Muli ay napailing-iling ako habang nakatitig sa kausap ni Aimey dahil muling bumalik ang mga masasakit na salitang binitawan niya kagabi. Medyo naramdaman ko pa ang pagkirot ng aking dibdib at ang pag-init ng aking mga mata.
My goodness! Kailan pa ako naging emosyonal? At saka, parang ang babaw lang naman ata ngayon. Hayst!
"Uy, Far!" Kinawayan ako ni Aimey at saka sinenyasan na lumapit. Napatitig pa sa'kin si Williams kaya bigla akong nakaramdam ng pagkailang.
Ano ba naman 'to? Umayos ka nga Fara. Be confident!
Dahan-dahan akong naglakad palapit sa kanila. Sa bawat hakbang na ginagawa ko ay parang may kung ano ang pumipigil sa'kin at parang nais akong hilain pabalik sa aking sasakyan.
Oh my! Nasaan na ba ang aking confidence? Dapat ay wala lang sa'kin ang mga sinabi niya! I hate you self! Bakit ako nagkakaganito? Nanlalambot ako at kinakabahan.
Pero... Boyfriend ko na siya diba? He said it right?
So... I sweetly smiled. Bakit ko nga ba makakalimutan na sumang-ayon siya doon sa lalaki? My gosh! I have a card for him naman pala, eh.
Hinawi ko ang aking buhok at taas noong naglakad. Aha! My confidence is back! I love it!
"Hi boyfie," nakangiti kong bati at saka malandi siyang kinindatan. Lihim pa akong natawa sa aking isipan nang makita kong mangunot ang kaniyang makinis na noo at para bang isang napakalaking problema para sa kaniya ang salitang binanggit ko.
"B-boyfie?" Hindi makapaniwalang tanong ni Aimey at saka pasimpleng pinanlakihan ako ng mga mata.
Chika na naman ang nais ng babae na 'to.
"Tsk," tugon ni Williams at saka nagmadaling umalis. Napangisi na lamang ako habang pinapanood siyang naglalakad palayo, pero napadaing ako nang bigla akong kurutin ng aking pinakamamahal na kaibigan.
"Anong boyfie? Gumising ka! Kaloka! Nakakahiya ka." Umakto pa siya na parang diring-diri sa mga pinagsasasabi ko at saka pinaypayan ang sarili gamit ang kaniyang kamay. Palibahasa'y walang alam sa kaganapan sa life ko.
"Kung ayaw mo maniwala, edi 'wag." Pinalobo ko ang pisnge ko't ngumiti at saka nauna nang maglakad. Kumaway pa ako sa kaniya as a sign of goodbye.
Okay! Buo na ang araw ko. Hindi ko talaga alam kung bakit sa bawat araw na nakikita ko ang lalaking 'yon at nakakausap ay para akong nababaliw. Gosh! This is not me na talaga.
"Fara! Wait! How dare—argh! Wait me up!" Mas lalo ko pang binilisan ang paglalakad hanggang sa lakad-takbo na ang ginawa ko dahil nararamdaman ko na ang mabagsik na awra ng aking kaibigan.
Mahirap na at baka pumangit ang modelo ng kabataan. Charot! Sayang naman ang aking glassy and smooth skin kung papaluin niya lang. And of course, my beautiful hair could be ruin once na hilain niya ang buhok ko. Duh! Sayang naman kung magkalagas-lagas.
Huminto lang ako nang makapasok na ako sa mall. Medyo naghahabol pa ako ng hininga at kinawayan ang wala sa mood kong kaibigan.
Kawawa naman. She looks ugly na tuloy. The thought of leaving her alone crossed my mind, pero kawawa naman at hindi pa nakaka-get over sa experience niya last night. I'm going to buy her na lang ng bag from Chanel since that is her favorite brand.
Suhulan natin ang babaitang ito.
Pero ano nga palang ginagawa dito ni Williams? May date kaya siya? Kapag siya nakita ko. Aba! Proud girlfriend ako, tapos siya parang ano? Parang baliw na tinatanggi ang kagandahan ko. If I know nagagawa ko siyang... You know. Iyong—okay! Nevermind.
"Why are you in hurry?" Mataray na tanong ni Aimey nang tuluyan na siyang makalapit sa'kin. I smirked at her and drag her papunta sa salon.
Yeah! It's time to freshen up people! I decided na magpakulay ng buhok. Saktong-sakto rin para bukas dahil may pasok na. And I just feel lang na I need to be more beautiful as I am. Para kay boyfie, ang choosy na boyfie.
Self proclaim jowa is here! Pero duh! Um-oo naman siya doon sa lalaki. So oo nga! We're jowa. Jowa? Jowa? Duh! Wala kang jowa! Charot!
"Anong nakain mo?" Nginitian ko lamang si Aimey at saka ako binati ng mga stylists or parlorista? I don't know. Pero grabeh kasi ang respect nila sa'kin.
Ako lang naman ang nag-iisang Farahley Deraini, anak ng kilalang bilyonaryo sa mundo at may-ari ng iilang hotels, restaurants, resorts and many more. I am just known because of my surname and my beauty, and I don't care.
"Do us some makeover. I want my hair color in a rose gold." I smiled.
"Broken ka, Ma'am?" Echoserang tanong ni Dalya, ang baklang taga-ayos sa'kin. Pinaupo niya na kami at saka inumpisahan niya nang galawin ang buhok ko. Si Falden naman ang nag-aayos kay Aimey
"Duh! I'm not broken 'no. Gusto ko lang gumanda kami dahil..." Napangisi ako. "Dahil we need it to make men crazy for us."
"Kaloka ka talaga ma'am! Hindi ka pa rin nagbabago."
Natawa na lamang ako. Kilala na talaga ako ng baklang 'to. At saka I admit naman na siya ang paborito ko sa lahat ng trabahador dito. Duh! Ang cute kaya niya! Minsan nga iniisip kong siya ang isama sa pagsho-shopping dahil mukha namang maganda ang taste niya sa pagpili, lalo na at dito siya nagtratrabaho.
"How about you, Dalya?"
Nakita ko naman sa salamin na napakunot ang kaniyang noo at saka iiling-iling. "Anong ako?"
"Any boyfie? Kaharutan? Kalandian? Tell me. I want to know!" Nilingon ko muna si Aimey at nang makitang nakapikit siya'y ibinaling ko ang tingin ko sa harap ng salamin para makita si Dalya.
"No boys."
"You sure? Want to have some fun with me sometimes?" Tanong ko.
"Nakakahiya naman ma'am. Bilyonaryong anak sumasama sa isang baklang nagtratrabaho sa salon. Duh! I don't want to be the headline in news."
Natawa ako at nakangiting tinitigan ang repleksyon niya sa salamin. "Duh! Di 'no. I want to be your friend din naman in outside this job of yours. Cute mo kaya. Malay mo bigla kang maging lalaki."
"Ewww!" Diring-diri na sabi niya't inuumpisahan nang kulayan ang buhok ko.
"Is the color I'd chose fits me?" Tanong ko. Baka kasi mamaya ay magmukha akong ewan dahil 'di naman pala bagay sa'kin ang kulay na pinili ko.
"Of course, do you want me to curl the ends of your hair? Feeling ko mas lalong babagay sa'yo kapag gano'n, since I'd already cut it na hanggang sa shoulders mo." Napangiti ako.
He's good at this talaga. He really deserve this job, sana sa susunod mayroon na siyang sariling salon. And I will be his first customer if that happens in the future.
"Ikaw na ang bahala. I give my trust to you." Napangiti lang siya na nakita ko sa kaniyang repleksyon mula sa salamin.
Sana naman huwag nang pabebe si Williams when he saw me with my newest transformation. Duh! It's for him kaya, baka umarte pa siya. In love na in love siya sa ex jowa niyang mas masangsang pa ang ugali kaysa sa'kin. Tsk! As if naman.
After ng hair, nagpa-spa naman kami at saka nagpa-manicure and pedicure. I really love my new hair na talaga. Ang kay Aimey naman ay blonde, nagmukha siyang foreigner. Pero bagay pa rin naman sa kaniya.
"I'm hungry na. Libre mo rin ba? Grabeh anong sumapi sa'yo at nagwawaldas ka ng yaman mo ngayon? Kakaloka! Sana ganito ka na lang lagi diba." Napailing na lamang ako't pumasok na kami sa isang italian restaurant.
Nang makaupo kami'y agad akong tumawag ng waiter at saka binigay sa'kin ang menu.
"Mine is pasta puttanesca and strawberry shake," sabi ko't iniabot na kay Aimey ang menu para siya naman ang pumili.
"Also, pasta e fagioli and mango shake." Aimey gives back the menu and smiled. "That's all, thank you."
Ngumiti ang lalaking waiter. "Okay, just wait for your orders, Ma'am."
Tumango lamang kami at saka kinuha ang cellphone ko't binuksan ang camera nito. I want to see myself kung I look different na because of my hair color.
"Selfie nga tayo, Aimey," I said. Tinapat ko na ang camera sa aming dalawa and we posed.
"We look foreigner na!" Aimey exclaimed.
"Yah."
Napangiti ako't naisip kung magkakaroon na ba kaya ng reaksiyon si Williams sa bagong look ko.
Gosh! I'm excited na.
Pagdating ng order namin ay nag-umpisa na kaming kumain. This restaurant is our favorite, madalas kaming kumain dito sa tuwing magshoshopping kami. Kaya alam na rin namin ang talagang gusto naming kainin.
"You must buy me a dress later," Aimey said while eating her pasta.
"Wow! Ano ako, nanay mo? Kung makapagsabi ka diyan ay parang kailangan ko talagang sundin. Kaloka ka!"
She rolled her eyes. "Syempre sagot mo na ang new look ko, bakit 'di mo pa sagutin ang outfit of the day ko bukas?"
"Walang hiya ka talagang babaita ka." Napailing-iling ako at saka uminom sa aking strawberry shake.
I really love strawberries!
Pagkatapos naming kumain ay binayaran ko na ang bill. Dumiretso kami sa Chanel since I'm going to buy Aimey a new bag. Well, I already said it earlier.
"Are you going to buy me one?" She asked and looked around. "Really? Anong nakain mo?"
I shrugged my shoulders. "Peace offering?"
"Wow! Uso pala ang ganoon sa'yo? Bakit 'di ako na-inform? Grabeh!" Agad niya akong hinila sa parte kung saan naka-display ang mga brand new sling bags.
"Just one?" I nodded.
Grabeh! Akala naman nito ay papakyawin ko lahat. Kaloka! Isa lang 'no.
Habang namimili siya'y nakarinig ako ng mga tili na mukhang palapit sa'min. Maski si Aimey ay napahinto at sabay kaming napalingon sa aming kaliwa kung saan naririnig ang ingay. Nakita naming may iilang men in black na naglalakad at tila ba may prinoprotektahan laban sa mga babaeng nagkakagulo at nagtitilian.
"Is that..."
I looked at Aimey and I saw how her eyes widened. "Oh my! I'm going na! Gosh! Bakit nandito 'yan? Oh my! Aalis na ako. Ikaw na bahala kung aling bag basta aalis na ako!" She said in panicked and run as fast as she can.
Wow? Nakatakbo siya habang nakatakong? Just wow! At iniwan niya ako?
Napailing na lamang ako't nilingon ang lalaking pinagkakaguluhan na ngayon ay nakatingin sa'kin. Nginuso ko naman ang daang pinuntahan ni Aimey. Nginitian niya ako at saka tumakbo. Gosh! Pati mga fans niya nagtakbuhan din at muntik pa akong mabangga. Nakakaloka! Parang na-stress ang beauty ko ng very light. Tsk!
Nang makapili ako ng bag for Aimey ay agad ko nang nilisan ang mall. I want to stay muna sa park, I want to breathe. Kahit polluted air ang mayroon dito, hindi pa rin talaga mawawala ang sariwang hangin lalo na sa tuwing nasa Parke ako. Hapon na rin naman kaya ayos lang dahil 'di na ganoon kainit.
Grabeh ang ang tagal pala namin 'no? Ni hindi ko man lang namalayan.
Pagdating ko sa lugar na pinag-parking-an ko ay halos mabitawan ko ang mga bitbit ko.
"What the!" Natulala ako sa nakitang itsura ng aking sasakyan.
Shit! Just what the hell happened here?
Basag ang salamin nito, at parang dinospordos pa ata? My gosh! So paano ako uuwi? Don't tell me... No way! Hindi ako marunong mag-commute! I need to call manang!
I was about to dial our house number nang mayroong mahagip ang aking mga mata at wala sa sariling ibinalik ko sa aking bulsa ang cellphone ko. Napatayo ako at saka inayos ang aking sarili.
"Williams!" Sigaw ko at patakbong lumapit sa kaniya.
Sasakay na sana siya sa kaniyang sasakyan nang hawakan ko ang balikat niya. "Ah... Pwedeng makisabay?"
Napakunot-noo siya sa sinabi ko't napatingin pa sa buong parking lot. "Where's your friend?"
Napakibit-balikat ako.
"No, 'di ba may kotse ka?" Seryoso niyang tanong at sinuri pa ang itsura ko. Napatikhim lang siya nang mapangisi ako.
"May sumira." Itinuro ko ang kotse ko.
"Then commute. Wala akong paki sa'yo, and we're not friends. So, excuse."
Napanganga ako sa gulat at hindi ko na namalayang umalis na sa harapan ko ang kotse niya. Sinubukan kong humabol hanggang makalabas ng parking lot. Pero wala! He didn't stop his car!
Gosh! Ganoon ba talaga 'yon? He's suplado!
"Hey, beautiful." Napalingon ako sa harap ko nang may humintong pulang volvo. His face is quite familiar.
"Want to ride?"
At dahil wala akong choice. "For free? Gosh! Thank you! Mabuti ka pa!" Bubuksan ko na sana ang pinto ng kotse nang biglang may humawak sa'kin.
"Let's go." Nagulantang ang aking kasu-kasuhan!
My gosh! Bumalik siya? Akala ko ba walang paki?
"Sure ka?" Um-acting pa ako na parang nagdadalawang isip. "Pwede namang makisakay ako sa kaniya. I thought you didn't care about—" muntik na akong masubsob nang hilain niya ako.
Now... You don't care pala ha? Neknek mo uy!