Nanlaki ang mga mata ko't hindi makapaniwala sa aking nakikita. Baka naman nagha-hallucinate lang ako dahil sa nainom kong alak?
Pero hindi! Parang totoo talaga. Hindi pa naman ako ganoon kalasing para makakita ng kung sino-sino, hindi naman ako high, kaya imposible. Umiling-iling ako't pasimpleng kinusot ang aking mga mata, nagbabaka-sakaling guni-guni ko lamang ang lahat.
"Hey! Bitiwan mo siya, we need to go. Sino ka ba?" Iritadong tanong ng lalaking tunog bitin sa nangyari.
Gustong-gusto na talaga akong i-kama ng isang 'to, katawan lang talaga ang habol ng ibang lalaki sa bar na 'to. Tsk!
"Where are you going?" Tanong niya na nakadirekta sa'kin at binigyan ako ng maririing titig. Napalunok na lamang ako't napatingin sa lalaki.
Bakit parang natakot ako bigla?
Kawawa naman 'tong isang dadalhin ako sa condo, at feel ko ay mala-rapunzel ang ganap ko ngayong gabi. Grabeh, haba ata ng hair ko at mayroong dalawang lalaki sa aking harapan.
"Sa condo raw niya," inosenteng sabi ko't itinuro ang lalaking kasayaw ko kanina. Mukhang bad trip na nga 'yong lalaki, eh. Pero ewan ko ba kung bakit wala akong pakialam.
Napakunot-noo siya't hindi makapaniwalang tinitigan ako. "What?"
Napairap ako at saka hinawi ang aking buhok. "Ay bingi?"
Uulitin ko pa sana ang sinabi ko kanina nang hilain niya ako papunta sa tabi niya, dahilan ng pagkaka-patid ko. Ang sakit!
"What the hell! What is your problem?"
"Ano bang problema mo, pre?" Tanong ng lalaking nawawalan na ng pasensya.
Shit! Bakit pakiramdam ko magkakaroon ng away? Ano ba kasing problema nitong si Williams? Ang lakas din naman pala ng topak ng isang 'to. Bakit 'di na lang siya maglasing tutal ay broken siya? Grabeh! Kami pa talaga ang ginugulo.
You read it right! Si Williams lang naman ang nanggugulo sa'min. The last time I remember ay pinagkamalan niya akong stalker na totoo naman.
Napangisi ako nang wala sa sarili at saka umangkla sa braso niya. "So... You're starting to like me na ba? Ang bilis naman, ni hindi pa nga ako nag-uumpisa."
Umigting lang ang kaniyang panga't hindi ako nagawang sagutin dahil nakikipagtitigan siya sa lalaking kasayaw ko kanina, na ngayon ay mamula-mula dahil sa inis.
Ano 'to? Bromance? Charot!
"Let's go," sabi ni Williams at hinawakan ako sa braso. Hindi pa man kami tuluyang nakakalakad ng pabagsak na humawak ang lalaki sa balikat ni Williams. Uh-oh!
Ang hirap talagang maging maganda, pinag-aagawan ng wala sa oras. Kaloka!
"Saan mo siya dadalhin?" Naramdaman ko ang paghigpit ng kamay ni Williams sa braso ko at saka hinarap muli ang lalaking ayaw magpa-awat.
Medyo gusot na nga ang mukha ko dahil sa higpit ng hawak niya sa braso ko. My goodness! Pakiramdam ko'y magkakapasa ako dahil dito. Parang nawala 'yong kaunting tama ng alak sa'kin dahil kay Williams.
Nakakaiyak... My flawless skin!
"Wala ka nang pakialam kung saan ko siya dadalhin. Kaya kung maaari, pakitanggal ng marumi mong kamay sa balikat ko kung ayaw mong umuwing may pasa sa mukha," seryosong sabi ni Williams.
Wow? Bakit parang bumilib ako sa sinabi niya? Gosh! Ang cool niya. Iyong feeling na ganito iyong mga scenes na nababasa ko sa ibang mga nobela, nakaaaliw!
"Bakit? Sino ka ba at ang angas mo? Sino ka ba, ha? Boyfriend ka ba niyan?"
Naloka naman ang aking kaloob-looban dahil sa sinigaw ng lalaki. Kaunti na lang talaga makakapanood na ako ng boxing dito, pero ayos lang, handa naman ako para i-cheer sila. Mukhang maganda kasi manood ng live boxing na hindi naman boxers.
Away na 'yan! Away! Awa—
"Oo. May problema ka ba doon?" Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ni Williams. Natameme rin ang lalaki at wala sa sariling tinanggal ang kaniyang kamay sa balikat ni Williams, hinila naman ako paalis ni Williams. Tulala lang ako dahil gulat pa rin sa mga pangyayari.
Paglabas namin ay agad akong napahinto at hinila pabalik ang braso kong namumula dahil sa higpit ng hawak niya.
Gosh! Ano bang problema nitong isang 'to? Kung makapag-react naman 'to akala mo ay may gusto sa'kin. Haller! He still love his bitchy ex-girlfriend kaya. Kaloka! And what I hate the most ay iyong pakialamero.
This night is going to be fun, not until he came out of nowhere and kung anu-ano na ang pinaggagagawa at pinagsasasabi. I'm turned on earlier, but he ruined it! So he needs to return the favor.
"What's your problem?" Tanong ko't nilapitan siya. Inilapit ko ang mukha ko sa mukha niya't nakita ang sobrang seryosong mukha niya.
Ang kinis pa ng mukha, tinalo pa ako. Gosh! Why so handsome naman?
Napangisi ako't hinawakan ang pisnge niya. Nalalasing ako sa seryosong mga titig niya. "Bakit bigla-bigla kang sasawsaw sa kung anong balak naming gawin? At boyfriend? Akala ko ba ayaw mo sa'kin?" Mas nilapit ko pa ang mukha ko. Unti na lang ay maglalapat na ang mga labi namin. "Ano? Hindi ka man lang ba magsasalita?"
Naramdaman kong hinawakan niya ang baywang ko't hinila palapit sa kaniya na talagang ikinagulat ko. "Can you please stop flirting with me? I don't care if you f**k anyone in this bar."
Napangisi ako. "Wala ka naman palang paki, eh bakit hinila mo ako palabas at sinabi mo pang boyfriend kita? Why? Are you really kidding me? Ayos lang umamin."
"Maganda ka sana. Kaso... Tanga ka. You're drunk and you let men to f**k you. Just f**k them when you're sober. Para naman mas masarapan ka. Iyon naman ang gusto mo diba? To let men pleasure you. Kaya hinding-hindi kita magugustuhan. You're nothing but a slu—" napatigil siya nang masampal ko siya.
His words are hurting my heart! Pero bakit? Dapat nga ay ayos lang sa'kin 'yon. Pero first time 'to! First time kong makatanggap ng mga ganoong salita mula sa bibig ng taong bet ko. Jeeez! Nakaka-turn off ha!
"You know nothing," sabi ko't nag-umpisa nang maglakad palayo. Naramdaman ko rin ang panginginig ng mga kamay ko.
I'm breaking...
"Yeah, but I know what you are up to. If you want me. Hinding-hindi mangyayari 'yon dahil hindi ka katulad ni—"
Humarap ako ulit sa kaniya kaya napatigil siya sa pagsasalita. "Yeah, I'm not like your feeling angel but a bitchy girlfriend! Good luck sa masaya niyong relasyon. Mukhang insekyura pa naman ang isang 'yon sa ganda ko."
Padabog akong naglakad papasok ng aking sasakyan. Sorry kay Aimey dahil hindi ko na siya maihahatid pa. Nandoon naman sila Weyla, sila na ang bahala sa kaniya kapag 'di nila ako mahanap doon sa loob.
Napairap na lamang ako at nag-umpisa nang magmaneho. Natanaw ko pa si Williams na tulala at parang malalim ang iniisip.
So? Narealized niya na bang b***h ang girlfriend niya? Duh! How dare him to compare me sa girlfriend niyang hilaw? Nasampal ko tuloy ang gwapo niyang mukha. Tsk!
But... I want him pa rin. Kaya gagawin ko ang lahat mahulog ang isang 'yon sa karisma ng isang Farahley. And boom! I'm going to break him, like how he broke my heart by his words. Grabeh! Kahit ganito ako, nasasaktan din naman ako. Anong akala niya sa'kin? Tsk!
Hindi muna ako dumiretso sa bahay at dumaan muna sa isang convenience store para uminom ng kape at mahimasmasan. Medyo nararamdaman ko na kasi ulit ang tama ng alak, mahirap na at baka ma-aksidente ako. Bumili na rin ako ng cup noodles at kumain.
"Oo. May problema ka ba doon?"
"Oo. May problema ka ba doon?"
"Oo. May problema ka ba doon?"
Tatlong beses nagpaulit-ulit ang mga salitang sinagot niya doon sa lalaki kaya napukpok ko ang ulo ko't iiling-iling na hinigop ang sabaw ng noodles. Bakit ba kasi bumabalik pa sa alaala ko 'yon?
"You're drunk and you let men to f**k you. Just f**k them when you're sober. Para naman mas masarapan ka. Iyon naman ang gusto mo diba? To let men pleasure you. Kaya hinding-hindi kita magugustuhan."
Napapikit ako ng mariin. Pisti naman! Ano bang problema ng mga salitang 'yon at bumabalik-balik sa isipan ko? Aish naman! Susubo na sana ulit ako nang may mamataan ako sa 'di kalayuan. Isang black Ford, hindi ko masyadong makita dahil malayo. Napakibit-balikat na lamang ako't hinigop na ang natitira sa kinakain kong noodles at saka napahawak sa tiyan at sumandal sa upuan. Napatingin ako sa kaulapan na punong-puno ng mga bituin habang paunti-unting iniinom ang aking kape.
Minsan nakakasawa ring mamuhay ng mayaman. Dahil kailangang timbangin ang bawat galaw. Mabuti nga't nalulusutan ko ang mga pinaggagagawa ko, pero alam kong malalaman din nila na hindi ako kasing buti tulad ng inaakala nila mom. Iba ako sa bahay at sa labas. Ibang pagkatao, ibang persona, pero iisa lang ang nararamdaman. Gusto ko lang naman na maging malaya kahit sunod-sunuran ako.
Pagkatapos kong magkape ay agad na akong sumakay sa aking sasakyan at nagmaneho na pauwi. Medyo malapit na rin naman ito sa bahay. Pagdating ko'y agad akong lumabas ng sasakyan at napansin nanaman ang black Ford sa likuran, 'di kalayuan sa pwesto ko.
Sinusundan ba ako no'n? Pero bakit? At sino ba 'yon?
Sa sobrang takot at kaba'y madali kong nabuksan ang gate at saka sumakay ulit sa aking kotse't agad pinaandar ang makina't pumasok na sa loob. Pagkatapos kong i-park ay sinara ko na ang gate at pumasok na sa loob ng bahay, diretso sa aking kuwarto. Nakapatay na nga ang ilaw ng buong bahay kaya kinailangan ko pang buksan ang flashlight ng cellphone ko para may ilaw.
Pabagsak akong nahiga sa aking kama nang makapasok ako sa aking kuwarto. Hindi na rin ako nag-abala pang buksan ang ilaw dahil sa pagod. Natulala lamang ako sa kawalan habang inaalala ang pangyayari kanina.
Boyfriend... Boyfriend pala, ha.
---
"Where did you go ba kagabi?" Inis na tanong ni Aimey at saka nagpapadyak. Napailing-iling na lamang ako't hindi na nag-abala pang sagutin siya.
Kay aga-aga dito agad siya nambulabog sa bahay.
"Hey! Kainis ka naman. Alam mo namang ikaw lang ang matino sa mga ganoong pagkakataon. Tapos mawawala ka? Oh my! I need water. I'm going to die!" Tumakbo siya papunta sa kusina namin. Sinundan ko na lamang siya at pinanood na uminom.
"Ano bang nangyari at ganiyan ka makapag-react?"
Lumapit siya sa'kin at kinurot ako. "Aray naman! Kailangan talagang mangurot?"
"Oo!" Inis niya akong inilingan. "Alam mo bang nagising ako sa condo niya!" She hysterically stated.
"W-what? Sinong... Oh my! Really?" Gulat kong tanong. Pero agad napakunot-noo. "Paano mo nalamang condo niya? Nakita mo siya doon?"
"Duh! Of course hindi ko siya nakita dahil paggising ko, umalis ako agad. Pero syempre alam ko na sa kaniya 'yon dahil nga may mga posters and pictures na naka-display. Like duh!" Napairap siya't inis na naupo sa high chair.
"Eh hindi mo naman pala naki—"
"No! Ang pinaka-kinaiinisan ko ay naalala kong niyakap ko siya while saying I miss him! My goodness! I'm going to... Die!"
"You're overreacting."
Iniwan ko muna siya sa kusina. She keeps on ranting kasi at nakakairita 'yon. Maliligo muna ako't pupunta pa kami sa mall. Nang lumamig naman ang ulo ng babaitang 'yon at baka mawalan na ng matress. Char! Pagkatapos kong maligo ay agad ko nang hinila si Aimey papasok ng kotse. Hanggang sa biyahe ay puros siya rant. Gusto ko na ngang magsalpak ng kung ano sa aking tainga, pero sayang naman ang laway niya kung hindi ko siya pakikinggan.
"We're here!" She stops ranting at nauna nang bumaba ng sasakyan. Medyo napakunot-noo pa ako nang pagbaba ko'y nakita ko siyang may kausap.
Bilis, ah. Pero agad din akong napalunok.
"You're drunk and you let men to f**k you. Just f**k them when you're sober. Para naman mas masarapan ka. Iyon naman ang gusto mo diba? To let men pleasure you. Kaya hinding-hindi kita magugustuhan."