"Waves! Waves! Waves!" Sigaw ko at saka huminga ng malalim at sumabay sa alon ng dagat. Halos sampung minuto na ako nagbababad dito sa dagat, but Williams doesn't want to join me. Tinatawanan niya lang ako dahil sa sinisigaw ko kaya hindi ko maiwasang mapairap dahil sa mga pinagsasasabi niya. Kainis iyon. Nang matapos ang alon ay umahon ako ulit at muling nagsisisigaw, pero agad ding napahinto dahil kay Williams. "Are you really doing that for the whole day?" Natatawa niyang tanong. May iilan na ring mga tao na sa tingin ko ay ang tatrabaho ng pinarerenovate nila. "Pakialam mo ba?" "Kaunti na lang ay tatalunin mo na ang pinakamagaling na surfer, but sad to say..." Napairap ako dahil sa pa-bitin niya. "Wala kang surfboard, but the most interesting part is you are happily challenging

