Chapter 7: Kiss

1834 Words
"So... Why did you comeback?" Nakangisi kong tanong at tinitigan siya. He drives me—I mean the car seriously. Enebe! Hahahahaha! Pero napaismid ako nang hindi niya ako sagutin, kaya inilapit ko ang mukha ko sa kaniya. Malinaw tuloy sa aking mga mata ang pagkunot ng kaniyang noo. He's handsome talaga, lalo na kung pagmamasdan mo ng ganito kalapit. Makalaglag panty! Nakaka-wet. Char! "Please... Go back to your sit, because I'm driving." Yeah, you're driving me crazy. Rawr! "Answer me muna. I thought you didn't care. Pero bakit bigla ka na lang susulpot?" I smiled from ear to ear. Hindi ko talaga maintindihan kung bakit ang saya ko ngayon. Bigla niyang itinigil ang sasakyan at seryosong humarap sa'kin. "I..." "You, what?" Nakangisi kong tanong. "Nothing. But please stop asking me about that, because I have my own reasons—" "And what are those?" I licked my lips and stared at him. I saw how here adam's apple moved dahilan nang pagkatulala ko. Why does he need to do that? I stared at his lips kahit na mukhang rude dahil nagsasalita siya. I find it sexy while he's speaking. "Magtatanong ka ba or bababa ka na sa sasakyan ko?" Kunot-noo niyang tanong kaya nalipat ang tingin ko sa mukha niya. "Is it bad?" Inosente kong tanong. Napatingin na naman ako sa labi niya. Why it's so hot here? Gosh! Nag-iinit ba ako o talagang mahina lang ang air-conditioning ng kaniyang sasakyan? Napabalik tuloy ako sa pwesto ko kaya nag-umpisa na siyang magmaneho ulit. Gosh! I need air. Bakit ang init? "Ah..." Paano ba 'to? "What?" Iritable niyang tanong at saka saglit akong nilingon. Grabeh! Inis na inis talaga siya sa'kin? Eh sino bang may kasalanan? Pinasakay-sakay niya ako dito, eh. Sana pinasakay niya na lang ako sa harapan niya edi nasarapan pa siya. Charot! Kaloka ka self. "Pwedeng palakasan mo 'yong air? It's hot kasi." O baka ako lang ang nakararamdam? Why so hot naman po kasi, Williams? Kunot-noo niya akong nilingon at saka nilakasan ang air-conditioning ng kaniyang sasakyan. Medyo guminhawa naman ang pakiramdam ko't nabawasan ang init sa aking katawan. Grabeh! Parang lalagnatin ako kanina. Ganito ang pakiramdam 'pag bitin. Char! Baka 'pag mas lalo akong mag-alab ay halikan ko na 'tong lalaking nagmamaneho. Aba! Swerte siya kung ako ang mag-iinsist sa first kiss namin. Pero pwede rin naman ako, kung nahihiya siyang halikan ako. Duh! We're jowa na kaya. Tsk! "Jowa..." Mahina kong sabi at saka bumungisngis. Lihim ko pang nilingon si Williams at dagling dumaan sa aking isipan ang mga gagawin namin kapag nailabas ko ang ka-sweet-an niya. Duh! He's in love pa rin doon sa bitchy ex niya. Pero batang may laban ata ako 'no! Pasasaan pa ang kagandahang taglay ko kung 'di ko maaangkin 'tong pinagpalang lalaki na nakita ko sa buong buhay ko? My gosh! Kahit 24 hours jowa challenge lang basta magawa namin. Magaling kaya ang isang 'to? Mukha naman siyang masarap. Pero paano 'yong sa baba? Hahaha! Is it malaki kaya or maliit? Gosh! Pero I don't want him na maging kagaya ni Christian Grey. Gusto ko ako ang gumanap na Christian Grey hihi. Char! Pero duh! Hindi ko nga natapos panoorin 'yong fifty shades of Grey, eh. Bakit sobrang halay ko na? Kaloka ha! "Pwedeng idaan mo na lang ako sa park?" Tanong ko't at biglang ngumiti. "Sama ka na rin, if you want." "Tsk." Napangisi na lamang ako. Pakiramdam ko tuloy date namin ngayon hihi. Ano kayang mangyayari 'pag nagmahal ang isang Williams? Katulad kaya siya ng mga lalaki sa telenovela? Sweet, possessive, protective, and clingy? Waaaahhh! I want to know how cute he is kapag na-in love. Tipong hahamakin ang lahat mapakasalan lang ako. Charot! Stage one pa lang self. Kasal na iniisip mo agad, remember you're not serious about the word 'relationship' and 'serious'. Napabalik lang ako sa reyalidad nang marinig ko ang pabagsak na pagsara ng pinto. Napalingon tuloy ako kay Williams na ngayon ay nasa labas na. Tsk! Nandito na pala kami. Ni hindi man lang nagsabi. Ganiyan ba siya ka-sungit? Hmp! Bago lumabas ay tiningnan ko muna ang sarili ko sa rearview mirror. Napangiti na lamang ako sa aking sarili at napakindat. Ganda ko! Kinuha ko na ang paper bag sa likod at isinukbit na sa aking balikat ang bag ko. Pagbaba ko'y napangiti ako habang inaalala ang mga pangyayari sa parke na 'to. Nasaan na kaya siya? Napatingin ako sa paligid at pinagmamasdan ang mga puno. Walang katao-tao ngayon sa parke dahil tanghali na at medyo tirik pa ang araw, pero hindi pa rin mapagkakailang mahangin. Lumapit ako sa malaking puno at naupo sa ilalim nito. "Williams!" Tawag ko. Muntik ko nang makalimutang kasama ko nga pala siya. Napatingin siya sa'kin at dahan-dahang naglakad. Hinayaan ko na lamang siya at saka sumandal sa puno at pumikit. Grabeh! Miss ko na 'yong kalaro ko dati dito. Ni hindi ko man lang natanong ang pangalan no'n, pero madalas kaming magkita dito at maglaro. "Stupid." Napaangat ako ng tingin dahil sa narinig. "What?" "I said..." He licked his lips and stared at me. "You're stupid. Tanghaling tapat, naisipan mo pa talagang tumambay dito." "Paki mo ba?" Nagkibit-balikat na lamang siya at saka umupo sa tabi ko. Pero ang layo niya! Diring-diri ba 'to sa'kin? Grabeh naman. Tumikhim ako. "So... Bakit sinakyan mo ang trip ko na sumama ka? I mean... Dapat umalis ka na lang." Grabeh self. Why so pabebe? "Just want to breathe." Napakunot-noo ako. "Bakit? Hindi ka ba nakakahinga?" "Tsk." "Ehhh! Iyang mga sagutan mo kasi walang kwenta. Dapat ang sinabi mo ay gusto mo lang akong makasama. Na gusto mo mag-bonding tayong mag-jowa," kinikilig kong sabi at saka tuluyan siyang nilingon. "Jowa? Stupid." Bigla akong humagalpak ng tawa. "We're jowa na kaya. Did you forget ba na um-oo ka doon sa guy sa bar?" "Tsk." Ano ba naman 'to! Medyo boring pala si Williams. Puros 'tsk' lang alam na sabihin. Ano ba ito? Kailangan ko na ba siyang halikan sa part na 'to? Ni walang kilig moments. Kairita! Hinampas ko ang mga damo na nasa harapan ko at muli siyang nilingon. "May tanong ako." "Hmmm..." "Bakit mo nagustuhan 'yong ex mong b***h?" Tanong ko kaya sinamaan niya ako ng tingin. "Okay! Hindi na b***h. Grabeh makatingin, parang pupugutan na ako." "Why are you asking?" Kunot-noo niyang tanong. "Curious lang. Bakit? Masama na bang magtanong 'pag na-curious?" Napairap ako at saka pumitas ng damo. "Are you asking me that? Seriously?" Napailing siya. Mukhang hindi makapaniwala sa aking sinabi. "Ano ba kasing masama sa tanong ko?" Napanguso na lamang ako. "Okay, okay. I like her because she is beautiful, talented, and I adore her kindness like the little girl I'd met when I was young." Nakunot-noo ako. "Sinong bata?" "Basta. She's like that little girl, and I'm longing for her. Siguro ay nakita ko siya kay Avhantry kaya madali ko siyang nagustuhan." Nakita ko ang ngiti niya. Mas lalo ko atang nagiging bet ang lalaking 'to. "Grabeh! Ang rupok mo!" Napailing-iling na lamang siya. "Eh bakit mo ako kinakausap ng maayos ngayon?" Nakangisi kong tanong at saka tuluyan nang tumabi sa kaniya. Hindi ko talaga matatanggap 'to! Grrr! Ako pa talaga ang nag-insist na lumapit sa kaniya. Kaloka na itong kaartehan ni Williams, ha! He cleared his throat. "Because you're asking me?" "Talaga ba?" Mas lalo akong ngumisi. "Oo. Magmumukha kang tanga kapag hindi kita sinagot. May makakita pa sa'yo, baka akalaing baliw ka." Bigla ay nalukot ang mukha ko. Siya naman ang nakangisi ngayon. Iba ang awra ng Williams na 'to ngayon, ah. Ano kayang nahithit nito? O baka naman ay may nakain siyang nakasasama para sa kaniya? Napahikab ako at saka napasandal sa puno at pumikit. Ayos lang naman ata ang umidlip muna, medyo inaantok na rin kasi ako. Nandiyan naman si Williams kaya wala naman sigurong mangyayari sa'kin. --- Naalimpungatan ako nang makarinig ng mga sigawan at mga nagtatakbuhan. Nang imulat ko ang mga mata ko'y napangiti ako ng makita ang mga batang nagtatakbuhan. Hapon na pala kaya marami na rin ang nandito sa parke. Bigla akong napakunot-noo nang mapagtantong nakasandal ako sa balikat. Kaya dahan-dahan akong bumangon at nakita si Williams na nakapikit at naka-akbay pa sa'kin. Bigla akong natuwa sa hindi malamang dahilan, kaya nangalumbaba ako't nakangiting tinitigan siya. Ang inosente naman pala ng mukha nito 'pag tulog. Hindi halata na masungit siya at sana 'di na siya magising. Charot! Pero mas pogi kasi siya 'pag tulog dahil mukha siyang anghel. Medyo magulo na rin ang buhok niya. Kaya hinawakan ko ito at inayos. "What are you doing?" Biglang nanlaki ang mga mata ko at napahinto sa harap niya habang ang dalawa kong kamay ay nasa buhok niya. "Ah... Eh..." Napakunot-noo siya at saka hinawakan ang palapulsuhan ko't tuluyang inalis ang dalawa kong kamay na nakapatong sa kaniyang ulo. Kusa akong natulala nang guluhin niya ang buhok niya't hayaang liparin ng hangin. Parang sumakto rin ang pagkahulog ng mga dahon mula sa puno dahil sa malakas na hangin. Nakakaloka! Pakiramdam ko ay isa ako sa bidang babae sa mga pelikula na napapatitig sa bidang lalaki. Gosh! This is not me na talaga. Tumikhim ako at pilit inalis ang kakaibang ilang na nararamdaman. "Ikaw ha! Ang sweet mo pala!" "What?" Napakunot-noo siya at saka napatingin sa paligid. "Sus! Ayaw mo pa aminin." Tumayo ako't pinagpagan ang aking pang-upo. Isinukbit ko na rin sa balikat ang bag ko't kinuha ang paper bag. "Una na ako." Narinig ko pa nang tawagin niya ako. Kaya bigla akong naglakad palapit sa kaniya. "Thanks for today," sabi ko't hinalikan siya sa pisnge. At walang hiya! At saka ko lang napagtanto ang ginawa ko nang matulala siya. Kaya dali-dali akong naglakad paalis habang nailing. Sinampal-sampal ko pa ang pisnge ko't kumurap-kurap. Gosh! Ano ba 'yong ginawa ko? Nakakaloka! Habang naglalakad ay pailing-iling ako dahil pait-ulit na nagpa-flashback ang nangyari kanina. Gosh! Ano bang big deal doon? Sa pisnge lang naman, ah! Pero bakit parang bigla akong nahiya? Kaloka! Pagdating ko sa bahay ay naabutan ko si mom. Dire-diretso lang akong pumasok. Ni hindi niya nga ako napansin kaya 'di ko na siya nilapitan. Baka kasi busy si mommy sa pagtratrabaho. Mukha ring malalim ang iniisip niya habang nakatitig sa nakapatay na laptop. Ano kayang meron? Pagpasok ko sa aking kwarto ay agad akong naligo at nagbihis. Tulala pa nga ako habang nagsusuklay at saka pabagsak na nahiga sa aking kama't napayakap sa aking sarili at napangiti. "Hinalikan ko siya!" Malakas kong sabi at saka tinakpan ang aking mukha ng unan at dito ay impit akong napatili. "Oo. Magmumukha kang tanga kapag hindi kita sinagot. May makakita pa sa'yo, baka akalaing baliw ka." Mas lalo akong napatili nang maalala ang mapang-asar niyang tugon. Gosh! Bet na bet ko talaga ang papi na 'yon! My goodness! I need air! Pero... Dapat back to normal ulit ang kaharutan ko sa ibang lalaki sa Monday. Hindi dapat ako mabaliw kay Williams. Tsk! He's just a toy that I want to try. No strings attached.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD