline at saka may presentation na naman kami bukas. Tatlong buwan na lang kasi ay Christmas break na kaya parami nang parami ang mga dapat gawin at lalong humihirap sa bawat araw. Pero kaya pa naman, minsan ay nagpapatulong ako kay mom. Ilang oras din akong gumawa hanggang sa maramdaman kong pumikit na lamang ang aking mga mata. --- "Hoy, gumising ka na!" Napatakip ako sa aking tainga at saka iritadong iminulat ang mga mata. "Anong—oh my! Bakit nandito ka?" Gulat kong tanong nang makita si Aimey na nakapamaywang sa harapan ko. Bigla niya naman akong kinotongan kaya napabangon ako habang sapo ang aking ulo. "Ano ba?" "Sabi na nga ba! Buti dinaanan kita." Humikab ako at saka tumingin sa itsura niya. She's wearing a crop top and ripped jeans. Kapal din ng make-up niya ngayon. Saan ba—okay naalala ko na! "Sorry, ligo muna ako. Nakatulog pala ako." Tinanguan niya na lang ako at saka naupo sa aking swivel chair. Pagkatapos kong maligo ay agad kong sinuot ang aking tube top, partnered with my maong shorts. Isinuot ko rin ang aking denim jacket at tinali ang aking buhok. Naglagay na rin ako ng foundation sa mukha at saka red lipstick, hindi ko naman na kailangan pang maglagay ng eyeshadow or anything on my face dahil maganda naman na ako. I just need my lipstick dahil medyo maputla ang aking lips and a foundation para naman maging fresh ang aking face. "Nandoon na ba sila?" Tanong ko habang inilalagay ko sa sling bag ang aking wallet, lipstick, foundation, and phone. "Yes, tumawag sila kanina while you're taking a shower. Kung bakit ba naman kasi nalimutan mo at nakatulog ka nang dahil sa kasipagan mo, eh," nakangiwi niyang sabi habang pinanonood akong mataranta. "Let's go, I'm done." Agad kaming lumabas ng kuwarto. Nagpaalam muna ako kila manang na ako'y aalis, pero hindi ko sinabing bar ang pupuntahan ko dahil talagang malalagot ako at ayokong ma-grounded. Baka akalain pa ng mga magulang ko na nagre-rebelde ako. Like what the hell, right? Sumakay na ako sa driver's seat, si Aimey naman ay naupo sa shotgun seat at saka nag-seat belt. Nagpahatid lang pala siya sa driver niya at as usual, ako na naman ang maghahatid sa kaniya mamaya dahil nga sa tuwing may night out kami, siya ang pinaka-lasing sa'min. Ako naman ay medyo lang, baka kasi mahalata ng mga tao sa bahay. I need myself sober 'til I got home. "You know, sana 'di ko siya makita doon. Naku talaga!" Medyo napalingon ako kay Aimey at saka nag-focus sa kalsada. "Why? Don't you want a closure? And, one year na mula noong naghiwalay kayo. Pero bakit parang hirap na hirap ka sa pagmomove on?" She heave a sigh. "Oo nga, hiwalay na. Pero ang walang hiyang singer na 'yon, binubulabog ako ng mga fans niya! Did you remember naman diba noong pumasok akong dugyot? As in ewww!" "Yeah. Bakit ka ba ginugulo ng mga fans?" Natahimik siya, kaya napalingon ako ng kaunti. "Don't tell me..." "Yeah, ilang beses niya na akong nilalapitan and he wants me back! My goodness! Oo mahal ko—" "What? You still love him? Eh kaya naman pala hirap na hirap ka sa pagmo-move on!" "Kasi—" "We're here! Huwag mo na ituloy dahil hindi ako interesado sa mga topic about love keme churva na 'yan. Mas masayang maglaro," sabi ko't bumaba na. Pagbaba ni Aimey agad niyang inangkla ang kaniyang kamay sa aking braso. Napailing na lamang tuloy ako't naglakad na kami papasok ng bar. Duh! This is it! I miss this! Ilang linggo ko rin itong hinintay. "Where are they?" Tanong ko kay Aimey nang makapasok sa loob. Pero ang babaita, patingin-tingin lang sa paligid. Okay, she's looking for the singer. "Hey!" Sigaw ko para maagaw ang kaniyang atensyon. "What?" "Nasaan sila?" Napaisip naman siya't agad akong hinila papunta sa taas, sa second floor kung saan naabutan namin ang mga kaibigan naming nag-iinuman na't may kausap pang mga lalaki. Aba! Ni hindi man lang kami hinintay ng mga 'to. "Oh my! Weyla, Talie, and Peyli!" Sigaw ni Aimey kaya sabay-sabay silang napalingon sa'min. "Oh my!" "Aimey!" "Farahley!" Nang tuluyan kaming makalapit sa kanila'y agad kaming nag-beso-an at niyakap ang isa't isa. "I miss you girls," I said as we sat on the couch. I called for a waiter and ordered some drinks. Umalis na rin 'yong mga boys na kausap nila kanina. "Who are that guys?" Aimey asked curiously. "Kakilala namin sa school." Napatango lang kami. Akala ko naman ay humaharot na agad sila. I know them, nagiging wild lang sila 'pag lasing. Tipong hihila na ng kung sino-sinong lalaki at makiki-one night stand. Buong gabi silang tatayo... Charot! Ang waley ko naman. Isang oras na rin at panay ang inuman. Um-order pa nga sila ng beer at ibang hard drinks. Ngayon ay mamula-mula na sila, ako naman ay medyo maayos pa dahil kaunti pa lang naman ang aking naiinom. Mahirap na dahil mamaya ay ako ang maghahatid kay Aimey. "Let's go! Dance tayo sa baba." Agad kaming hinila pababa ni Aimey at papuntang dance floor. "This is the party!" Sigaw ko't nag-umpisa nang um-indayog ang katawan. I touch myself and started dancing. Swaying my hips side by side at parang pakiramdam ko'y nawala ako sa mundong aking ginagalawan. The feeling is f*****g hot! Gosh! "Hey babe." I smirked as the guy snaked his arms on my waist. "Hey handsome." I kissed him. Kahit na hindi ko siya kilala. "On my condo?" I nodded and kissed him again. Sorry Aimey, mukhang hindi kita maihahatid sa inyo. Nakabinggwit ang ate mo! I felt him touching my mounds. "That's awesome! Let's go." Paalis na sana kami nang may humawak sa kamay ko. "Where do you think you are going?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD